Currently Sick

3 1 0
                                    

My eyes that were once lost are only looking at you… ~ Waiting For You, Jo Hyun Ah (Urban Zakapa)

xxxxx

[Relaina]

Hindi rin hambog ang sira-ulong iyon. Ngayon ko na talaga napatunayan na hopeless na ang pagiging hambog nito. At talagang malakas pa ang loob nitong sabihing magiging future Mrs. Brent Allen Montreal daw ako. Hello? Not to mention, ang kapal din ng mukha. Mapagsamantala pa ng pagkakataon.

Diyos ko! Hindi ko na alam kung paano ko pa pakikisamahan nang maayos ang lalaking iyon na hindi nagre-react ang puso ko at hindi rin lumilipad sa kung saan ang isip ko.

Gaya na lang ng nangyayari sa mga sandaling iyon sa silid ko. Nakatingin lang ako sa kawalan habang nag-iisip ng isusulat sa journal ko para sa gabing iyon. I just got back to writing in a journal may isang buwan din matapos ang araw na nangako ako kay Brent that rainy day.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at naisipan kong gawin ito ulit after my break-up with Oliver. Pero iniisip ko na lang na... baka kailangan ko nang ilabas mula sa isip ko ang mga nararamdaman at naiisip ko. The changes, the fear, the excitement, the worries... All of it.

And honestly speaking, mula nang mangako ako noong araw na iyon kay Brent, mukhang hindi ko na kakayaning itago lang ang mga iyon sa isip at puso ko. Not that I hated dealing with all of it. Pero gusto ko lang maging klaro ang takbo ng utak ko sa mga susunod na araw.

But with Brent surprising me every step of the way with his actions and words, I had a feeling that it would be a hard thing to achieve. Then again, dapat nga talaga sigurong masanay na ako na nangyayari ito sa akin. Knowing about the consequences or not, I signed up for this the day I made that promise to him.

With a sigh, I started writing on my extra composition notebook that I turned into a journal. Ayokong itabi lang ang mga notebook na ito na walang nakasulat. At dahil wala pa naman akong maisip na puwedeng paggamitan ng mga ito, making them into a journal should work for now.

"Lalo lang dumarami ang kasalanan mo sa akin, Brent, sa totoo lang..." naibulong ko na lang sa sarili ko habang nagsusulat sa notebook.

Honestly, hindi na ako nagtaka nang makita kong halos lahat ng nakasulat doon ay tungkol kay Brent at sa mga nararamdaman ko sa tuwing kasama ko ang lalaking iyon. Not that I intended it, but I ended up filling 3 pages of that notebook with writings about him.

"Kinukulam mo na yata ako, Brent..."

Kahit na pabiro ko lang sinabi iyon sa sarili ko, gusto kong paniwalaan na may kung anong mahika o gayuma yata ang unti-unting tumatalab sa akin dahil sa mga ito.

xxxxxx

"You're supposed to be resting. Not walking around your room."

Hindi ko na lang pinansin ang sermon na iyon ni Mayu nang maabutan ako nitong palakad-lakad sa loob ng kuwarto ko at may hinahanap sa mga bookshelves ko. Pero kahit anong hanap ko ay hindi ko makita ang pakay ko roon.

Damn it! Saan ko ba inilagay iyon?

"Aina, may sakit ka! Mamaya mo na hanapin ang kung ano mang dapat mong hanapin. Magpahinga ka muna."

Buntong-hininga na lang ang naging tugon ko sa para bang desperadong pakiusap sa akin ni Mayu. Nang tingnan ko ito ay nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nito. It only meant that she was serious about making me rest in the meantime before I continue looking for 'that thing'.

"Sige na, mahiga ka na muna. Dinalhan na kita ng makakain mo para makainom ka na rin ng gamot mo at makatulog ka. Saka mo na hanapin ang kung ano mang dapat mong hanapin. Okay? Kung gusto mo, tutulungan pa kita."

Hindi na ako nakatugon sa sinabing iyon ni Mayu. Huminga na lang ako ng malalim at saka sinunod ang gusto nito. I went back to my bed and she placed a food tray on the portable food table.

"Ang dami naman nito. Sinipag kang magluto?" biro ko rito para lang mawala ang pag-aalala nito.

"Oo, dahil alam kong hindi ka makakakilos nang maayos ngayong may sakit ka. Pero... wrong timing yata ang pagdating ng lagnat mo ngayon. Kung kailan naman nag-e-enjoy si Brent na kasama kang magpunta sa kung saan-saan."

