A Matter Of Having Faith

1 1 0
                                    

Even if you don't ask for it, I'll always stay here watching over you. You can trust me on that... — Florence Joyce


xxxxxx


[Relaina]


Sa huli, hindi ko rin nagawang kumbinsihin si Brent na sabihin sa akin ang gumugulo sa utak nito. Pero siguro, sapat na sa akin ang itinanong nito sa akin bilang sagot sa tanong ko. Ang consolation ko na lang siguro ay mukhang hindi na masyadong nag-aalala ang lalaking ito.


Wait... Was that supposed to be the term? Hindi lang pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata nito. Naroon rin ang takot. Possibly the rare times that I'd ever seen in Brent's eyes. At hindi na ako nagtaka nang maramdaman kong parang piniga ang puso ko nang makita ko ang takot na iyon.


"Ikaw naman ngayon ang hindi nagsasalita. Napapaisip ka na rin ba sa mga sinabi ko sa 'yo?"


Napatingin ako kay Brent nang sabihin nito iyon, dahilan upang bumalik sa realidad ang isip ko. Nginitian ko lang ito, pero alam kong hindi umabot sa mga mata ko ang ngiti kong iyon.


"Nag-iisip lang ako... ng magagawa ko para hindi ka na mag-aalala sa akin. It's going to be tough. Pero — "


"Laine," putol nito sa mga sinabi ko.


Bago pa ako makahuma ay bigla nitong hinawakan ang dalawang kamay ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa guwapong mukha nito kahit na matindi na naman kung tumibok ang puso ko sa ginawa nitong iyon. But I guessed my words prompted him to do this.


"'Di ba sinabi ko na sa 'yo na wala kang dapat na ipag-alala? Alam mo, ito ang isang rason kung bakit ayokong sabihin sa 'yo ang tungkol dito, eh. Lalong nababawasan ang ganda mo kapag nag-aalala ka, eh."


"Hindi ako nag-aalala para sa sarili ko. Mas nag-aalala ako para sa 'yo," sabi ko. Huli na nang ma-realize ko ang implikasyon ng sinabi ko rito.


Then again, mukhang hindi ko na naisip iyon dahil nakuha pa ring magbiro ng sira-ulong lalaking ito. Malapit ko na talagang masapak ito, sa totoo lang. Pero huminga na lang ako ng malalim at tiningnan si Brent.


"Brent, please naman. Huwag mong idaan sa biro ang pag-aalalang nararamdaman ko para sa 'yo. Okay?"


"Hindi ko idinadaan sa biro ang nararamdaman mo. Your feelings are very important to me. Pero ayokong nai-stress ka para sa akin dahil sa isang panaginip na... na talagang nagbigay ng matinding takot sa akin. I'm not going to let that happen to you in real life. Ipinapangako ko 'yan. Okay?" sabi ni Brent na hindi nawawala ang kaseryosohan sa mukha nito the whole time. Lalo ring humigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay ko.


I ended up responding to that tight hold in kind. It was as if giving him an assurance that I was here. That I won't go anywhere.


Alam kong sinasamantala lang ng lalaking ito ang pagkakataon na makalapit sa akin o hawakan ang kamay ko. I would only pass this off as a joke — usually. Pero hindi ko magawang ituring na biro ang mga ito ng mga sandaling iyon.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon