W

1 0 0
                                    

Naka–upo lamang ako sa isang sulok dito sa loob ng silid aralan at tamang titig lang sa labas.

Wala rin naman kasi akong ka close dito para may maka–usap, tsaka ayos na din sa akin ito na mag–isa ako para naman tahimik ang buhay ko. Sanay na maging loner e.

Simula pa nung bata ako ay wala na talaga akong naging kaibigan, may nakakasama man o nakakausap pero hindi rin nag tatagal. Nadala ko iyon hanggang nag kolehiyo ako, kaya sobrang sanay ko na talaga sa ganitong buhay—ang mapag–isa. I grew up as an independent woman. Hindi ako pinalaking walang alam sa buhay, masyado akong well trained ng mga magulang ko kung kaya't ayos na sakin na ako ang gumawa sa isang bagay na ako lang.

Hindi ko namalayan na dumating na pala ang prof namin kaya agad akong umayos ng upo at nakinig.

Puro lang ako notes notes at tamang kinig sa prof namin na nag d–discuss. Ang iba sa amin ay hindi nakikinig at tamang cellphone sa gilid at ang iba naman ay nag chichismisan lang. E hindi naman ako tulad nilang mga pabaya kaya makikinig talaga ako.

Matapos ang klase at lunch time na ay agad ko nang iniligpit ang gamit ko at lumabas ng room para pumunta sa cafeteria.

Habang nag lalakad ako ay nahagilap ng mata ko si Cius, ang taong matagal ko ng hinahangaan. Simula nung high school ako hanggang nag second year college ay wala akong ibang ginawa kundi ang patagong hangaan ang isang Cius Ravante. Wala sa bokabularyo ko ang umamin, mas gugustohin ko pang titigan siya sa malayuan at mag day dream kesa umamin para lang ma reject.

Sa pag kaka–alam ko ay walang nobya si Cius ngayon. Masyado kasi itong focus sa pag–aaral niya at sa kaniyang mga barkada, iyon ang isa sa nagustohan ko sakaniya. May pake–alam sa academic niya. Rival ko to pag dating sa mga project sa isang subject e, mag kaklase kasi kami sa isang subject. Nilalamangan ko ng palihim ang katalinohan niya at alam kung ganon din siya. Napag–hahalataan ko siya.

"Cara." Nawala ang tingin ko kay Cius at napunta sa taong tumawag sakin. Nilingon ko siya sa aking gilid.

"Oy, Xio anong sadya?" Si Xio ay isa sa mga kaklase ko na tahimik din, katulad ko ay loner din siya.

"Wala kasi akong kasabay kumain ng lunch, baka gusto mong sumabay?"

Totoo ba ito? Inaya ako ni Xio na isa sa mga hinahangaan ng mga studyante dito dahil sa katalinohan niya at kagwapuhan, maliban kay Cius?

Umayos ako ng tayo.

"Oh–sige, wala din naman akong kasama kaya sabay nalang tayo." Magalang kong sagot. Ngumiti siya kaya ginantihan ko naman. Sabay na kaming naglakad papuntang canteen. Sinulyapan ko saglit si Cius at nagulat ako ng nakatingin ito sakin. Hindi masama ngunit malambot lang ang ekspresyon niyang nakatitig sa akin. Dahil sa pag–ka–ilang ay ako na ang nag kusang umiwas ng tingin.

Pagkarating namin sa cafeteria ay agad nag si tinginan ang lahat sa amin. Hindi na nakakagulat kasi campus crush ba naman ang kasama ko.

Nag hanap kami ng table at nakahagilap kami sa may sulok malapit sa exit door.

Agad akong umupo doon.

"Iwan mo nalang muna ang bag mo dito Xio, mag o–order kasi tayo para naman hind tayo maagawan ng lamesa." Wika ko. Nag taka ako ng umupo siya sa kaharap kong upuan.

"Hindi na kailangan." Aniya kaya napakunot naman ako ng noo.

"Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti siya. Napaka warm talaga ng ngiti niya. Nakakapan–lambot. Litaw na litaw ang dimples niya.

"May baon ako. Mama cooked this for me, kaso sobrang dami e tsaka ako lang mag–isa, e nakita kita kaya ikaw na ang inaya ko at tulungan akong ubosin ang pabaon ni mama." Napakamot siya sa batok niya na para bang hiyang–hiya siya sa pabaon sakaniya ng mama niya. Natawa naman ako.

"Seryoso ba iyan?" Paninigurado ko. Madalas na kaming magka interact ni Xio, pero hindi kami nag–uusap ng ganito katulad ngayon.

