Nightmare

1 1 0
                                    

Beyond those eyes that are closed, it's you I always dreamed of the most... — Florence Joyce


xxxxxx


[Brent]


Kauuwi ko lang galing kina Relaina. Inabot din ako ng gabi bago ako nakauwi dahil nga sinabi ko rito na babantayan ko ito hanggang sa makatulog ito. And watched her, I did. Napangiti na lang ako nang maalala ko kung paano ko titigan ang mahimbing nitong itsura. Kahit may sakit ito ay hindi iyon nakabawas sa ganda nito.


But it would still hurt me to see her suffering like that. Oo nga't sinisinat na lang ito. Dagdag na pahinga pa at gagaling na ito. Alam ko iyon. Pero malaking bahagi ng sarili ko ang hindi talaga mapakali na nakikita itong may sakit.


And I couldn't help wondering... if she had ever thought the same way as I did nang magkasakit ako noon at binantayan ako nito.


My mind went back to that rainy day that Relaina had promised that she would stay by my side, if it would help me forget my revenge against the people who drove Vanz to his death a long time ago. Hindi nito alam kung paano nito pinakalma ang patuloy na nagagalit kong puso dahil sa trahedyang iyon. She had no idea what that promise had done to me.


Isang malalim na buntong-hininga na lang ang naging tugon ko sa alaalang iyon at agad na akong pumunta sa kama ko para magawa ko nang ilatag ang sarili ko roon at makapagpahinga. It wasn't that I was too tired and all. Siguro ay nakakaramdam lang ako ng ganito ng mga sandaling iyon dahil sa pag-aalala ko kay Relaina.


Wala naman na itong lagnat nang iwan ko ito sa bahay nito. Pero hindi pa rin ako mapakali. Kaya naman inabisuhan ko na ito na bibisitahin ko ito ulit kinabukasan. Gaya ng inaasahan ko na, tumanggi ito. Pero mas matigas ang ulo ko at in-insist ko na babalikan ko ito hanggang sa masiguro kong wala na itong sakit.


I just liked taking care of her, that's all. Isa iyon sa dahilan kung bakit ko ito ginagawa para kay Relaina. I wasn't lying when I said that she was important to me. And I knew that she would always be. Paniwalaan man nito iyon o hindi, iyon ang katotohanan.


I wanted her to realize just how much. At hindi ako mapapagod na patunayan iyon dito.


The ringing from my cell phone startled me. Inalis din ng tunog na iyon ang isipan ko sa pagmumuni-muni ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko ang caller ID na rumehistro roon.


Hindi ako nagsinungaling kay Relaina nang banggitin ko rito na ang contact name nito sa akin ay 'Future Wife of Brent Allen Montreal'. Maybe for her, it was just a joke. And maybe at the moment, I was still considering it as such. Pero wala akong planong tanggalin iyon sa list of contacts ko. O palitan ang pangalan na iyon.


Agad kong sinagot ang tawag na iyon dahil ayoko itong paghintayin. "Hello, Laine? Bakit gising ka pa?"


"Mukhang nakauwi ka na kung nasagot mo na ang tawag ko."


Napangiti ako at saka ko inayos ang pagkakahiga ko sa kama ko. "Oo. Kauuwi ko nga lang. 'Di ba dapat nagpapahinga ka pa?"


I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon