chapter 27

27 28 0
                                    

Nagsisimula nang pumatak ang ulan, buti nalang dala ko ang payong ko. Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa pathway dahil nasa loob ng bag pa ang payong ko.

Nang makarating ako sa pathway ay pinunasan ko ang braso ko ng panyo dahil may mga butil ng ulan don.

“Hey, kanina ka pa ba? Sorry, medyo tumagal yung meeting”

Tinignan ko siya saka siya nginitian. Ang pogi parin kahit basa tsk... Kinuha niya sakin ang panyo at siya na ang nagpunas sakin. Bakit kaya ganon no? Hindi naman ako napopogian sakanya dati pero ngayon kahit simple lang ang suot niya ay pogi sa paningin ko.

Pag-ibig nga naman ts..

“Let's go, kain tayo sa labas”

“Umuulan oh”

“And?? May sasakyan ako, dun tayo sasakay”

Tumango nalang ako sakanya dahil ayaw ko na rin namang tumanggi sakanya.

“Anyway, where's Tasha?”

“Nauuna yun umuwi sakin”

“I see.. Let's go?”

Naglakad kami papunta sa parking lot. Siya ang may hawak ng payong habang bitbit ang ilan sa mga gamit ko. Papasok na sana kami nang biglang mag ring ang phone niya.

“Yes?” sagot niya rito.

Tahimik lang akong nakikinig habang nakayuko. Nararamdaman ko naman ang titig niya nag angat ako ng tingin sakanya.

“No” matigas na tanong niya habang nakatitig sakin.

Hindi ko naman alam kung sino ang kausap niya kaya hinintay ko nalang na matapos siya bago pumasok sa sasakyan niya.

Pag katapos ay pumasok na kami. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto bago pumasok. Psh, gentleman yan??

“It's Astra, yung tumawag” sabi niya habang sinusuot ang seat belt sakin

“Hmmm, bakit daw?”

“nagpapahatid, wala raw siyang dalang sasakyan”

Oo nga, naalala ko nung sinabi niya yun sa canteen. Napaka kunot-noo naman akong tumingin sakanya. She holds a bunch of keys kanina sa cr ah?

“Eh bakit hindi mo I sabay?”

“You're here”

Napatitig ako dahil sa sagot niya, parang pinapamukha niya sakin na...

“Ah sige, sorry, bababa nalang ako”

“What—NO, I didn't mean that way. Alam kong ayaw mo sakanya. Besides, she's not a child anymore. Tasha was right”

“Ok”

Hindi na ako tumingin sakanya dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko at naiinis lang ako. Binuksan ko ng konti ang bintana dahil hindi ko gusto ang hangin dito ngayon.

Nakatingin lang ako sa labas nang bigla niya akong yakapin!

“I didn't want her here kaya hindi ako pumayag sakanya. Besides, you're my priority baby, I want you to be comfortable” malambing na sabi niya

Lin.tek, kung ganito kasarap sa feeling ang pagsuyo niya, aaraw-arawin ko ang pagtatampo!

“Oo na, alis na tayo gutom na ako e”

Nagutom sa Inis, psh!

We ate our dinner sa isang restaurant before heading home. Bumili narin ako ng ilang gamit na gagamitin ko for tomorrow's project.

Kanina pa ako nabobother dahil tunog nang tunog ang phone ni Dione. Hindi siya tinitigilan ni Astra sa kakatext. Sinabi ko nga na sagutin niya dahil baka naman importane pero hindi siya nakinig sakin!

“Hey, baka hindi ako makasabay sayo tomorrow ah. May video project kaming gagawin, I can't let you wait that long”

Napalingon ako sakanya nang mag salita siya. Lahat ng senior ay busy ngayon. Meron kasi kaming dubbing project sa isang sub, at hindi yun madaling gawin.

“Ayos lang, sasabay nalang ako kay Tasha”

“Tapos na kayo sa dubbing?”

“Editing nalang kami”

“Bilis nyo naman?”

“Eh ayaw namin mag cram no, ang sakit kaya sa ulo non”

I'm not a fan of cramming. Mahirap kasi kapag nagsabay-sabay ang mga gawain, tapos ang hihirap pa gawin. Kung kaya naman na gawin, gawin na. Mahirap na kasi madagdagan pa ang mga tasks tapos hindi mo na malaman kung anong uunahin mo.

“I'll call when I got home”

“Sige, ingat”

“Pasok na”

Pumasok na ako pag tapos niya akong patakan ng halik sa ulo. He always do that thing. I didn't know that he's so clingy. I'm loving it anyway.

“SALAMAT NAMAN NAKAUWI NA ANG PRINSESA”

Pasigaw na sabi ni Tasha with matching palakpak pa!

“OA ka, nag dinner kana ba?”

“Oo, mag bihis ka dali may chika ako sayo”

“Chismis nanaman”

“Kunyari ka pa, alam ko nangangati na yang tenga mo! Bihis na don dali”

Sumunod nalang ako dahil alam kong hindi niya ako titigilan. Kahit kailan talaga 'tong babae na 'to.

“Tapos kana? Upo ka rito”

She's watching in the TV while eating some snacks. Tumabi ako sakanya at sumabay din sa trip niya.

“Ano ba yun?”

“Si Astra, kanina sa gym nakipag sabunut@n sa junior! Alam mo kung bakit?”

“Bakit??? Teka—Bakit mo siya kilala?”

“Teka naman kasi! So eto nga, nakita ko kasi sila kanina sa gym. Di ko naman sana siya papansinin kaso bigla siyang sumigaw, pag tingin ko eh ayun nilalampaso na sa lupa yung bunganga ng junior. Binasag pa yung phone! Alam mo kung bakit?”

“Bakit?”

“Nakita niya raw na may picture yung girl ni Dione, sabi niya stalker daw kineme. Si ate mo nabu.ang HAHAHAHAHA. Akala mo naman sakanya si Dione eh. Alam mo tingin ko dyan, mas malala pa gagawin niyan sayo e, inaaway kana ba?”

“Hindi naman, maayos naman siya sakin...”

Totoo, hindi niya ako inaaway pero iba siya mag salita sakin.

“Eto pa, nag friend request sakin ang ate mo! Nag message pa jusko!”

Gulat akong napatingin sakanya. I didn't know that Astra can do that.

“Nag hi sakin tapos kung ano-ano na sinasabi like "can we be friends?" lol never no”

“Eh nakikipag kaibigan naman pala e, eto naman”

“Ayoko nga! Sumasama ang hangin sa paligid ko pag nakikita ko siya!”

Ako rin. Pero hindi naman impossible na maging kaibigan namin siya. Kung hindi naman masama ang pakay niya samin e bakit hindi?

Maybe in another life   (Complete) Where stories live. Discover now