𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 25 : 𝚁𝚄𝙻𝙴𝚂

9 1 0
                                    

DENVER'S POV:

Nagulat ako nang biglang binaril ng tatlong beses ni Xaria ang lalaking bumabastos kay Dad at sa akin.

I can't believe na kaya niyang hamunin ang taong may mataas na pwesto sa kanya.

Alam ko namang maangas at malakas ang loob niya.

Pero hindi ko parin napigilan ang magulat, sa kalagitnaan ng sagutan ni Xaria at ng matanda ay bumunot na rin ng baril si Ninong.

Ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Xaria.

Minabuti ni Ninong na itigil muna pansamantala ang pag anunsiyo.

Dinala namin ni Ninong si Dad sa office niya para kalamahin ito.

"Dad are you alright?" nag-aalalang tanong ko.

"Yes hijo don't worry hindi ako maaano" sagot niya.

"Im sorry about what happened kumpadre, Hijo hindi ko akalaing magagawa yun ni Hawk" sambit ni Ninong.

"Wala kang kasalanan doon kumpadre besides naiganti niyo naman na kami ni Xaria hindi ba?" nakangiting saad ni Dad.

"Isa pa yan sa gusto kong linawin maski ako nagulat sa ginawa ng anak ko" natatawang saad ni Ninong.

"I can see she's a brave woman, Kahit pa hindi kayo magkadugo ay nakuha na rin niya ang pagiging matapang mo" natutuwang saad ni Dad.

"Hindi naman siguro kumpadre sadyang ganun lang batang iyon" sambit ni Ninong.

"Hijo huwag ka sanang magback out dahil sa nangyare kanina" sambit ni Dad at bumaling sa akin.

"No Dad, sa nangyare kanina mas gugustuhin kong maupo sa pwesto para maturuan sila ng leksyon" sambit ko.

"Be careful hijo huwag kang magpapadalos dalos sa gagawin mo, Ipapaalala ko sayo kami mismo ang nagtrain sa mga consigliere na iyon kaya masasabi kong may maibubuga sila kahit paano" sambit ni Ninong.

"Yes Ninong I will" pagkumpirma ko.

"Alright good, Sa ngayon magpahinga ka muna kumpadre" saad ni Ninong.

"No I'm fine ituloy na natin ang pag anunsiyo" tanggi ni Dad.

"Fine if you don't want to, But we still need one of our doctors here to check on your health"  suhestyon ni Ninong.

"Ninong is right Dad for safety precautions" pagsang-ayon ko.

May kung sinong tinawagan si Ninong sa phone niya.

Maya maya ay may kumatok sa pinto na agad kong pinagbuksan.

Tumambad sa akin ang isang doctor na may kasamang nurse.

They check on Dad's vital signs and thank God Dad is fine.

Kaya parehas kaming nakahinga ng maluwag ni Ninong.

Pagkatapos nun ay napagdesisyonan ni Ninong na sa rooftop na lang namin gawin ang naudlot na pangyayare kanina.

Kumuha kami ng megaphone at dumiretsyo sa taas.

Si Ninong ang unang nagsalita sa megaphone saka niya iniabot ito sa akin.

Pagdungaw ko ay medyo nagulat ako sa dami ng taong nasa ibaba.

Kanina kasi puro capo at consigliere lang ang nakaharap namin.

Hindi nga nagbibiro si Dad at si Ninong talagang marami kaming miyembro.

Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)Where stories live. Discover now