In Revealing The Reason

1 1 0
                                    

This is my path, not someone else's. I can walk down it as long as I've got you... — A New Day, Beverly


xxxxxx


[Relaina]


Things between us proceeded well after that. Or at least, iyon ang naiisip kong nangyayari sa pagitan namin ni Brent. Hindi ko na siya tinanong pa tungkol sa panaginip nito. At hindi naman na ito kumikilos na para bang malalim ang iniisip nito at wala sa sarili. Then again, looks and sometimes actions could be deceiving. Kaya hindi pa rin nawawala sa akin na obserbahan ito kapag may oras ako.


Of course, I had to make sure he didn't notice me observing him. Gagamitin kasi nito iyon na pang-asar at pangtukso sa akin. Marunong naman akong gumanti ng sagot dito kapag nalaman nga nito iyon. Pero masakit sa ulo ang mag-isip ng isasagot kung minsan.


Kaya mas mabuti pang gawin ko na lang na discreet ang ginagawa kong pag-obserba sa lalaking iyon.


"Wala ka na naman sa sarili mo."


Hanggang tingin lang ang ginawa ko bilang tugon sa sinabing iyon ni Mayu. Ito ang kasama ko nang araw na iyon sa park kung saan namin naisipang maglakad-lakad. Ang totoo niyan ay plano ko na ako lang mag-isa ang pupunta roon. Pero hindi pumayag si Mayu.


Ang dahilan nito para sumama sa akin? Kailangang may mag-remind daw sa isip ko na huwag lumipad sa kung saan-saan. There was this urge in me na sapakin ang pinsan kong ito pero hindi na lang ako nagkomento. Nag-aalala na naman kasi ito kaya hindi na ako kumontra na sumama ito sa akin.


Of course, ang totoong purpose naman talaga ng desisyon kong maglakad-lakad ay para mag-isip. And I mean do so with no interruption. Pero hindi nga yata darating ang araw na hindi ako pag-iisipin ng Kamoteng Brent na iyon kahit may kasama ako o wala.


Mukhang araw ka nang patahimikin ni Brent, ah," dugtong ni Mayu na ikinangiti ko na lang. "Pero... bakit parang napapadalas yata ang pagpunta niya sa bahay n'yo? Alam ba nina Tito't Tita?"


Tumango ako. "Sa tingin mo ba, basta na lang papayag si Papa na sumama ako sa taong hindi pa nila nakikilatis?"


"Kunsabagay..."


'Di nagtagal ay nakakita kami ng bench na puwede naming pag-upuan. Lalo na't nag-uumpisa nang tumaas ang tirik ng araw at ang bench na nakita naming bakante ay nasa ilalim ng isang malaki at malagong puno.


"Pero matindi talaga ang charm ng Brent na 'yon, 'no? Biruin mo, naging kasundo niya si Tito. Samantalang napakaistrikto n'on sa mga lalaking nagtatangkang manligaw sa 'yo," pagpapatuloy ni Mayu bago nito iniabot sa akin ang isang can ng pineapple juice.


Kinuha ko iyon bago ako sumagot. "Naging istrikto lang naman si Papa pagdating sa ganyan dahil sa nangyari sa amin ni Oliver noon."


"Teka, nagpapakita pa ba sa 'yo ang lalaking iyon after that?"


"After what?"


"After that last talk you have. Nag-usap na ba kayo ulit?"

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon