My feelings that I haven't conveyed yet are overflowing… ~ Someday, We…; Junggigo ft. Jung Hyo Jin
xxxxxx
[Relaina]
Oo nga't mahaba-haba naman kahit papaano ang tulog ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay hinang-hina ako. Wala naman akong maalalang pinagod ko ang sarili ko. Pinilit na nga lang ako ni Mayu na magpahinga kaagad pagkatapos kong kumain.
I sighed as I tried to get up dahil kailangan kong pumunta ng banyo. Pero sa ginawa kong iyon ay naramdaman ko ang biglang pagsigid ng sakit sa ulo ko. Why did this have to feel like I had a hangover or something? Sobra ko na bang pinagod ang sarili ko at mukhang lalo pa yatang lumalala ang sakit ko kahit na nakapagpahinga na ako?
"Aina! Okay ka lang? Bakit ka naman tumayo?"
Napaangat ako ng tingin pagkarinig ko sa boses ni Mayu na hindi ko man lang namalayang nakapasok na pala ng kuwarto ko.
"Kailangan kong pumunta ng banyo para umihi. Ang problema, lalong sumakit ang ulo ko the moment na tumayo ako," sagot ko at saka ko inumpisahang maglakad papunta sa banyo na naroon lang sa loob ng kuwarto ko.
"Wait! Sasamahan na kita. Baka mamaya niyan, bigla ka na lang tumumba riyan habang nasa loob ka ng banyo, eh," suhestiyon ni Mayu at agad na itong lumapit sa akin.
Hindi na lang ako pumalag at nagpatianod na lang ako sa gustong gawin ng pinsan ko. Tama nang masyado na itong nag-aalala sa akin ngayong may sakit ako. Ayoko nang palalain pa iyon ng pagtanggi ko sa bawat tulong na gusto nitong i-offer sa akin.
"Thanks, Mayu," tanging nasabi ko na lang.
"Ito naman. Kung makapagpasalamat ka sa akin, parang ngayon ko lang ito ginawa sa 'yo."
"Hindi naman sa ganoon. Pero alam mo ang personality ko. Hindi ako basta-basta nagpapatulong o nagpapakita ng kahinaan sa harap ng ibang tao. Maliban na lang kung… talagang hindi ko na kaya. But you know it will take a long time for that to happen."
"Hindi naman nangangahulugan na kailangan mong solohin lahat. Hindi lang ako ang mag-aalala para sa 'yo. Tandaan mo sana 'yan."
Nakarating na ako ng banyo at isinarado ko na ang pinto n'on nang mapaisip ako sa sinabi ni Mayu. Hindi ko alam kung bakit pero biglang pumasok sa isip ko si Brent. But that would be weird, right? Or was it?
Hindi naman siguro. Kahit papaano, malapit na kami ng lalaking iyon kahit na may pagkasira-ulo rin iyon paminsan-minsan. Lalo na kapag inaasar na naman ako nito. I knew that as soon as Mayu said those words, na isa si Brent sa mga taong mag-aalala talaga para sa akin.
It was just that… I couldn't find it in me to mention to him na may sakit ako ng mga sandaling iyon. Alam ko na medyo busy ito nitong mga nakaraang araw dahil sa ibang mga bagay na kailangan nitong asikasuhin. I might not have any idea what they could be. Pero alam ko na hindi ko siya dapat abalahin.
And it would definitely be for the best if he didn't know that I was sick at the moment.
Ilang sandali rin ako sa loob ng banyo pagkatapos ng pagmumuni-muni kong iyon. Hindi naman nagtanong ang pinsan ko at hindi ko naman kinakitaan ng pag-aalala ang mukha nito paglabas ko ng banyo. Iyon ay kahit na alam kong may katagalan rin akong naroon. Nginitian lang ako nito at sinamahan ako hanggang sa makarating ako sa kama ko.
Noon ko naman napansin ang isang tray na naglalaman ng mga nahiwa nang prutas na nakalagay sa ilang bowls na nasa breakfast table. Hindi ko napigilang kumunot ang noo ko. "Saan galing ang mga prutas na 'yan? Lumabas ka ba kanina habang natutulog ako?"