Mabilis lang akong magtiwala kapag alam kong mabait ka sakin. Marunong naman akong maka sense kapag masamang tao ay hindi ko kinakaibigan o kinakausap. Pero si Xio ay iba siya. Alam kong mabuti siya base sa napapansin ko at sa aksyon niya din.

"Oo naman, eto oh." Binuksan niya ang bag niya at isa–isang nilabas ang mga baon niya. Sa tingin ko ay na sa apat iyon na putahe at isang baonan na kanin. Grabe ang mama niya.

Natawa ako sa kaniyang inilabas. "Napaka dami naman niyan para sa isang tao lang." Wika ko. Tumango naman siya at natawa din.

"Oo nga e, si mama kasi makulit. Gusto niya daw na tumaba ako kasi sobrang tangkad ko na daw pero hindi ako gaanong may laman." Pinasadahan ko siya ng tingin.

Maayos naman ang katawan niya ah, may biceps pa nga e. Nakakadagdag sa ka gwapuhan niya.

"Nako, niloloko ka lang ng mama mo. Huwag kana maniwala don sa susunod." Sambit ko. Tumawa naman siya.

"Eh wala, malakas si mama sakin e kaya pinapabayaan ko siyang baonan ako ng marami." Aniya.

Napailing nalang ako.

"Oh ito kutsara, kumain na tayo. Nakakagutom pala ang klase si prof rafa kahit siya lang ang isang sub natin sa umagang ito." Angas naman at ready'ng–ready siya sa kunyertos at plato.

Kinuha ko sakaniya ang kutsara at inisa–isang buksan ang baonan. Walang hiya talaga ako pag dating sa pag–kain. Kapag inaya ako rekta agad.

"Hindi ko alam na may pag–ka ma–daldalin ka palang side. May humour ka din." Wika ko at natatawa. Nag sandok siya ng kanin at ulam.

"Syempre naman, hindi ko lang talaga nailalabas itong side ko na ito dahil wala akong kaibigan. Ayoko ng madaming kaibigan e. Mahirap maging bulakbol." Aniya. Napatango–tango naman ako. Sang ayon ako sakaniya. Mahirap maraming barkada dahil hindi mo alam na ang iba pala sakanila ay hindi tunay ang ipinapakitang ugali sayo. Minsan ay inaaya ka pang maging bulakbol kapag nakatsamba ka ng parang taga kantong kaibigan.

"Parehas pala tayo, kaya wala din akong kaibigan kasi mahirap na magtiwala sa mga tao ngayon. Baka saksakin ka patalikod." Wika ko. Sumubo ako at ganon din siya.

"Kaya nga e, tayo nalang kaya maging mag kaibigan?" Nagulat ako sa biglaan niyang tanong. Napaka straight forward naman ng lalaking to.

"Ha?"

"Mukhang mapag kakatiwalaan ka naman, mapag kakatiwalaan din naman ako. Gusto ko na kasing maging kaibigan ka e. Matagal na, kaso tinatablan ako ng pagkaduwag at hiya kaya hindi kita nilalapitan. Ngayon lang ako naging matapang." Ngumiti siya sa akin matapos sabihin iyon hanggang sa ngumiwi siya.

"Mag kaklase ba tayo noon pa?" Tanong ko. Pano niya kasi na sabing matagal na niya akong gustong maging kaibigan. E bago palang naman ako dito sa unibersidad na ito.

"Hindi, pero mag schoolmate tayo nong junior highschool. Nung cookery ang kinuha mo ay I.T naman ang kinuha ko at kaklase ko si Cius non." Napa ahh ako sa kaniyang sinabi. So matagal na pala talaga niya akong nakikita.

"Ahh ganon ba? Hindi kasi kita makita dati. Ngayon lang kita napansin nung nalaman ko na campus crush ka pala dito." Natawa siya. Even his laugh is too deep and sexy. Grabe naman tong lalaking to. Masyadong pinag–pala ng panginoon.

"Lowkey lang ako. Wala naman kasi akong pake sa iba. Sayo lang ako naka pokus dati pa." Parang iba na ang ibig sabihin niya sa kaniyang sinabi, pero pinabayaan ko nalang baka nagkamali lang ako ng rinig.

"Ganon ba.."

Wala na akong masabi pa at pinag–patuloy nalang ang pag subo.

"Hm. Kaya maari ba kitang maging kaibigan?" Pag–uulit niya. Walang kaso sakin iyon kaya papyagan ko siya. Papayagan ko nadin siguro ang sarili kong magka kaibigan—kahit isa lang.

"Sige, walang problema."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waves of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon