DENVER'S POV:
"Denver? Denver? Hoy! Gumising ka riyan! Tumatawag si Tito" dinig kong saad ni Xaria.
"Mmmmm" daing ko at humarap sa kabilang parte ng kama habang nakapikit.
"Ahh ayaw mo a!" muling saad ni Xaria at narinig ko ang paglalakad niya palayo.
"AHHHHH!! FUCK IT!" sigaw ko at agad bumangon sa kama.
"Gising ka na?" natatawang saad ni Xaria habang hawak hawak ang timba.
"Why did you do that?!" galit na tanong ko.
"Ayaw mo pang magising e tumatawag nga si Tito!" singhal niya pabalik.
Napatingin ako sa phone kong nasa bedside table kaya agad ko itong dinampot.
"Hello dad?" agad na saad ko nang sagutin ko ang tawag niya.
"Son? Where are you? Are you with Xaria right now?" sunod sunod na tanong niya.
"Calm down Dad, We're fine and yeah we were together" sambit ko.
"Thank Goodness! Bakit ba umalis kayo ng walang paalam? Naiintindihan ko naman kung gusto niyo ng privacy pero sana nagsabi man lang kayo, Kagabi pa kita tinatawagan, Yung phone ni Xaria cannot be reached nag-aalala kami ng Ninong mo" sermon ni Dad.
"S-Sorry Dad hindi na mauulit" hingi ko ng paumanhin.
"It's alright hayaan mo na ang importante ligtas kayong dalawa, By the way pinapapunta kayong dalawa ng Ninong mo sa hideout, Hihintayin niya raw ang pagdating niyo" dagdag ni Dad.
"Yes Dad we'll go there" sagot ko at ibinaba ang tawag.
"Oh ano raw sabi?" takang tanong ni Xaria.
"I won't tell you!" pagsusungit ko.
"Edi wag aalis na ako magpasundo ka na lang kay Kinn" sambit niya at akmang lalabas.
"No wait! Ninong wants to see us we need to khalifa mawt's hideout" pigil ko.
"Sasabihin mo rin pala e sige hintayin kita sa lobby" paalam niya.
"Wait! Nasaan tayo?" saad ko ng matanto kong wala kami sa golden palace.
"Hindi mo ba naaalala yung "G-Get me out of here" mo kagabi?" sagot niya habang ginagaya ang pananalita ko.
I remembered what happened last night, Alice came out of nowhere.
"Oh huwag kang mag-isip na may ginawa ako sayo! Hindi ako ikaw, kumuha ako ng dalawang kwarto sa kabila ako natulog, By the way may damit dun sa cabinet magbihis ka na hintayin kita sa baba" sambit niya at tuluyang lumabas.
Agad akong naligo at nagbihis saka dumiretsyo sa lobby.
Naabutan ko siyang humihigop ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.
"Let's go" aya ko rito.
"Sit down magkape muna tayo pwede?" sagot niya.
Pumayag ako sa sinabi niya kaya nagpakuha ako ng kape sa staff.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko where are we?" pag-uulit ko.
"Kalma nasa pinas parin tayo" sagot niya habang nasa dyaryo parin ang tingin niya
"The fuck Xaria! Just answer my gaddamn question" inis na saad ko.
"Ang aga aga nagsusungit ka na naman, Nasa Casa Khalifa tayo hotel na pagmamay-ari ng Khalifa mawt" sagot niya.
YOU ARE READING
Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)
RomanceA girl who accidentally became the contractual wife of a mafia lord. Will she ever regret her decision in accepting this contract or will they truly become a couple in the end?