My first ever one-shot story, sana magustuhan niyo. waaah kapag di niyo nagustuhan libre lait
btw sa right side ang dalawa ----->
Kaylee's Pov
nag-aabang ako ngayon dito sa eskenita malapit sa isang prestigious school
L*che naman oh! kanina pa akong 6pm nag-aabang dito pero ni-isa wala pang nagtangkang dumaan dito, marahil dahil liblib ito at medyo madilim
naghintay pa ako hanggang 10pm ng may nakita na akong paparating mukhang college student at kasing edad ko lang siguro
"HOLDAP TO" sigaw ko kay kuyang pogi ng dumaan siya sa harap ko, pero imbes na matakot tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa, hindi naman niya nakikita ang mukha ko dahil nakatakip ng itim na bonet ang mukha ko
"Hoy, sabi ko holdap to, taas mo kamay mo" sinunod naman niya ko, pero dahil matangkad siya at hindi ko matututok sa kanyang leeg ang hawak kong kutsilyo, sa tagiliran niya nalang tinutok ko ang kutsilyo!
"Miss what do you want?" aba at englesero pa ah, at ang kitid ng utak, kaya nga holdap eh
"Ano ba sa tingin mo ah?" singhal ko sa kanya
"My body?" urrgghh manyak pa ata tong nadali ko, tinignan ko siya gwapo naman, he smirked, ay p*tek, wala akong panahon maglandi ngayon
"Nasan ang wallet mo?"
"in my pocket" cool na sabi niya
"wag mo nga akong ini-english english diyan, kunin mo" utos ko
"pano? nakataas ang kamay ko, ikaw nalang kumuha nandiyan sa pocket ko" utos naman niya
"dami mong satsat, ikaw na kumuha" baka kasi ano pang makapa ko pag ako pa kumuha,kinuha naman niya at agad na binigay sakin
"wag kang magkakamaling tumakas" pagbabanta ko, tinignan ko ang wallet niya, aba at puro mga cards, mayaman! pero ang kailangan ko ay Cash, nakahanap ako at 30,000 ang cash niya, hmmm pwede na, tinignan ko naman siya, at nakita kong nakatitig siya sakin
"problema mo?" pagalit na tanong ko, pero hindi niya ako sinagot, nag smile lang siya, ay potek, tuluyan ko na kaya tong saksakin
BINABASA MO ANG
Holdap To (One-Shot Story)
RomanceAkalain mong sa pang hoholdap magkakaroon kana ng lovelife.