SUNOD-SUNOD na pag-ubo ang aking ginawa habang nakasiksik ako sa pinakagilid ng gazebo, sa tabi ng mahabang sofa. Yakap ang sarili kong mga binti habang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa malakas na buhos ng ulan maging ang malakas na simoy ng hangin na sa tingin ko ay kaunti na lamang ay magagawa nang ilipad ang bubong ng gazebo na sinisilungan ko. Muli kong inilibot ang paningin sa madilim na paligid habang nanlalabo ang aking mga mata dala sa nag-uulap na mga luha ko.
“Lord, please! Pati po ba ang panahon ngayon ay gusto akong pahirapan?” bulong na tanong ko sa sarili ko, pagkuwa’y ipinatong ko ang mukha ko sa aking mga tuhod. Malakas masiyado ang ulan at sa tingin ko ay hindi iyon basta-basta na titila agad. Ano na lamang ang gagawin ko kung sakaling magdamag na bumuhos ang malakas na ulan? Panigurado akong mas lalong magagalit sa akin ang lalaki na iyon oras na makita niya akong nandito pa rin sa lugar niya!
Get out or else I’ll kill you!
Ang galit na boses ng lalaking iyon ang muling pumasok sa isipan ko habang pinapakalma ko ang aking sarili mula sa paghikbi.
Mayamaya ay muli akong nagtaas ng mukha kasabay nang pagpapakawala ko nang malalim na buntong hininga. Matapos ang ilang saglit na pag-iisip ay nagpasiya na rin akong tumayo mula sa aking inuupuan.
“Bahala na po kayo sa akin,” bulong na sabi ko nang tumingala ako sa kalangitan. “Kung ito man po ang gusto ninyong mangyari sa akin ngayon, bahala na po kayo,” sabi ko pa sa sarili ko bago naglakad upang lumabas sa gazebo na iyon. Ramdam ko ang sakit sa tuwing tatama sa balat ko ang malalaking patak ng ulan. Dinig na dinig ko ang ingay ng mga dahon at sanga ng puno ng mga kahoy na isinasayaw ng sumisipol na hangin. May bagyo ba ngayon?
Balot ng matinding kaba at takot, nanginginig man ang buo kong katawan dahil sa matinding lamig ay nagsimula akong maglakad para tunguhin ang malaking bakal na gate. Mula sa maliit na pinto sa gilid ng pader, binuksan ko iyon at doon ay lumabas. Wala akong maaninag sa sobrang dilim ng paligid. Ramdam ko rin mula sa nilalakaran ko ang malakas na daloy ng tubig maging ang madulas na putik.
“Diyos ko!” gulat at takot na usal ko nang biglang gumuhit sa kalangitan ang maliwanag na kidlat kasabay ng malakas na kulog.
THIRD PERSON’s POV
“Crandall, mabuti at narito ka na pala! Malakas ang ulan sa labas,” sabi ni Josephine nang pumasok ito sa dining area.
Nakaupo si Crandall sa silyang nasa kabisera habang may hawak na rock glass at nangangalahati na ang laman niyong whiskey. Hindi siya umimik upang sagutin ang matanda, sa halip ay dinala niya sa tapat ng kaniyang bibig ang baso at sumimsim doon.
“Isasarado ko lang sana ang mga bintana sa likod at baka pumasok ang tubig ulan,” sabi pa nito saka siya nilagpasan. Hindi rin ito nagtagal at bumalik agad sa dining area. “Crandall, hijo, puwede ba kitang makausap?”
Dim man ang ilaw sa buong dining area, binigyan niya ng isang seryosong tingin ang matandang Josephine.
“May ipakikiusap lang sana ako sa ’yo kung okay lang?”
“What is it, Nanay Jo?” walang emosyon na tanong niya.
Saglit itong nagpakawala nang malalim ngunit banayad na paghinga bago muling nagsalita. “Tungkol kay Portia,” sabi nito. “’Yong babae na nakita mo kagabi sa may bulwagan. Ipagpapaalam ko sana kung maaari ay payagan mo na muna siya na dumito sa mansion kahit ilang araw lang. Nakakaawa naman ang batang iyon. Marami siyang sugat sa paa. At isa pa, nasa panganib din ang buhay niya ngayon—”
“She’s gone,” sabi niya dahilan upang maputol ang pagsasalita nito. He let out a deep sigh. “I don’t care if her life is in danger. You know me, Nanay Josephine, and you know my rules in this house—”
BINABASA MO ANG
THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco
RomancePortia's happy life turned upside down when she witnessed the heinous murder of her boss, her best friend Jass Anne. Para hindi rin siya mapatay nang mga armadong lalaki, tumakas siya hanggang sa napadpad siya sa mansion ni Crandall El Greco, a cold...