Taking Care Of You

2 1 0
                                    

Will I be able to be your resting place? — Eclipse, GOT7

xxxxxx

[Relaina]

Not all days have been the best for me. Isa na ang araw na 'to sa mga iyon. Or at least, iyon ang gusto kong isipin. At the moment, I still didn't feel good. Hindi ko alam kung bakit. Okay naman na ako kahapon, eh. Kaya nga akala ko, magiging okay na ako ngayon at mawawala na ang lagnat.

Well, I was wrong. And to think bibisita ngayong araw na 'to si Brent dito sa bahay. Paano kaya ako haharap sa lalaking iyon na ganito ako? Mag-aalala na naman iyon.

But it was too late to think of what to do to escape that, though. Wala na akong magagawa kundi ang salubungin si Brent na ganito ang sitwasyon ko. Hopefully ay hindi ko naman ito mahawahan. Ang dali pa man ding mahawa ng lalaking iyon.

I tried to sit up on my bed and look outside the window. Pakunsuwelo na lang siguro sa sitwasyon ko ng mga sandaling iyon ang magandang panahon sa labas ng bahay. Nakakalungkot lang na buong araw na naman ako rito sa bahay.

Hay... ang hirap naman nito. Kung kailan naman nakakaramdam ako ng kaunting excitement sa pagdating ni Kamoteng Brent dito.

Wait... Did I just say excitement? Seriously?

Urgh! Heto na naman tayo, eh! Natampal ko na lang ang noo ko sa kung anu-anong pumapasok sa isipan ko. Epekto na naman ba 'to ng sakit ko ngayon, ha? Ano ba 'tong nangyayari sa akin, ha?

"Aina? Gising ka na ba? May bisita ka."

Agad akong napatingin sa pinto kung saan narinig ko roon ang boses ni Mayu. Mukhang hindi pa ito pumapasok ng kuwarto ko kaya hindi pa nito alam na may lagnat pa rin ako hanggang ngayon. Pero ayoko nang pag-alalahanin pa ang pinsan ko.

Huminga na lang ako ng malalim at saka ako nagsalita. "Gising na ako. Buksan mo na lang 'yang pinto." Bahala na kung malaman na nito. Tutal, nariyan na rin naman ang bisita ko.

Whoever that was.

Moments later and the door opened. Pero sa pag-angat ko ng ulo ko para tingnan kung sino ang pumasok, nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata nina Mayu at Brent. Both of them raced to approach me and Brent sat on the edge of my bed after just a few strides.

"Akala ko ba, wala ka nang lagnat, ha?" agad na salubong sa akin ni Brent na ikinatawa ko na lang kahit na ganitong masama pa rin ang pakiramdam ko. "Don't laugh."

"Paanong hindi ako matatawa, eh daig mo pa ang nanay ko pag-aalala mo sa akin, eh?"

"Laine..."

"Hindi pa ako mamamatay, okay? Lagnat lang 'to. Mawawala rin ito," pag-a-assure ko rito.

Tiningnan lang ako ni Brent at ipinatong ang isang kamay nito sa gilid ng leeg ko. It looked like he was checking my temperature. Pero hindi maikakailang nagulat ako sa ginawa nitong iyon, dahilan upang ako naman ang manlaki ang mga mata at mapaigtad. Ilang sandali rin akong nakatingin sa lalaking ito habang ina-assess ako.

"Mukhang sinat na lang ito. Pero ano pa ang nararamdaman mo?" tanong ni Brent makalipas ang ilang sandali.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko para naman may maisagot ako rito. Hindi naman nagtagal iyon. Ilang sandali pa ay nginitian ko si Brent. "Medyo mainit pa nga ang pakiramdam ko. But I think I'll be okay soon. Hindi ko nga lang kailangang kumilos nang husto."

"Hindi talaga kita papayagang kumilos na ganyan pa rin ang pakiramdam mo, 'no?" sabad ni Mayu, dahilan upang maibaling ko sa kanya ang atensyon ko. 'Di nagtagal ay hinarap nito si Brent. "Ikaw na muna ang aatasan kong magbantay sa kanya habang inihahanda ko ang kakainin niya, okay?"

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon