Chapter thirty

14 9 0
                                    


Havyer  P.O.V

     Hawak hawak ang lunch box na may lamang ulam na niluto ko ay tinahak ko ang daan papunta sa bahay ni Jane.

Iwan ko ba pero nong una ko siyang  nakita may kakaiba akong naramdaman.

Malapit na ako sa bahay nila pero nagulat ako nang makita ko yong ven, naka higa ito sa kalsada at pinag tutulungan ng mga armadong lalaki.

"HOYYY!" Malakas ko sigaw tumingin sa akin ang mga armadong lalaki at tumakbo papunta sa van na sinasakyan nila.

Nilapitan ko si Jane na ngayon ang madami nang pasa sa mukha. "S-si Jane" nang hihina at nahihirapang saad nito.

Tinuro niya ang van kaya napatingin ako dito. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.

Nakita ko ang susi ng sasakyan ni ven sa kamay niya kaya kinuha ko ito at tumakbo papunta sa sasakyan ni ven.

Nag madali akong pumasok at tinawagan ang ambulansya. Pinaharorot ko agad ang sasakyan at sinundan ang van.

  Jane P.O.V

     Ang sakit ng ulo ko, dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Tiningnan ko ang buong paligid.

Nasa isang umaandar ako na sasakyan ngayon. May katabi din akong isang lalaki.

May dalawa pa itong kasama na nasa harapan namin.

Hindi ko pinahalata sa lalaking katabi ko na gising na ako. Humahanap pa kasi ako ng tiyempo para makatakas sa mga ito.

May kinuha ang lalaki sa gilid ko yong cellphone niya at may tinawagan siya.

Habang busy siya sa pag hihintay na may sasagot sa tawag niya ay agad ko siyang sinipa gamit ang paa ko.

Naalarma ang dalawa na nasa harapan. May kinuha ang lalaki sa gilid ko na baril at itututok niya sana ito sa ulo ko nang unahan ko siya.

Hinablot ng dalawa kong kamay ang kamay nito na may hawak na baril at inagaw ito sa kanya.

Napag tagumpayan kong maitutok sa kanya ang baril kaya pinutok kona agad ito.

Napa sigaw ito sa sakit Nang tumama ito sa kamay niya. Tuluyan konang  nakuha ang baril kaya itinutok ko ito sa lalaking nasa harapan ko at pumikit kasunod non at pinutok ko ang baril.

Na nginginig kong itinutok pa sa isa ang baril at pinutok din ito.

Nanginginig kong binitawan ang baril at hinablut ang kamay ng armadong lalaking nag papaandar ng sasakyan.

"Tumigil ka kong ayaw mong mamatay tayo!" Sigaw nito sa mismong mukha ko pero wla akong pakialam. Paliko liko na sa daan ang sinasakyan naming van.

"Itigil mo mona ang sasakyang ito o ibabangga ko ito at sabay sabay tayong mamamtay" saad ko pero hindi nag patalo ang lalaki may hahablutin pa sana siya nang malakas ko siyang itulak sa gilid.

Huli na nang namalayan kong babangga ang van na sinasakyan namin. "AHHHHH!!!" malakas kong sigaw............


    Havyer P.O.V

       Habang sinusundan ang van kong saan naka sakay si Jane ay hindi ako mapakali sa loob ng kotse.

Pano kong may mang yayari sa kanyang masama?. Gulat na gulat ako nang paliko liko ang sinasakyang van ni Jane.

Hindi maari

Napasigaw nalang ako nang bumangga ito sa poste ng malaking puno.

No.no.no.no hindi pwede.

Agad kong tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa akin at agad akong lumabas ng sasakyan.

Mabilis akong nag tungo sa nakabanggang van. Agad kong binuksan ang pintoaan ng van ko at hinanap agad ng mga mata ko si Jane.

Nakita ko siyang nakahiga sa upuan at wlang malay dugoan din ang ulo nito.

Pilit ko siyang ginigising pero wla tlga itong malay kaya kinarga ko ito at inilagay sa back seat ng sasakyan ni ven at agad na pinaharorot ang kotse papunta sa hospital.

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba fvck hindi ko kakayanin kong may mangyari sa kanyang masama..................

     Samantha P.O.V

         Nang makadating ako sa bahay nila Jane ay agad akong bumaba ng kotse.

Ang tahimik nang buong bahay. Nag tataka ako nang makitang bukas ang gate kaya pumasok nalang ako.

Pati ang main door naka bukas, hindi niya na tlga ito sinasarado?.

Dahan dahan akong pumasok at tinawag ang pangalan niya "Jane!" Tawag ko pero wlang sumasagot.

Ang tahimik padin ng buong paligid. Naka dating ako sa isang hallway hindi ito malaki pero pahaba ito. Sa mag kabilaang gilid nito ay may dalawang kwarto ang isa ay sarado ang isa naman ay bukas.

Pumasok ako doon sa nakabukas na pinto sa pag asang nandon siya, pero wla.

Tiningnan ko ang litrato niya at nang kakambal niya sa gilid ng kama. Malaki ang kwarto niya at maganda ang pag kakaayos ng mga gamit.

Naagaw ng atensyon ko ang nakabukas na bag ni Jane.

Dahan dahan akong lumapit doon. Iwan koba pero may parang nag tulak sa akin na buksan ang bag nayon at tingnan ang laman........................














_________________

Section spy Where stories live. Discover now