KELLY'S POV
"Bakit ka ngumingiti mag-isa girl?" sita sa 'kin ni Tofee. Hindi ko na lamang siya pinansin.
"By the way, birthday pala ni dad this sat. I will expect you all guys," anunsiyo ni Ella. Kaming tatlo lang ang nandito. Busy sa buhay sina Marie at Elli. Gusto ko na ngang magtampo kay Marie eh, matapos kasi ng klase nawawala na lang agad-agad. Hindi pa siguro siya nakakmove on sa nangyari sa lola niya.
Kung sabagay, dapat nga kaming magkakaibigan natotrauma pa tungkol sa nangyari noong nakaraang buwan pero heto kami ngayon, parang wala lang nangyari. Mabuti na nga rin ang ganito para naman hindi kami ma-stuck sa nakaraan.
Hayyy...kumusta na kaya si July? Namimiss ko na siya.
"Hello Kellay! Gising na! Tanghaling tapat nananaginip ka na naman diyan sa prince charming mong invisible," puna ni Tofee. Tiningnan ko naman siya ng masama. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin, noong nakaraang araw pa patay itong si Tofee.
"Girl, alam mo ba'ng may transferee?" Lumingon ako kay Ella. Lumapit naman si Tofee at sumingit.
"Tomooo! Ang gwapo niya girl," dagdag pa ng baklita kong kaibigan.
Baka naman si July ang tinutukoy nila? Nandito kaya siya sa lugar namin kaya posibleng siya ang tinutukoy ng mga 'to, pero pwede ring hindi.
"Hmmm..." tinig ko. Wala naman akong masabi.
"Classmate natin siya bebe Kelay! Absent ka naman kasi kanina, saan-saan ka kasi nagpupunta," wika ni Tofee na naglalagay na naman ng pulbo sa mukha. Walang katapusang pagpapaganda na naman ang inaatubag nito.
Naglalandi ika mo!
Teka! Sino 'yun? Automatic namang napakunot ang noo ko.
Kellay! Ako ito! Bakit ba kasi hindi mo binibigyang pansin ang utak mo. Nakakalimutan mo ako eh.
Ha? Tssss! Ang papansin ko pa lang hypothalamus ang nang-iisturbo. Tse!
Napatingin ako kay Ella na biglang hinawakan ang kanang kamay ko saka ako hinila. Nagtataka naman ako.
"Teka lang Els, saan tayo pupunta?" takhang tanong ko.
Nilingon niya ako saka umarko ang kilay nito. Huh? Anong problema ng babaeng ito?
"Lasing ka ba Kellay? Kakatunog lang ng bell at mag-uumpisa na ang klase. Kailangan nating magmadali dahil terror ang bagong teacher natin sa Physics," aniya saka tumalikod habang hila-hila pa rin.
"Sandali, ang mga gamit ko!" protesta ko.
"Bitbit na ni Tofee, ayun na siya oh!" Sabay turo kay Tofee na nasa bukana ng pintuan ng classroom namin. Aba! Ang bilis niya ha!
Pagkapasok namim sa classroom ay kapansin-pansin ang isang grupo na nagkukumpulan. Agad namang binitiwan ni Ella ang kamay ko saka nakisiksik do'n. Gano'n din ang ginawa ni Tofee.
Naglakad ako papunta sa upuan ko at umupo. Care ko naman sa pinagkakaguluhan nila 'no!
"Hey sis!" Napalingon ako sa tumapik ng ulo ko. Si Marie! Wala namang gumagawa sa 'kin ng ganyan, siya lang.
"Anong meron?" tanong ni Elli na kasunod lang pala ni Marie. Hinubad nito ang bag saka sumalampak sa upuan.
"Ewan ko? May pustahan ata?" wala sa loob banggit ko.
BINABASA MO ANG
Oh my GHOST![on-going]
ParanormalLahat hahamakin sa ngalan ng pag-ibig. Pero imposible nga ba magmahal ang isang tao sa isang multo? Kelly Andrea Benedicto. Babaeng nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. July Romulo. Ang multong parang hindi multo. Misyon...