Adding more to my confusion, Mayu shook her head. "Hindi pa ako nasisiraan ng bait na iwan ka rito habang may sakit ka, okay? May nagpunta rito kanina at dinala ang mga prutas na iyan para sa 'yo."
"Ha? Sino naman?"
"Do you really have to ask?" balik-tanong na lang sa akin ni Mayu.
It didn't take long for me to know kung ano ang gustong ipunto ng tanong na iyon sa akin. "Huwag mong sabihing...?"
Tumango ang pinsan ko. "I ended up telling Neilson na may sakit ka kaya hindi kita puwedeng iwan para sa pamamasyal dapat naming dalawa ngayon. And obviously, sasabihin niya ang tungkol sa sitwasyon mo kay Brent. He still deserves to know. Okay?"
Hindi ko alam ang dapat kong sabihin pagkatapos kong malaman iyon. And here I was, hoping na walang dapat malaman si Brent tungkol dito. Pero may punto naman si Mayu, eh. Hanggang sa may naisip ako. Agad kong hinarap ang pinsan ko.
"Huwag mong sabihing si Brent ang inutusan mong bumili ng mga prutas na 'yan?"
"Hoy! Iyong ibang necessities lang ang iniutos ko sa kanya na bilhin niya, okay? Pero hindi ang mga prutas. In fact, siya ang nagkusang bumili ng mga iyan para sa 'yo."
Hindi ko napigilang mapangiti nang makita kong ngumuso si Mayu pagkatapos nitong sabihin iyon. "Ito naman. Nagbibiro lang ako."
"Alam ko 'yon, 'no?" Ilang sandali pa ay ipinatong na nito ang breakfast table na may tray ng mga sliced fruits sa kama at ipinuwesto malapit sa akin. "Alam kong wala ka pang ganang kumain ng mabigat sa tiyan ngayon. Kaya ito na lang muna. Kainin mo ng maayos 'yan, ha?"
"May choice ba ako? Panigurado namang isusumbong mo ako kay Brent kapag hindi ko kinain ang mga prutas na ipinadala niya," biro ko bago ako kumuha ng isang slice ng pakwan at isinubo iyon.
"Talagang isusumbong kita na hindi mo inaalagaan ang sarili mo sa hindi pagkain ng mga prutas na 'yan. Okay? Kaya ubusin mo na ang mauubos mo sa ngayon at nang makainom ka na ng gamot."
"Ibig bang sabihin niyan… inutusan mo rin si Brent na bumili ng mga gamot? Alam kong huli na 'yong ininom ko kanina bago ako nakatulog, eh."
Tumango si Mayu at ngumiti. "Ang totoo niyan, alcohol, bulak, at paracetamol lang ang iniutos ko sa kanya na bilhin niya. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ng lalaking iyon at naisipan pang bumili ng gatas, fruit juice, vitamin C, at cooling patches bukod sa mga prutas."
Imbes na magulat ako at mainis dahil sa mga nalaman ko, hindi ko alam kung bakit natawa na lang ako. Napailing na rin ako. This was typical of Brent… or so I would like to say. Pero hindi ko pa rin lubusang kilala ang lalaking iyon. Kaya hindi ko alam kung hanggang saan ang extent ng pagpapahalaga nito sa akin.
And now… maybe I was seeing a glimpse of that extent. At sa totoo lang, hindi ko alam kung madali para sa akin na i-handle iyon. Everything that he was doing for me all this time was enough to make my heart beat faster than usual. Baka sa mga susunod na araw hindi na lang ang puso ko ang bigyan nito ng kakaibang sigla at buhay ng dahil lang sa presensiya ng lalaking iyon.
"He seriously knows how to go all out, huh?" komento ko na lang bago ko itinuon ang pansin ko sa kinakain kong mga sliced fruits.
Mas mabuti pa siguro na i-enjoy ko na lang muna ang kinakain ko. Saka ko na pag-iisipan kung paano ko pakikiharapan si Brent pagkatapos ng mga ginawa nito para sa akin ngayong may sakit ako.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...