Hindi na lang ako umimik matapos nitong sabihin iyon. Kahit ako man ay naisip kong wrong timing yata ang pagkakaroon ko ng sakit ngayon. But I had a guess kung bakit dinapuan ako ng lagnat. Sobra na siguro akong pagod dahil na rin sa dami ng pinaggagagawa ko. Idagdag pa ang ginagawa kong pag-iisip kung paano pakikisamahan ang kamoteng iyon sa mga trip nito para sa 'summer together' namin.

Nagising na lang ako kanina na nanghihina at mainit ang temperatura. In short, dinapuan na ako ng lagnat.

"But it looks like he's doing well since that day," sabi ni Mayu na pumutol sa pag-iisip ko ng mga sandaling iyon. "Hindi nga nagkamali si Vivian sa sinabi niya tungkol sa 'yo noon. Na ikaw lang ang makakatulong kay Brent na talikuran ang madilim na bahagi ng sarili niyang iyon dahil sa nangyari kay Vance."

Sumubo muna ako ng lugaw bago ako tumugon sa sinabing iyon ni Mayu. "Matatagalan pa bago tuluyang makakawala si Brent sa kadenang nagtali sa kanya sa galit at pagnanais na ipaghiganti ang pagkamatay ni Vance. Totoo, makikita mo na parang hindi na nito iniisip iyon. But his otherwise weird actions were telling a different story to me."

Nakita kong kumunot-noo si Mayu. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"It's true that he was trying to get away from something. But I doubt it's about his hatred from what happened back then. He wanted to bury something in his mind. Hindi ko matukoy kung ano iyon sa ngayon. Pero iyon ang nararamdaman ko sa mga ikinikilos niya these past days na magkasama kami."

If there was one thing na hindi ko magagawang ilihim kay Mayu tungkol kay Brent, iyon ay ang mga obserbasyon ko sa ikinikilos ng kamoteng iyon mula nang malaman ko ang tungkol sa nakaraan nito. The past that made him desperate to seek justice for his friend's death in his own way.

"Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa observations mo?"

Umiling lang ako. Paano ko naman kasi magagawang sabihin kay Brent ang tungkol sa mga ito? Eh lagi na lang akong dini-distract ng bruhong iyon sa mga pinag-iiisip ko tungkol dito by pulling me to do this and that. Parang... nakakahalata yata ito na inoobserbahan ko ito at ayaw nitong sagutin ang anumang magiging tanong ko rito kapag nag-umpisa na akong i-interrogate ito.

At least for the meantime, ayaw muna nitong sumagot sa mga magiging tanong ko rito.

"May posibilidad kaya na maisipan pa rin niyang gantihan ang mga may kinalaman sa pagkamatay ni Vance? Then again, nagpakamatay na si Carol. Siya lang naman ang alam kong puwedeng gantihan ni Brent, eh. Nakaganti na rin naman siya sa mga sunud-sunuran kay Carol by beating them up that day."

"May isa pang puwedeng gumawa ng paraan para saktan si Brent sa ginawa niyang pagwasak sa puso ni Carol the same way she destroyed Vance's heart all those years ago."

Matapos kong sabihin iyon ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Oliver tungkol kay Rachel. Isa iyon sa mga hindi ko pa mabanggit-banggit kay Mayu dahil ayokong mag-alala pa ito ng husto sa magiging kaligtasan ko.

"Kailangan ko na lang sigurong talasan pa ng husto ang pakiramdam ko tungkol sa mga ikinikilos ni Brent" suhestiyon ko. "Sa ngayon, iyon na lang ang magagawa ko dahil hindi ko alam kung ano pa ba ang maitutulong ko para lang hindi na bumalik pa ang mapaghiganting bahagi ng pagkatao nito."

"But to do that, kailangan mo munang magpagaling. Okay? Huwag kang mag-alala. Hindi ko binanggit sa kahit kanino na may sakit ka ngayon. Lalo na kay Brent. Diyos ko po! Nai-imagine ko na kung paano mataranta ang lalaking iyon kapag nalaman niya."

Napangiti ako dahil sa narinig ko. "Thanks, cuz."

"Saka mo ako pasalamatan kapag magaling ka na."

After that, I continued eating the food that Mayu served to me. All the while, my mind kept on going to Brent and wondering what could he be doing at the moment. Tiyak na magwawala iyon kapag nalaman nitong may sakit ako ng mga sandaling iyon. Just as Mayu stated.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon