" Ate, pahingi pulbo"
"Nasa bag ko, pag yan di mo binalik ,lagot ka sa'kin"
Yan ang linya ko palagi, alam ko kasing parang di maintindihang ewan itong kapatid ko e. Kapag may kinuha siya, parang wala na siyang pakialam kung gagamitin pa ba 'yun ng iba o hindi na.–
" Ate, pahiram ng eyeglasses mo please"
" Kapag nasira yan,sisirain ko rin buhay mo"
Ganyan lang ako sa kanya pasigaw, pabiro, minsan mahigpit. Pero, handa akong ibigay ang lahat, mapasaya lang si Reign.–
" Ate, penge pera"
" O, ayan, ubusin mo ah! mayaman tayo e "
Sabi ko sabay bigay sa kanya ng pera, sinabi ko yun para naman matuto rin syang magtipid, hirap magtrabaho e. We come from a broken family, and I am the one working for us. I gave up my studies for her, and I’ll do whatever it takes just so she can finish hers. Ganyan ko sya kamahal.–
Mangiyak - ngiyak ako habang pinagmamasdan ang lalaking pinakamamahal ko. Sya si Jax, ang lalaking una at huli kong mamahalin." Congratulations, Mr. and Mrs. Dela Cruz"
" You may now kiss the bride"I'm beyond happy for my beloved sister. Sobrang ganda nya talaga, bagay sa kanya ang kanyang wedding dress. Pumalakpak ako kahit masakit. Matagal ko nang gusto si Jax, kaso hindi na ako nag- abalang sabihin sa kanya yun dahil alam kong gusto nya ang kapatid ko.
Hindi sya hiniram o hiningi saakin ni Reign, sila yung ikinasal dahil kailan man ay hindi nya naman ako minahal. Ni minsan, hindi niya ako nakita. Ni minsan, hindi niya ako pinili.
YOU ARE READING
Never His, Always Hers
Short Story"She sacrificed her dreams, her happiness, and even her heart for her sister. But how much can love endure when it's never returned?"