Chapter Eight

39 6 7
                                    

"So, why are you mad?"

"I'm not mad," he said, his voice quiet. "Nagtatampo siguro? Oo, ganun nga."

"For what reason?" alam ko naman kung saan papunta 'to, pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya nagtampo.

"I just thought. . ." he paused, his fingers nervously fidgeting. "Akala ko sa'kin ka tatabi the whole trip. Pero hindi pala. Doon ka tumabi kay Sherwin, na ngayon mo lang naman nakilala."

"And you feel sad about it?" tanong ko, tinitigan siya habang nakaupo siya sa kama. Nakatayo ako sa harapan niya, sa loob ng maliit naming apartment-style room na may dalawang kama.

"Yeah," he said softly, meeting my gaze for a second before looking away. "I feel sad kasi I thought you'd choose me."

Napabuntong-hininga ako at lumuhod sa harap niya. Pinilit kong hulihin ang tingin niya. "Ethan, I'm sorry if you felt that way. Nauna lang talaga siyang mag-aya. Ayoko rin naman siyang ma-offend."

"So, okay lang na ako ang ma-feel bad, basta siya hindi?" halos pabulong, pero ramdam ko ang pagtatampo sa boses niya.

Umiling ako kaagad. "Syempre hindi! Pero. . . bakit ba ganyan? Bakit parang nagseselos ka?

There it was. Biglang nanlaki ang mata niya. Umiwas ng tingin, pero hindi ko pinalampas ang pag-init ng mukha at ang pulang-pulang tenga niya.

"Yes."

"Totoo ba 'yan?"

"Yes, I am. I can't deny."

Nagseselos nga?

"Ha? Bakit?" tanong ko, mas lumapit pa, halos mapaluhod na sa harapan niya.

"Why?" ulit niyang tanong, tila nag-aalangan kung sasabihin pa ba. But then, he sighed deeply. "Kasi... gusto ko. Gusto ko dito ka sa tabi ko."

Natigilan ako. Tumitig lang ako sa kanya, habang dahan-dahang nanunuot ang mga salita niya sa akin. Para akong nakuryente sa sinabi niya. "Ethan," bulong ko.

"Okay, ganito na lang," sabi ko sa mas mahinang tono. "Sorry na, please. Huwag ka na magtampo, ha? Magkasama naman tayo dito sa room, eh."

"Yeah, right," he mumbled, finally looking back at me, his eyes softer this time.

Ngumiti ako, tumayo, at sinimulang ayusin ang gamit ko sa kama. Pero alam kong nakatingin pa rin siya sa akin.

"Would you like to have dinner with me later?" he suddenly asked, his voice lighter but still a bit unsure.

I glanced back at him, smiling. "Sure, para mawala na rin tampo mo."

"It's a deal." his grin widened, this time with more confidence. Tumango ako at nagpatuloy sa ginagawa, pero hindi ko na mapigilan ang pag-ngiti kahit na hindi pa rin makapaniwala.

Sa bawat galaw ko, ramdam ko ang mga mata niyang nakasunod sa akin. At sa bawat tibok ng puso ko, mas lalong hindi ko na maitago, baka nagsisimula na rin akong tuluyang mahulog.

Pagkatapos ng maliit na usapan namin ni Ethan, sinimulan naming ayusin ang mga gamit sa kanya-kanya naming drawer. Tahimik lang kaming dalawa, pero ramdam ko pa rin 'yung kakaibang tension sa pagitan naming dalawa.

Love In The Spotlight (BL)Where stories live. Discover now