He Found Me

2 1 0
                                    

Her POV:

Everyone asked me why I settle sa buhay na mag isa.

Walang partner, walang anak, walang asawa. Tanging mga asong hindi naman sumasagot kapag kinakausap ko. Halos lahat ng taong kakilala ko o kilala ako, pare-pareho lang ng tanong sa akin.

Natanong ko din naman ang sarili ko kung bakit. Bakit nga ba? Bakit ako nandito sa sitwasyong nakatira sa isang hindi kalakihang bahay. May katulong, para sa mga alagang dogs. May magandang trabaho at nakaka-angat sa buhay. May maayos na trabaho and I can say that I am a successful lawyer.

Bakit sa kabila ng lahat ng mga ito ay pinili kong maging mag isa at hindi na kailanman sinubukan pang muli na pumasok sa isang relasyon.

Sa dami ng taong nagtanong na ultimo ako sa sarili ko ay tanong ko din iyon.

Nakakapagod. Nakakapagod mag pa-ulit ulit. Ilang taon ba? Pitong taon? Pitong taon akong naging masaya kasama siya. Pitong taon ng buhay ko kasama ko siya.

Simula college, unang taon sa iisang unibersidad. Unang pag iyak sa recit na hindi nasagot ng maayos. Unang breakdown dahil sa sobrang loaded ng lahat.


Being a Pol Sci student and a part timer is not easy pero naging madali dahil sa bawat hakbang, bawat pagkadapa at pagbangon andon ka. Apat na taong struggle just to past the pre-law course.


After that, we both graduated with flying colors at Univeristy of the Philippines. Sabay na nagtapos, sabay na nangarap. Apat na taong gumapang matapos lang ang pag aaral hanggang sa sabay muling nag enroll para ipagpatuloy ang pangarap. Tatlong taon sa Law School. Kasama ka na naman, andon ka na naman. Handang maging shield sa bawat unos na dumadaan. Sabay hinarap ang bawat hamon ng mga prof na akala mo nasa korte palagi kung gisahin ang bawat estudyante sa klase. Magkasamang nag rereview at magkasamang umiyak sa bawat pasakit. Sa bawat exam, quiz, recit, back up natin ang isa't isa. Hanggang sa nakapag tapos, sabay nakapasa, sabay nag diwang. Seven years, we spent that seven straight years together. Sabay tayong lumangoy patungo sa dulo hanggang sa makamit ang pangarap.


Sabay din sana tayo noon para sa huling hamon, ang BAR EXAM.

Sabay tayo dapat!

Pero hindi ka dumating.

Hindi ka sumipot sa araw at oras na dapat mag kikita tayo.


Nag review ako mag isa, nag aral ako mag isa. Umiyak ako mag isa. Nag hintay ako mag isa. Mag isang umaasa na kakatok ka sa pinto at sasabihin mong, "tahan na, andito na ako, kaya natin 'to, kakayanin natin ng sabay", pero mali pala ako. Hanggang sa araw na ng examination, hindi ka sumipot at nagpakita sa akin. Nag exam ako mag isa, tinapos ko hanggang dulo ng nag iisa. Pero hanggang sa huli umaasa akong darating ka pa din.

Pero mali na naman ako, mali ulit pala ako.

Sa araw na iyon, sabay pala talaga tayong nagpatuloy sa dulo. Ang pagkakaiba nga lang ng araw na iyon sa mga nagdaang pitong taon ay hindi ka sa akin patungo.

Nakita kita, naglalakad palabas ng kwarto kung saan nag take ka ng exam.

Kitang kita ko sa iyong mg mata ang halo halong emosyon. Naglakad ka patungo sa direksyon ko, handa na sana akong muling tanggapin at yakapin ka pero bakit ganon?

Nilampasan mo ako at sa aking pag lingon ay patungo ka pala sa kaniya. Sa kaniya na sabi mo noon ay kaibagan lang. Sa kaniya na sabi mo noon ay wala lang.

Pitong taon ng buhay ko kasama kita. Magkasama tayo sa lahat eh. Alam mo ang lahat ng kwento ko. Buong buo, walang labis at walang kulang. Alam mo paano ko ginapang ang pag aaral ko ng mag isa. Alam mo lahat iyon.

Pero bakit sa dulo kung saan malapit na nating marating ang tagumpay, doon ka pa wala sa tabi ko. Ang saya saya niyong dalawa. Mas masaya noong ako ang kasama mo. Ang galing, magiging tatay ka na pala. Congrats dahil hanggang sa huli sinamahan mo pa din akong lumangoy kahit sa dulo ay ibang kamay na ang nag aabang para sayo.

Seven years of being with the man I thought will be my first and last is a traumatic experience for me.

Pakiramdam ko lahat ng taong dadating sa buhay ko ay dadating lang para guluhin ako at pagkatapos iiwan din naman ako sa huli. I spent my whole damn college life with him up to Law School. He was my first in everything. Kasama na don ang first drunk moment at the bar. Lahat ng first ko kasama siya. So paano? paano ako papasok muli sa panibagong relasyon? panibagong pagkwekwento na naman, nakakapagod. Okay na ako, okay naman na ako, siguro? Ewan ko.

Kaya sa bawat tanong nila sa kin kung bakit? Iisa lang ang nagiging palaging sagot ko. "Ayoko, hassle."

That seven years with him is no joke.

That man FOUND ME when I lost everything.

HE FOUND ME when I was about to give up.

Kaya mahirap, sobrang hirap umahon sa pitong taong pinagsamahan na hindi man lang natuldukan ng maayos. Hindi man lang nabigyan ng linaw kung bakit?

Paano?

At bakit ang dali dali sa kaniyang tumalikod sa akin.

Ang bilis niyang tinapos sa pamamagitan ng pag alis. Kahit isang salita mula sa kaniya wala man lang akong nakuha. Ilang taon na ba simula ng araw na 'yon ang lumipas? Limang taon? Yes, limang taon.

Limang taon na akong nabubuhay sa mga tanong na bakit? at paano? Ang hirap pero tao lang din naman ako, kailangan kong magpatuloy. Hindi naman hihinto ang pag ikot ng mundo dahil naging masaya siya sa piling ng iba. Dahil baka sa pitong taong pinagsamahan namin baka nga may kulang pa sa akin na hindi ko kailanaman napunan kaya nag hanap siya sa iba. He was my companion, my shield, my armor but I didn't have the chance to asked him kung parehas ba ng turing ko sa kaniya ang turing niya sa akin.

Five years and I always find myself looking at them. Ang saya nila habang ako? Naghahanap ng mga sagot sa tanong kung bakit bigla akong iniwan.

She looks so pretty and a wife material.

While me? I'm just a nobody to him anymore. Kahit ata titigan ko siya sa mga mata hinding hindi na niya ako titingnan muli katulad ng dati. Wala na, wala akong ibang magagawa pa kung hindi ang maging masaya para sa kaniya. Dahil para sa kaniya ay isa na lamang akong ordinaryong tao na minsang naging parte ng buhay niya pero hindi niya alam kung paano at saan. Dahil ultimong pangalan ko ay hindi na niya matandaan.

And that person he's with, is the person who found him when he lost EVERYTHING to SAVE ME.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon