Sa loob ng kastilyo sa throne room ng hari pitong tao ang naghihintay sa hall at hindi mapakali, namumuo ang tension sa paligid walang gustong magpadaig ng kapangyarihan sa isat-isa dahil silang lahat ay ubod na lalakas na adventurer.
Ang unang lalake ay ang ikalawa sa ranking na si odeuz na kanina pa seryosong lingon ng lingon sa kanang kamay ng mga taong nandoon na parang may hinahanap.
Si raiga naman ay galit na nakatingin sa lahat at nakatayo sa gitna na parang ayaw niyang may makapasok sa kanyang sariling espasyo.
Ang pinuno naman ng zhakar guild na isang manotour isa itong half minotour half human na si vargax ay walang tigil na nagpupush up sa may bandang gilid, ang armas niyang axe hammer ang pinakamabigat sa boung kingdom.
Ang ika-anim naman sa ranking na si ruhara ay isang elf bard, napaka revealing ng sout niya na kulay lila at mistulan siyang parang isang belly dancer sa sobrang silky ng kanyang kutis at pananamit, inaakit ang mga kasamahan sa kanyang titig na animoy parang ahas na pag lumapit ka ay tuklaw ang iyong aabutin, habang nakakabighani ang tugtog niya sa kanyang gitarang animoy siren.
Habang ang pinuno naman ng tygris guild na si jaw ay chill lang na nakahiga at nag-rerelax sa dulo.
Ang isa naman ay batang lalake na halos labing tatlong gulang palamang, ang pinakabata sa kanilang lahat na si kaito, excited na excited itong pinagmamasdan ang lakas ng mga kasama sa throne room, tao ang halos katawan at pagmumukha ni kaito maliban lang sa tenga at wumawagayway ang dalawa niyang buntot sa excitement, dahil isa siyang fox beastmen, mga taong may kakayang mag-transfrom ng half animals ang halimabawa nito ay warewolf.
Sa pinakadulo ay nakasandal naman ang naka-jacket na itim na lalake sa isa sa mga pillar ng kastilyo menacingly itong nakatitig sa kawalan while brooding, arms cross tightly on his chest eminating a dark aura, isa sa pinaka-rare magic element sa lahat.
Maya-maya pa ay ilang kawal ang dumating at inalalayan sa pagpasok si tatsuki salamandra sa throne room na halos nagmamaktol at napansin niyang nandito halos lahat ng pinakamalalakas na adventurer na nasa rankings ng kingdom.
Agad siyang tumitig kay raiga
"Hoy raiga! Ikaw ba ang may pakana nito, pag-tutulungan niyo ba ako!? Puwes hindi ako takot" sabay nabalot ng nagliliyab na apoy ang katawan niya at excited na hinamon ang karibal "Sige halika na!!".Napuno ng pangigigil ang nanlakihang pangil ni raiga "Heh patawa, kaya kitang tapusin mag-isa" sabay nabalutan siya ng elemental cloak at sobrang talas na magical claws para sagupain ang atake ni tatsuki.
Pero bago pa sila magbangaan ay pinigilan sila ng napakalakas na atake nah mula sa trono at lumikha ito ng apoy na force field barrier na pumagitna sa dalawa at pinipigilan silang makalpit sa isat-isa.
"Itigil niyo nayan!" Utos nito sabay napalingon ang lahat sa direksiyon ng trono kung saan nakatayo sa harapan nila si esgard hawak-hawak ang maalamat na espadang si savior na nagpatahimik sa kanila.
"Bago ko to simulan, hintayin natin si lancel para dalhin pa ang iba" utos ni esgard na napilitang sundin ng lahat na nandoon dahil nagsilabasan lahat ng kawal sa boung paligid at pag may nagbabadyang umatake ay agad nilang pipigilan.
Maya-maya pa ay natigilan ang lahat ng biglang dumating si lancel sa throne room at halatang napalaban ito ng sobra, paglapit sa harap ng prinsesa ay agad itong lumuhod "Prinsesa esgard malungkot kung ibinabalita na hindi ko nadala dito ang rank 1, patawad ngayon ko palamang nakasagupa ang ganoong kakaibang kapangyarihan na nangagaling sa misteryoso nitong relo" napakunot noo at napataas ang kilay ni esgard ng marinig ito.
Nabigla ang lahat ng marinig iyon, nanlaki ang mata nila at hindi makapaniwala na may adventurer pa na may kakayang tumapat sa isang maalamat na mandirigmang si lancel na pinakamalakas na kawal ng kingdom.
BINABASA MO ANG
Fool's Journey
Phiêu lưuTAGALOG: Samahan ang paglalakbay ni Kc, a man without any memory of his past but with a mysterious watch that can be transform into any kind of fictional weapon like Lightsaber, Hoverboard, Mega-Buster, Web Shooters, etc., together with Folie, a man...