꒷꒦︶꒷꒦︶ ๋ ࣭ ⭑꒷꒦꒷꒦︶꒷꒦︶ ๋ ࣭ ⭑꒷꒦꒷꒦︶꒷꒦︶ ๋ ࣭ ⭑
NARRATOR
ISANG mansyon na lihim, nakatago, at malayo sa syudad. Isang lugar na mahirap matuntun.
It’s the Mafia Boss’s Lair.
Ngunit para kay Draven Sinthe, walang makakapigil sa kanya upang tuklasin ang pinakamadilim na sulok ng mundo. Itinaya niya ang kanyang dugo at pawis upang matunton ang kuta ng pamilya. Palaging may mata si Draven sa Familia Mourtti, isa siyang propesyonal na detective na itinalaga mismo ang kanyang sarili upang magmasid sa pamilya ng Mafia.
Malaki ang galit niya sa naturang pamilya, mabigat ang kinikimkim niyang ngitngit sa kanila. Lalong-lalo na ang pinakahari na namamalakad ng masamang organisasyon nila. Ang mafia boss na nag ngangalang Dominic Mourtti, kinikilalang padrino ng isa sa pinakamakapangyarihang mafia sa siyudad. Sakim ito sa laman at sa perang natatamasa nila mula sa ilegal na negosyong nagpapayaman sa kanila.
Alam ng panginoon kung gaano kabigat ang pasaning dala ni Draven at kung gaano siya kadeterminado na pabagsakin ang pamilyang Mourtti. Alam niyang halos imposible itong misyon. Nagiisa lamang siya at isa lamang siyang simpleng detective, walang malalaking tao sa likod niya na maaari siyang suportahan sa kanyang madidilim na plano laban sa napakadelikado at malaking profile ng naturang mafia boss.
But fuck that! He'll do it himself.
Wala siyang malalakas na armas kundi ang sarili niyang layunin at mga natutunan niya lamang, at sapat na ang mga iyon. Hindi naman siya literal na sasabak sa giyera, bagkus, makikipaglaro lamang siya sa mga ito hanggang sa makamit niya ang kanyang mithiin. Ang galit at poot na inipon niya sa loob ng maraming taon ang nagsibleng umaalab na motibasyon niya.
Siya ay biktima ng karahasan sa murang edad. Ang kanyang kabataan ay hindi maituturing na normal o masaya, isa itong bangungot na hindi niya magawang kalimutan. Naiwan siyang mag-isa sa mundo matapos karumaldumal na patayin ang kanyang mga magulang ng walang-awang tao na si Dominic Mourtti.
Maliit pa lamang si Draven noong nasaksihan niya ang kalunos-lunos na pagpatay sa kanyang ama't ina. Nawalan ang mga ito ng buhay sa mismong harapan niya. Walang bahas silang pinagbabaril, at kahit ma'y sila'y nagmamaka-awa ay kinitil parin ang kanilang buhay. Ang mga imaheng iyon ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ng binatilyo, parang sirang plaka at walang humpay na binibigyan ng kirot ang kanyang puso.
Walang ibang paliwanag, walang katarungan. Iniwan siyang may mga tanong na hindi na muli nasagot kailan man. Bakit ito ginawa sa kanyang mga magulang? Ano ang dahilan? Ano ang kanilang ginawa?
YOU ARE READING
Devoured by Obsession [18+]
Romantizm[EROTIC-ROMANCE] 🔞 Draven Sinthe only want one thing in life; REVENGE, against Dominic Mourtti, the ruthless mafia boss who murdered his parents. Working as a detective, he discover Dominic's greatest weakness, and its his innocent daughter, Felar...