Your warm touch made me feel happy. It's a feeling that I won't forget for eternity... — Florence Joyce
xxxxxx
[Relaina]
Natapos na ang summer vacation. Well, technically, may ilang linggo pa ang natitira bago mag-umpisa ang bagong semester sa Oceanside. Natural, umpisa na ng enrollment period sa ganitong panahon. Iniisip ko kung magpapalit ba ako ng kursong kukunin this semester.
Pero siyempre, kung gagawin ko iyon, ibig sabihin lang ay hindi na magtutugma ang mga schedules namin ni Brent. May palagay akong mag-i-stay si Mayu sa Architecture dahil sa tatay nito at pati na rin kay Neilson. But I had a feeling na may posibilidad na magpalit ng kurso si Neilson, tulad ko. At least, iyon ay kung ibabase ko sa minsang napag-usapan namin noon ng fraternal twin brother ni Brent.
Nasabi ko na ito sa mga magulang ko may isang linggo na ang nakakaraan. Wala naman daw kaso sa kanila na magpalit ako ng kurso dahil alam naman daw nila na temporary option ko lang ang Architecture nang maisipan kong kunin ang kursong iyon. But when they learned that I was thinking of studying Journalism, bigla silang natahimik. Doon ako nagtaka.
"Grabe din ang Kuya Evon mo, 'no? Siya pa talaga ang nag-decide na paaralin ka sa kursong 'yan kung talagang maisipan mong mag-switch ng kurso," komento ni Mayu na pumutol sa pag-iisip ko.
Napailing na lang ako at napangiti. "Alam kasi ni Kuya na isa ang kursong iyon sa mga pinaplano kong kunin noong pinag-iisipan ko iyon back in high school. Nangako naman siya sa akin na siya ang magpapaaral sa akin kapag iyon ang kinuha kong kurso," paliwanag ko.
Napabuntong-hininga ako nang malalim nang marating na namin ni Mayu ang main building ng Oceanside Rose University. Ilang sandali rin akong nakatayo roon. Nasa tabi ko lang si Mayu the whole time at hindi nagsasalita.
Sa totoo lang, ano pa ba ang dapat kong ikabahala? This was my life, after all. My choice and my decision. Walang dahilan para mag-hesitate ako. But this was crazy. Kailangan ko pa ba talagang humingi ng permiso ng ibang tao tungkol sa desisyon kong ito?
"Aba! Ang aga n'yong dalawa, ah."
Agad akong napatingin sa pinagmulan ng tinig na iyon. Ganoon din si Mayu. Hindi na ako nagulat nang mapansin ko ang pag-aliwalas ng mukha ng pinsan ako pagkakita kay Neilson.
As for me, nanatili lang akong nakatingin kay Brent na nakangiting lumapit sa kinatatayuan namin ni Mayu. As much as I wanted to curse this guy for looking so good in his light blue polo shrt, jeans, and sneakers, I doubt na magiging effective iyon dito.
"Seryoso ka na namang nakatingin diyan," salubong ni Brent bago walang babalang inilapit ang mukha nito sa akin.
Instinctively, naiatras ko nang bahagya ang mukha ko. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking ito, sa totoo lang?
"Naguguwapuhan ka na ba sa akin? Na-realized mo na bang na-in love ka na sa akin?" nakangising tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...