A Painful Love Story
Pumasok si Jade sa library para magresearch pero ang totoo niyan it's more than that. Gustung-gusto niya kasing nakikita sa araw-araw ang assistant librarian, si Ben. Unang kita pa lang ni Jade kay Ben ay nalove at first sight na siya dito.
Ang una nilang pagkikita.....
Abalang-abala sa pag-aayus ng mga libro ang assistant librarian na si Ben. Nang makakita siya nang isang babaeng pilit inaabot ang libro sa pinakamataas na bahagi. Hindi mapigilang matawa ni Ben habang pinagmamasdan itong palundag-lundag at parang bumubwelo pa.....
"Ako na...." sabi ni Ben na walang kahirap-hirap na inabot ang libro. Inabot niya ang libro sa babae ng nakangiti sabay balik sa kanyang trabaho....
Ang hindi niya alam, napaibig niya na ang babaeng yun, si Jade. Pagkatapos ng ginagawa ay binalik agad ni Jade ang libro ngunit hindi niya ito maibalik sa pinaka-itaas. Nang bigla...
"Ako na lang miss..."
Sa pangalawang pagkakataon ay tinulungan siyang muli ni Ben. Pero sa totoo lang, yun ang talagang nais na mangyari ni Jade. Sinamantala niya ang pagkakataon at tinitigan ang i.d. ng lalaking nagpa-ibig agad sakanya...
Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa wakas nalaman niya na rin ang pangalan ni Ben. At simula nuon nagsimula ng tumibok-tibok ang kanyang puso...
Nang nalaman niyang naging assistant librarian si Ben ay araw-araw na siyang nagdadahilan para makapunta duon. Magreresearch, magbabasa o gagawa ng assignment basta hindi lang siya mahalata. Pasulyap-sulyap kay Ben habang nagtatago sa likod ng mga bookshelves.
Panay ang titig niya kay Ben sa paborito niyang puwesto at sa tuwing nahuhuli siya nito ay binubuklat niya ang mga pahina ng libro.
Ngunit isang araw, sa sobrang pagmamanman niya dito ay nakatulog na pala siya!
"Miss...."
Nagising siya at nagulat dahil si Ben ang nasa kanyang harapan!
O.O
"Isasara ko na po ang library...."- Ben.
Nakaramdam ng matinding hiya si Jade at humingi ng dispensa kay Ben....
Naghangad si Jade ng isang simpleng hiling, ang mahawakan ang kamay ni Ben. Hindi niya alam kung paano mangyayari yun pero yun' ang pinagdarasal niya gabi-gabi....
Isang maulang hapon...
Malakas man ang buhos ng ulan hindi pa rin natinag sa pagbalik sa library si Jade. Wala mang' payong ay tumuloy pa rin siya at siya'y basang-basa!
Tinitigan siya ng mga tao na para bang naaawa pero inabot lang niya ang library card sabay yuko. Ang totoong librarian ang palaging kumukuha ng library card niya. Naiinis rin siya sapagkat taga-ayos lang ng mga libro si Ben kaya hindi niya ito palaging nakakausap....
"Etoh gamitin mo na ang panyo ko...", sabi ni Ben at abot tenga ang ngiti ni Jade.
Palihim niya itong inaamoy-amoy....
Nang mga sumunod na araw pabalik-balik lang si Jade..
Pero this time, napansin ni Jade ang saya sa mukha ni Ben. Nagulat siya ng biglang lumapit si Ben na may papel!
"B..B.Bakit?"- Jade.
Ngumiti lang si Ben sabay sabing....
"Kelangan ko ng 100 signatures para mapasagot ang nililigawan ko. Isa na lang ang kulang..."(O.O)
"Puwede ka bang pumirma para mapasagot ko na ang babaeng mahal ko???"- Ben.
Pinipigilan ni Jade ang pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata habang pinipirmahan ang papel at lumakad papalabas ng library....