Yuki's POV
[PLAY THE MUSIC ON THE MULTIMEDIA BOX]
Ang kutis mong kay lambing, maginhawa sa piling
Ang 'yong ganda, ang lakas ng dating
Hindi ko mapigilang maakit sa'yo
Pag nakikita ko ang buhaghag na buhok mo"Hmmm..." napasabay ako ng kumanta si Aiden kasama ang iba habang nakaupo sa teacher's desk.
Habang naggigitara si Jaxon ay pumupukpok si Mark sa beatbox na dala nya kanina. At ang iba ay kumakanta rin pero nangingibabaw ang boses ni Aiden.
Langhap ko ang simoy ng 'yong pabango
Pag kumakapit na ito sa mga palad ko
Hindi makatulog sa gabi
Pag naiisip na hindi ikaw ang katabiBigla akong napaayos sa pagkakaupo ng makaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko. Teka, natatae ba ako? Pero hindi naman ganto ang pakiramdam kapag magbabawas e.
"Hoy! Candy! Kulang piso yung sukli mo sakin!"
Naagaw ng pansin ko si Kiara at Candy na nagtatalo nanaman. Kahit sila Aiden naagaw ang atensyon nila ng sumigaw si Kiara.
Sya nanaman. Naagaw nanaman nya ang pansin ni Mark.
"Binili ko ng Maxx kanina, ayos na yan" sagot ni Candy.
"May utang ka sakin ah, piso"
Ano ba naman 'tong dalawang 'to pati piso pinagtatalunan. Haha.
Lumingon ako kina Aiden. Tumigil na sila sa pagkanta at nagk-kwentuhan na lang. Tumingin ako kay Mark at may kumirot sa may bandang dibdib ko ng makitang nakatingin sya kay Kiara.
Bakit naman kaya ganun? Kapag kinikilig ka, sa tiyan mo nararamdaman yung kilig pero kapag nasasaktan ka sa puso.
Nakakainis.
Iniwas ko ang tingin ko at akmang tatayo na ng mahulog ang librong nakapatong sa mesa ko.
"Galit ka? Haha,"
Nanghina ang mga paa ko at parang gustong bumigay ng makita ko sya sa harapan ko habang hawak ang librong nahulog.
*gulp*
"Hehe, sorry nahulog" sabi ko.
Ngayon ko lang napansin na upuan nya pala ang inuupuan ko. Hindi pala ako ang nilapitan nya, yung libro nyang bumagsak.
"Andyan na si Mam, dito ka na lang umupo mukhang late nanaman si Argel wala kang katabi" sabi nya.
Napatango tango ako habang feeling ko namumula ang mukha ko.
Umupo sya sa katabing upuan ng upuan nya kaya naupo na rin ako. Kasabay naman 'nun ang pagpasok ni Mam habang dala ang result ng exam namin.
"Ang ganda talaga nya,"
Napalingon ako sa kanya ng bigla syang magsalita habang nakangiti. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy nya dahil nakatingin lang naman sya sa notebook na nasa mesa. Tiningnan ko si Kiara na may hinahanap sa bag nya.
B-baka si Kiara?
"Sino?" Tanong ko.
Nakacross fingers pa ako at nagdadasal na sana wag si Kiara.
Na sana wag ang bestfriend ko.
"Secret lang natin 'to ah?" Nakangiti nyang sagot.
Tumango ako habang nangingilid na ang luha sa mata ko.
Please, wag. Wag si ---, "Si Kiara, sa tingin mo may gusto rin kaya sya sakin? Mutual kaya kami? Diba bestfriends kayo? Tulungan mo ko, Yuki.--- Uy, Yuki! Kinakausap kita!"