JEROME'S POV
Damn it. Ang sama talaga ng pakiramdam ko, pero kailangan kong pumunta. Or else I'll miss an important event.
Thanks giving mass of NKNKK, extended kasi ng ilan pang months. At sa kamalas-malasang pagkakataon, sobrang traffic pa.
Nagvibrate 'yung phone ko, sinagot ko agad 'yung tawag ni Vaughn, "Jerome, nasaan ka? Ang dami ng naghahanap sa 'yo!" Nag-aalalang bungad niya.
"Sorry, sorry, sobrang traffic kasi." Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga sasakyan sa harap ko na hindi manlang umuusad. "But I'll be there in half an hour. Sorry talaga, Vaughn."
"Sige, ayos lang. Bilisan mo na lang at baka matanggal ka sa casts niyan kapag wala ka sa group picture, sige ka," Natatawang biro niya.
Tumawa ako sabay himas sa noo ko dahil nahilo na naman ako. Sobrang napagod lang siguro ako sa trabaho nitong mga nakaraang araw kaya ganun.
"Oh sige na, umuusad na 'yung traffic." Paalam ko.
Kalahating oras nga lang ay nakarating na ako, medyo late at saktong nagpipicture taking pa rin sila kaya umulit ulit ng ilang shots pa para makasama ako.
"Oh, buti nakahabol pa ang prinsipe ng GMO Unit." Biro ng malokong si JC at nagtawanan pa sila ni Vaughn.
"Grabe naman," napakamot ako ng ulo sabay ngiti. Pahumble effect pa raw ako, eh totoo naman. Tapos nagpicture ulit, dahil raw sobrang proud sila sa akin, BCWMH days pa lang kasi magkakasama na kami.
May lumapit naman sa aking dalawang lalaki na nasa mid 30s. May hawak na camera 'yung isa, recorder naman 'yung isa.
"Magandang gabi, Jerome. Pwede ka bang mainterview?" tanong nung isa. Malamang from Push Alerts 'tong mga 'to, 'yung design kasi ng ID.
Tumango naman ako agad, as expected about NKNKK and experiences and masasabi sa tagasuporta ng show ang mga tinanong sa akin. Akala ko nga tapos na, pero nagulat ako sa pahabol na tanong nila.
"Anong masasabi mo na si Janella Salvador, na kasabayan mo sa pagsikat dito sa showbiz, ay malalaunch na officially as a singer through launching her self-titled album?"
Namilog ang bibig ko, nangangapa ng mga salitang gagamitin.
"Uh.. ano, syempre proud ako sa kanya, sobrang proud. Kasi pangarap niya 'yun eh. At deserve niya, sa ganda ng boses niya." Napangiti ako habang nagkukwento. Tango lang sila ng tango, na parang hindi pa kuntento kaya kinuwento ko na 'yung naalala ko, "Nagkaraoke kami. Kasama ang mama niya at kapatid niya. Tapos.. walang echo, tempo o kahit ano man 'yun. Then kinanta niya 'yung Let it go."
Nangingiti talaga ako habang kinukwento ko, pero naalala ko na NKNKK event ito. At may kanya-kanya kaming loveteam, medyo sumobra na ata ako. Baka makaapekto sa fans ako at fans niya. At maissue pa talaga at lumala.
"Nakapikit ako tapos sinabi ko sa kanya.." alam mo Janella kung ibang lalaki ako at ikaw ay ibang babae rin, kapag pumikit ako at wala kang itsura o kahit ano, maiinlove pa rin ako sa 'yo, seryoso. Those were the exact words but I can't say it. "Alam mo Janella, kung ibang lalaki ako, at ikaw ay ibang babae rin, kapag pumikit ako at wala kang itsura o kahit ano, maiinlove ako sa 'yo. Seryoso."
Napatili 'yung isang lalaki na bakla pala, napatingin ako sa isa pa na kumislap ang mga mata, "So you like her? Or you love her?"
Binatukan siya ng isa niyang kasama, "Kung ibang tao nga raw sila. Pero.. seryoso?! Dahil ba 'to sa showbiz, kaya hindi pwede?"
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
RandomWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...