NAGISING si Sarah sa mga mahinang paghaplos sa buhok niya. Pagkabukas ng mga mata niya ay ang maamong mukha ni Brett ang sumalubong sa kanya. Napangiti siya at hinaplos rin ang mukha nito. Kung panaginip ito.. sana hindi na ako magising.
"How are you feeling?" malambing na tanong nito sa kanya habang patuloy ang paghaplos sa buhok niya.
"Okay na ako. Medyo masakit pa rin pero oks lang." she can't stop smiling. He looks so handsome. Nakakaloka! Ang gwapo niya telege.
"I'm glad." he smiled at her. Pucha! Nakakaiyak.. nginitian niya ako. Shet!
Tumikhim si Dion sa may pintuan. Awtomatikong binawi niya ang kamay niya at umayos ng higa.
Kinindatan siya nito. "Kamusta ka na, Princess Sarah?" biro nito.
Natawa siya. "Baliw! Eto.. nagbabalat ng patatas. Charaught! Okay lang ako. Wala ito. Malapit sa bituka pero oks lang."
"Medyo nahilo ka siguro kagabi kaya nawalan ka uli ng malay. Sinalinan ka kasi ng dugo.. medyo maramirami ang dugong nawala sa'yo."
Tumango siya. "Kamusta na si Mr. Arana? Okay lang ba siya?" nagaalalang tanong niya rito.
Ngumiti ito. "Doon na muna siya sa bahay ko. Safe siya roon."
"Tito mo pala siya, Di?"
Umiling ito. "Pero close siya sa akin."
Tumango siya at napapikit sa biglang pagkirot ng sugat niya. "Painkillers.. please?"
"Shit! Dion! Painkillers raw! Dalian mo!" natatarantang wika ni Brett.
Dion chuckled and handed her a pill. "Just tell me kung sasakit pa mamaya. Medyo malalim kasi ang sugat mo kaya kailangan talaga ng painkillers."
She swallowed the pill. Agad naman siyang inabutan ni Brett ng bottled water. She chugged it down. "Thanks." she muttered.
"Nga pala. Walang hinto sa pag-ring ang phone mo kagabi. Tawag ng tawag si Jasper at Cecille. Malamang nabalitaan nila ang nangyari sa'yo." inabot ni Dion sa kanya ang cellphone niya.
On cue naman na nag-ring ito. It was her Tita. Napatingin siya kay Dion. "Anong sasabihin ko kay Tita? Parating na siya ngayon.."
"Sabihin mo na hindi mo siya masusundo. Pero may susundo sa kanya at magdadala sa kanya rito. Ipapasundo ko na lang siya sa pilot ko. Mas safe kung aerial ang travel."
Tumango siya. "Hello, Tita?"
"Hoy, babae! Bakit ngayon lang kita na-contact?"
She cleared her throat. "Uhm.. busy lang po sa ospital, 'Ta."
"Kanina pa ako tawag ng tawag nung nasa Japan na ako. Akala ko naman kung napano ka na!"
"Sorry na po. Nakatulog rin po kasi ako eh."
"Tsk. Pinag-alala mo pa akong bata ka. Andito na ako sa NAIA. Masusundo mo ba ako, nak? Pwede namang hindi na dahil isang bag lang naman ang dala ko."
"Pasensiya na ho, 'Ta. Medyo may something lang po eh. Pero ipapasundo ko na lang ho kayo."
"Ay ipapasundo? Kay Jasper ba? Yung gwapong doktor na manliligaw mo? Bagay kayo."
Natawa siya. "Hindi po si Jasper, Tita." tumingin siya kay Dion. Napakunot noo siya nang may kung anu-anong sign language itong ginawa. "Ah! Ah! Tita. Doon ka po lumapit sa lalaking may hawak.. na box? Hindi? Ah. Placard! Tama! Placard na may nakalagay na Tita Malou."
"Ah. O sige. Kakain na muna ako habang hinihintay ang sundo ko. Malamang sa malamang kasi hindi ka makakaluto sa sobrang busy mo. At masyado naman akong pagod sa biyahe para makapagluto. Kakain na muna ako rito. Sige na. Magpahinga ka na muna diyan."
BINABASA MO ANG
Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)
Romance"Hindi ko na kailangan pang makita ka para masabi kong maganda ka. Dahil sa boses mo pa lang alam kong mabuti kang tao. Dahil sa boses mo.. unang nahulog ang puso ko." Sarah Joy was getting bored as a night shift nurse. Kahit na ang ospital pang pin...