Ang TANGKAD mo KASI

104 8 7
                                    

Jung Jimin.

Nakatingin ako sa malayo nakangiti habang tinititigan sya. Ang tangkad nya talaga hindi ko tuloy sya ma-reach.Pag-iibibigay ko na sa kanilang mga basketball player yung tubig nila palagi akong nakatingala sa kanya. Ano ba namang isang katulad ko na 5'4 itabi mo sa 6'1 ang height muka lang syang poste sa tabi ko.

"Jimin! Gising! Natutulala ka nanaman dyan" naputol ang pagmumuni-muni ko nang may pumitik-pitik sa harapan ko.

"Si...Kris"

"Ay ano?"

"Ay gwapo" Hindi ko namalayan bigla nya nalang akong binatukan. Napasimangot tuloy ako. Bwisit to ah! Ano ang karapatan nyang batukan ang beauty ko?

"Problema mo?"

"Gaga, ikaw anong problema mo? Kailangan na nila yung water girl nila oh" tumayo na ako at lumapit sa mga player para pag-silbihan sila.

Ako nga pala si Jung Jimin matagal nang minamahal si Kris ang ball captain ng school namin ang Water girl ng team ng school. Hindi man kapaniwa-niwala eh naparusahan lang ako ng dahil sa pag be-baseball ko at nabasag ko ang window ng principal kaya ayun parusa for the win! At yung babae kanina? She's my best friend her name is Park Shine.

Anyway, namamahagi na ako ng tubig sa mga players ng kahulihang lumapit sakin si PAG-IBIG ko. Natitulig nanaman ako. Dahan-dahan syang lumapit at...

"Miss, water please"

"Ah-ahhhh, uhmm i-ito na he he" hanggang kailan ba ako matutulala paglumalapit sya at kailan ba sya ngingiti ng ako ang dahilan?

"Friend tulala ka nanaman" bulong sakin ni Shine. Sya nga pala ay sinasama ko lang sa mga duty ko kasi sabay kaming umuuwi.

"Ahmmm, mauna ka na palang umuwi Shine may pupuntahan lang ako" I said. Tumango lang sya at umalis na. Siguro naman ito na ang tamang panahon para umamin ako sa kanya lalakasan ko nalang ang loob ko. Total naman malapit na kaming gumraduate at pagkatapos ng game nila mga ilang weeks nun official college student na kami.

*hugot hininga*

Ok I think I ready lakasan mo lang ang loob mo Ji. Yun lang ang kailangan mo.

-------

Pumunta ako sa shower room ng mga lalaki at naghintay ako sa labas nun. May iilang lalaki ang lumalabas at napapatingin sakin tapos kukunot yung noo siguro nagtataka sila kung bakit ako nandito. Kalahating oras na sya sa loob at hindi parin lumalabas ano na kayang nangyari dun? Halos lahat ng ka-team mate nya umalis na sya nalang ang hindi.

Dahil sa sobrang tagal nya sa loob ay napagdesisyonan kong pumasok nalang baka kung ano na kasing nangyari sa kanya dun. Dahan-dahan lang akong pumasok at nung nasa loob na ako napansin kong walang tao.

"Nasan na yun?" Tanong ko sa sarili ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ng boses sa likod ko.

"Aaaah, K-kris m-may..." *DUG•DUGUDUGDUG* napalunok ako nung maamoy ko yung bagong paligo nyang katawan na humahalimuyak sa buong Shower Room. Napalunok ako. Namula. At napako sa kinatatayuan ko na parang estatwa.

Ang TANGKAD mo KASIWhere stories live. Discover now