Sabi ng iba, kapag nagkakasawaan na, ibig sabihin hindi matatag yung relasyon niyong dalawa. Para sakin depende yun, kung paulit ulit na yung nangyayari talagang mapapamura ka na lang. Wala nang sweetness, once in a blue moon mong nakakausap, wala nang time,wala nang pakialam sa isa't isa, masabi lang na nakain relationship ka, pero hindi eh! Walang magwowork kapag ganun.
July 19, 2015 here at RTU sa may mandaluyong, anong ginagawa ko dito? Nagbibigay ng final preboard sa mga estudyanteng matitigas ang ulo hehehe stubborn kasi sila
Dun sa media makikita niyo sila. Dito ko ginagawa itong chapter na to, kung saan ko naisip bigla ang nakaraan ko, edi throwback nanaman diba?After 3 years na on and off ang relasyon na akala ko magwowork out, sa bandang huli parang nawawalan na din ako ng gana, sabi ko nga depende yun sa sitwasyon, sa love dapat may oras at panahon sa isa't isa, may tiwala at pagaalaga, syempre sapat na pagmamahal, bakit sapat lang? Kasi kapag sobra, hindi na maganda. True! Malalaman mo yun kapag nagbigay ka ng sobra, sobrang sakit din ng kapalit nun, hanggang sa makaramdam ka na lang ng pagkamanhid, tatanggapin mo na lang kung ano ang magiging kapalaran mo sakanya, ayaw mong aminin sa sarili mong ayaw mo na at sawa ka na sa ganun sitwasyon niyo, pero sa isip mo, kahit mawala siya or magstay sya, okay na lang din sayo. Dito na dumadating yung point na dati nung okay pa kayo halos pati mga bituin ay ibigay mo sakanya pero kapag ganito na pakiramdam mo nagiging selfish kana. Wala ka nang ibang kasabihan kundi "I've done my part." Pero sa loob mo talagang nag eemo ka na, puro sad songs at minsan mga galit sa mundo yung pinakikinggan mo, naniniwala ka na din sa kasabihan na walang forever, pero the good side of being herr in this kind of situation is, nagkakaroon ka ng time for your family and friends. Nagiging open ka na sa lahat ng nasa paligid mo. Look at the good side of life! :) pero minsan talagang senti mode ka, nasampal ka na ng katotohanan, tinanggap at nilunok mo na, niluluwa mo pa din tapos maniniwala at aasa ka nanaman sa wala. Ganun tayo katanga. Pero may end point lahat ng katangahan at kahibangan. Hindi sa habang panahon tanga tayo ha? Paulit ulit na tanga para intense, at damang dama mo. Let's go back to my story, sa isang istoryang akala ko totoo, akala ko kasi true love na eh! Para sakin hindi totoo na kapag soulmate kayo at madami ang common sainyo, ibig sabihin compatible kayo. Parang magnet, kapag parehong positive or pareho negative nag rerepel. Eh okay sana kung puro positive vibes lang, hello in a relationship ka, umaasa ka sa puro UPs lang? Sa fairytale nga kailangan alilain muna yung protagonist bago magkaroon ng happy ending, partida, may ending yun! Tapos ikaw gusto mo ng forever?! Immortal ka te! Di ka tao! Kapag negative na yung laging napupunta sainyo hindi na din maganda ang kalalabasan, lalo na kapag pareho kayo ng ugali. Pataasan ng pride,walang unawaan na nagaganap, kapag bad vibes siya ganun ka na din, eh kasi nga PAREHAS KAYO DIBA?! Soulmate nga diba? So ayun nga, after 3 years, talagang wala nang pag-asa, kung sa bagyo wala na, hindi na nagreport ang PAGASA sakin, inaabangan ko na lang kung kelan matatapos ang bagyo, kung kelan ako lalamunin ng delubyo o may bukas pa ba sa relasyon namin ng soulmate ko. She's my childhood friend, ayoko na magsabi ng name, not worth to mention it.
Bago ako bumalik sa reyalidad, bigla kong naalala nung bago kami magkakilala ni Ms. Aeigis, at kung paano nabaling ang atensyon ko sakanya at kung paano ko nasabi sa imaginary girlfriend ko na TAMA NA OKAY?July 19, 2015 2:33 pm nandito ako sa building ng review center kung saan ako nagtatrabaho at kung saan ko nakilala si Ms.Ageis. sa fourth floor kung saan niya ako tinanong mam saan po ba may drug store na malapit dito? Dun ko na naisip she's not that kind of healthy. Naalala ko bago siya pumasok nun sabi ng pinsan niya