chapter 12

30 33 0
                                    

Lunch time ko na naisipang pumasok, wala rin naman daw ginawa kaninang umaga kaya ayos lang. Nang matagpuang wala pang tao sa room ay pumunta na muna ako sa library. Naghanap ako ng pwedeng basahin at umupo na.

“Oo teh, nagulat din ako kanina. First time ko makita si ma'am mel na ganon kagalit! Namumula siya sa galit!”

“Kahit si Zek eh namumula na sa galit”

“bakit nya ba kasi ginawa yun? Nasisiraan na talaga sya”

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAH talaga! Sino ba namang nasa matinong sitwasyon ang paglalaruan ang mga chemicals sa lab?”

At kailan pa naging palengke ang library? Tsk, those girls.

I was busy reading the book when someone approached me. At first hindi ko siya pinansin because I'm not interested na makipag kapwa tao. Partida, humss student yan ah? HAHA

I was too focused on the book that I'm reading to the point na hindi ko napansin ang taong tumabi sa'kin. Hindi ko naman dapat papansinin nang maamoy ko ang pabango niya.

“Sinusundan mo ba ako ha Ichi?”

Nakabusangot siyang tumingin sakin saka hindi na ako pinansin. Anong meron don? Parang badtrip yun ah?

Hindi ko nalang din siya pinansin at baka magalit nanaman sakin. Maya-maya ay tumayo siya at may inilapag na paper bag sa harap ko. Tatanungin ko na sana siya nang dali-dali siyang lumabas sa library. I was too stunned to speak, hindi mahulaan ang mga actions niya.

Tinignan ko ang orasan and it's 12:15 already, our fifth class will start at 12:20. Pina-stamp ko ang book na hihiramin ko at lumabas na ng library.

Nang makarating ako sa room ay tinignan ko yung laman ng paper bag. It was a lunch box filled with.. French fries?!

I don't know what to say, my mind was filled with unknown thoughts again. Binigyan niya ako ng fries for what?  I don't even know what to think now!

This is one of my favorite comfort food, lalo na kapag barbecue ang flavor. Nakakalimutan ko kasi mag-isip nang matino kapag kumakain ako nito.

The class is almost over, hindi ko na nakita pa si Dione. Baka nga talaga badtrip siya ngayong araw, nakasimangot ba naman e.

Pag-uwi ko sa bahay, nagulat ako sa nakita ko.

“Zoe, anak..” saad niya

“Anong ginagawa mo rito?” Hindi ko na mapigilan ang inis na namumuo sa loob ko. Feel ko anytime sasabog ako

“Nangangamusta lang anak”

The audacity. It's not like galit ako sakanya, sa ginawa niya oo. He blamed me for everything. He cut our connection when I needed him the most. Tapos ngayon, babalik siya para mangamusta?

“What do you want from me?” Alam ko may kailangan siya, hindi siya pupunta rito para sa wala.

Habang nakatitig ako sakanya, I can't erase the pain he has caused me. Unti-unting bumabalik lahat sa alaala ko yung mga ginawa niya sakin. How it almost ended my life. Hindi ko maalala kung ilang beses siyang nagpakatatay sakin, kung ilang beses siyang kumalinga sakin.

I hate how he made me feel so na!ve that time, I hate how he made me look like a totally fo/l to others. I loathed him for everything he has caused me.

“Kung pera ang kailangan niyo, wala ho akong maibibigay sainyo. Nag-aaral palang ho ako” saad ko sabay tinalikuran siya.

Unknowingly, natagpuan ko ang sarili ko sa seaside. Doon, unti-unting nanumbalik lahat ng masasakit na alaala sakin. How my life is saved by the people I didn't know.

Maybe in another life   (Complete) Where stories live. Discover now