Sofia's Pov
Kahit isang tawag ko ay wala siyang sinagot kaya agad agad akong lumabas ng bahay para puntahan siya.
"Jarren lumabas ka" sigaw ko sa harap ng bahay nila at may nagbukas naman ng pintuan "tito, asan po si Jarren?" tanong ko sa papa ni Jarren "nauna na sila sa London, kasama niya si Archie, hindi niya ba nasabi sayo?, baka nasa airport pa siya ngayon" sabi nito "8:45pm palang naman 9 pa ang flight nila" dagdag niya pa.
"Ah sige po tito, salamat po" dali dali akong naghanap ng masasakyan.
30 minutes away pa ang airport dito. Please lang Jarren wag mo akong iwan.
Traffic pa and it's already 8:50 sana maabotan ko pa siya.
Bakit ba kasi hindi siya nagsabi na aalis pala sila. Kainis ka naman Jarren eh.
It's already 8:56 at wala pa rin kami sa airport tinatawag ko ito pero walang pa rin sumasagot.
"Jarren wag mo akong iwan, wag ka ng umalis" sabi ko kahit alam kung wala siya sa tabi ko.
⏰⏰⏰
Nagising ako dahil sa alarm ko at hawak hawak ko pa rin ang cellphone.
Wahhhhhh!!!
panaginip lang pala!!!
Bakit parang totoo, ramdam ko din ang mga luha na tumutulo sa aking mga mata.
Binuksan ko ang cellphone ko para tignan kung tumawag naba siya, pero nabigo ako dahil kahit isang message ay wala.
Habang tinititigan ko ang cellphone ko at wala pa ako sa sarili ay may kumatok sa pinto.
"pasok" sabi ko "anong pasok?? bumangon kana nga dyan fyang" sabi nito, pamilyar ang boses kaya napalingon ako kung sino yun.
"Ja" sigaw ko at lumapit sa kanya para yakapin siya "Akala ko iniwan mo na ako e" mahigpit na yakap ko sa kanya.
"Iniwan?"tanong niya "hindi kaba sasama sa London?" tanong ko sa kanya "mag bihis kana at papasok pa tayo, una na ako sa labas" sabi nito at lumabas na.
Ha?? hindi niya sinagot tanong ko?? anong ibig sabihin nito?? sasama siya??
Agad agad akong nag ayos ng aking sarili at bumaba na para kumain.
Habang kumakain ay walang nagsasalita gang matapos.
Tinignan ko si Jarren, napansin ko na may sugat ang kanyang labi at may mga pasa din ito.
"Ja, anong nangyari sa labi mo?" tanong ko at napatingin ang lahat sa kanya.
"wala to, nakagat ko lang" sabi ni Jarren
Hindi ako naniniwala na nakagat lang yun kaya pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami kila mommy.
Habang naglalakad, sobrang tahimik niya "ja may problema na?" I asked him
Nagpromise kami sa isa't isa na kamay may problema kami ay sasabihin namin.
"Wala naman, why?" he asked "don't lie to me Jarren" sabi ko sa kanya "I'm not lying" sabi niya at pinilit ko nalang manahimik baka kasi magalit.
Nakarating na kami sa school at hinatid niya ako sa classroom ko, habang naglalakad kami ay nakasalubong namin sila Jm at Rain.
"Hi fyang" Jm waved at me at nakita kong nagulat si Jarren aa narinig niya.
Siya lang kasi ang tumatawag sa akin ng 'fyang', kahit mga iba kong close friends ay hindi ako tinatawag na 'fyang'.
"h-hi" sabi ko naman ng may kunting takot dahil sinamaan ako ng tingin ni Jarren.
"He called you fyang" he said with a bitter smile "una na ako" at umalis na nga ito.
"Lagot" narinig kung sabi ni Rain "wag ka nga manakot" sabi ko sa kanya "bakit mo kasi siya tinawag na fyang?" tanong niya kay Jm "bakit? masama ba?" tanong naman ni Jm "really bad bro" sagot naman ni Rain at pumasok sa loob ng classroom.
Tinignan ako ni Jm "siya lang kasi ang tumatawag sa akin ng fyang e kaya" sabi ko kay Jm "edi fyangii nalang" sabi niya naman "ok na Yung fyang okay wag lang Yung fyangii" I informed him.
YOU ARE READING
Chasing What's Not Mine
DiversosFriendship and hidden feelings intertwine as Jarren and Sofia share a promise, unaware of the heartbeats that will forever change their bond.