Chapter 12(Part 1)
Renz's POV
"Renz. I don't know what to do anymore. Gusto na 'kong ipakasal ni Mommy as soon as possible. Malubha na ang sakit ni Mommy and she can't afford to die without watching her only daughter walking down the aisle. I don't know what to do with my situation babe. Naiipit ako. Alam mo naman ikaw lang ang gusto kong pakasalan pero nahihrapan din ako sa kalagayan ng Mommy ko. She's been crying para lang pumayag ako. I'm sorry babe; I don't know what to do anymore."
Asha's voice is still echoing in my mind. Hangang ngayon naririnig ko pa rin ang patuloy niyang pag-iyak. As of now, all I want to do is to fight for her but she said that when I go to them, a big trouble is going to happen. Ang alam ng nanay niya ay wala na kami dahil ayaw niyang mastress ang nanay niya at baka bigla na lang mas lumala pa ang sakit nito. I try to understand her pero bakit ayaw nang tanggapin ng sistema ko ang mga sinasabi niya.
It's been a week since she said those words. Lagi lang akong nasa kwarto ko at minsan ay nagpapadeliver na lang ako ng pagkain ko. Wala akong ganang lumabas. I don't want them to see that I'm suffering. Good thing, hindi nangungulit si Marcus. Hinahayaan niya lang ako. Ang akala niya pa nga ay patay na ako dahil hindi niya pa ako nakikitang lumalabas kahit minsan sa kwarto ko, Araw-araw siyang nagtetext para lang icheck kung buhay pa ba ako and I find it funny. Seriously? Takot ba talaga siyang kausapin ako? Wala pa rin naman kaming matinong pag-uusap simula nang matira siya dito sa amin. Bumabawi naman siya dahil nakikita kong sobrang linis talaga ng condo namin ni Asha. Naiinis pa rin naman ako sa kanya pero hindi na katulad ng dati na hindi ko siya kayang ngitian at iniignore ko lang mga text messages niya. Katulad ngayon. Biglang tumunog ang cellphone kong nasa ibabaw ng bedside table. A text from Marcus.
'Renz. Good evening. Ayos ka lang ba?'
'Yup. I'm still fine. Good evening too.' I replied. I get up from my bed at sinimulan ko nang ayusin ang sarili ko. I decided to get some drink, gusto ko lang magpakasaya just for once. Nakakapagod din palang mafrustrate.
After kong mag-ayosay lumabas na ako ng kwarto ko at nagulat pa ako nang makita ko si Fay na nakaupo sa may sofa sa may living room. She smiled at me and I did the same to her. Nakita ko namang lumabas sa Marcus dala dala ang isang baso ng juice galing sa kitchen room. Nagulat pa ito nang makita ako at biglang iniwas ang mga mata nang biglang magtama ang mga mata namin. Pumunta na ito sa kinauupuan ni Fay kasabay ko.
"Okay ka lang ba Renz? Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw. Inaayos ko pa kasi yung isang negosyo na naiwan kay Marcus ng mga magulang niya. Pabigat talaga 'tong si Marcus kaya sana napagtiyagaan mo siya. Pinagsasabihan ko na rin 'to. 'Wag kang mag-alala." Fay said and eyed Marcus. Napangiti na lang ako. Nagsimula na naman sa pagdaldal si Fay at hindi mo aakalaing may mga kwentong nakatago sa mga ngiti nito. Nailing na lang si Marcus.
"Marcus do the chores kaya hindi naman siya nagiging pabigat sa akin." I said and smiled at Marcus. Tinanguan at nginitian naman ako ni Marcus bilang pagtugon sa pagtatanggol ko sa kanya.
"Dapat lang! Dapat na siyang matuto simula ngayon. Lalo na't wala pa pala si Asha dito." Fay said and looked at me. "Ahh...Ehh... Sorry kung nasabi ko 'yon. Nakakainis di ko na naman pinag-iisipan ang mga sinasabi ko. Sorry talaga Renz. Dapat kasi bibisita lang talaga ako saglit dito pero nakakainis di ko na naman mapigilang dumaldal." Pagkatapos nang mahabang pagsasalita ni Fay parehas kaming natawa ni Marcus. Napatakip naman ng bibig si Fay at bigla na rin nakitawa sa amin. Tumingin sa akin si Marcus at mukhang may kanina pa siya gustong itanong.
"Gusto mo rin ba ng juice?" Marcus asked me.
"Hindi, ayos naman na ako. By the way, I need to do something." I said. Napatigil naman sa pag-inom si Fay ng juice niya. The both looked at me while frowning.