Night Time Call

1 1 0
                                    

You're the greatest example of the best unexpected in my life... ~ Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

I needed some fresh air. Kaya nandito ako sa labas ng kuwarto ko sa mga sandaling iyon. To be specific, I was on my bedroom's veranda. Natapos ko nang kainin ang mga prutas na inihain ni Mayu sa akin. Nakainom na rin ako ng gamot kaya hinihintay ko na lang na umepekto iyon. And at the same time, hinihintay ko lang na patulugin ako n'on.

Ang alam ko ay nasa isa sa dalawang guest rooms si Mayu para makapagpahinga na rin. At alam ko na tatawagan nito si Neilson dahil nga hindi natuloy ang date ng dalawang iyon dahil sa akin. Gustuhin ko mang tuksuhin ang pinsan ko sa pagiging malapit nito nang husto kay Neilson ay hindi ko na lang ginawa. Bukod sa wala ako sa mood na gawin iyon, may iba akong pinag-iisipang gawin.

That was when I looked at my cell phone. Ang totoo ay ilang sandali ko nang pinag-iisipang tawagan si Brent. Tutal, nasabi naman na ni Mayu kay Neilson ang sitwasyon ko na naging daan para malaman na rin ni Brent. I might as well do something para kahit papaano ay mapanatag ang kalooban nito.

I really had the strong urge to do that. And yet... ano'ng nangyayari sa akin at parang nag-aalangan pa yata akong tawagan ang lokong iyon? Kung umakto naman ako, para bang ang laki ng kasalanan ko rito. Or maybe I was just anxious dahil ilang araw na rin kaming hindi nagkita't nagkausap.

But yes, I should really do this before I chickened out more.

I took a deep breath twice bago ko hinanap ang number ni Brent sa call logs ko. Agad ko namang nakita iyon. At bago pa ako tuluyang tamaan ng hiya at matinding kaba, agad ko nang pinindot ang numerong kailangan ko at hinintay na sumagot mula sa kabilang linya ang pakay ko.

Hindi nagtagal ay narinig kong may nag-click at ganoon na lang ang bilis ng pagtibok ng puso ko nang marinig ko na ang boses ng taong tinatawagan ko.

"Hello? Laine?" agad na salubong sa akin ni Brent na ikinatawa ko na lang.

"Alam na alam mo kung sino ang tumatawag sa 'yo, ah," biro ko na lang para hindi masyadong nadi-distract ang puso ko dahil sa boses ni Brent. Whether I would admit it or not, I missed listening to his voice.

"Ikaw lang naman ang may contact number sa cell phone ko na may nakalagay na pangalang 'Future Wife of Brent Allen Montreal'."

Ha? Ano raw? "Hoy! Sira-ulo ka lang talaga, 'no? May sakit na ako't lahat, nakuha mo pa ring akong singitan ng mga pick-up lines mo."

"Tumatalab naman, 'di ba?"

Damn right it was — at hindi nito alam iyon. Then again, wala na akong planong ipaalam iyon dito. Nakakahiya kaya.

"Umaasa ka talaga?"

"A man who has set his eyes on his most priceless treasure can hope, you know." Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Indikasyon iyon na tapos na itong magbiro at seryoso na ito. "Kumusta ka na? Nilalagnat ka pa rin ba?"

Sinasabi ko na nga ba. Nag-aalala pa rin ito sa akin hanggang sa mga sandaling iyon. It was probably because hindi kami nagkita nito. And according to Mayu, tulog ako nang dumating ito at si Neilson para dalhin ang mga iniutos ng pinsan ko at pati na rin ang mga prutas na binili nito.

"May konti pang lagnat. Pero sa tingin ko naman, mawawala na 'to bukas. Kaya huwag ka nang mag-alala."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Napagod lang siguro ako nang husto nitong mga nakaraang araw. Marami kasi akong kailangang asikasuhin dito sa bahay. Eh wala pa sina Mama't Papa. Kaya walang nakakatulong sa akin. Pero huwag ka nang mag-alala. Okay lang ako."

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon