Aeris Madyzon Carysv
Masayang nakikipaglaro si Lucas kay Xyon dito sa may bakuran, pinapanood ko lang sila habang umiinom ng ice coffee.
Chillin' with my babies kahit na nai-stress ako kay Sabrina.
Habang umiinom ako ay nakita ko si Nanay Fely na may dalang mga pinamili niya.Bakit hindi niya na lang inutos kay Alexys, ang init-init oh.
"Nanay fely!" Bigla naman siyang napatingin sa akin, ngumiti siya sa akin kaya lumapit ako sa kaniya.
"Dapat inutos niyo na lang po 'yan kay, Alexys. it's so hot here oh." Suhestiyon ko sa kaniya.
"Naku, hayaan mo na, ayaw ko namang utusan ang may birthday."
"Birthday po?!" Dali-dali namang lumapit si Lucas sa amin habang dala-dala si Xyon.
"Birthday ni Alexys?" Tanong ko dahil bakit HINDI KO ALAM?!
"Oo, ako na nga lang bumili ng mga lulutuin ko eh para naman ma-surprise siya. Labinwalong taong gulang na 'yong bata na 'yon." Dapat grande ang celebration niya, but she chose to celebrate it na lang dito sa province.
"Nasa'n po ba si Alexys?" Tanong ko dahil balak kong i-surprise siya kasama si Nanay Fely.
"Ayun niyaya nung Sabina ba 'yon? Na mag ukay-ukay diyan sa may tabi-tabi. Kasabwat ko 'yong bata na 'yon." Saad ni nanay Fely at napatawa pa siya sa plano niya.
"Ganito na lang Nanay Fely. Tutulungan na lang po kitang magluto." Pagvo-volunteer ko para naman may ambag ako sa surprise plan niya.
"Ako rin po!" Bigla naman akong napatingin sa nakangiting si Lucas. Nandito pa pala siya, hindi ko siya napansin ang bulinggit kasi.
"Oh sya, sige, sige. Tara na." Nagmamadaling saad ni Nanay Fely.
"Oh shit." Bulong ko sa sarili ko dahil fudge! Nahiwa ang kamay ko habang ini-slice ko 'yung sibuyas. 'Yan volunteer pa. Agad akong tumingin sa paligid kung may nakakita ba. Si Lucas busy sa pakikipaglaro kay Xyon habang si Nanay Fely naghahalo ng spaghetti.
Okay clear.
Oh my gosh, oh my gosh.
Dali-dali akong lumapit sa may sink at hinugasan ang kamay ko.
Fudge, ayaw tumigil ng dugo!
Dali-dali kong kinuha ang panyo na nasa bulsa ko para ibalot ang daliri ko.
You're so careless kasi, Madyzon eh!
"Oh, Madyzon, okay na ba 'to?" Agad naman akong napatingin kay Nanay Fely na dala-dala ang sibuyas kaya sinabi ko na lang na nangangalay na ako sa paghiwa kaya siya na lang muna.
Tinago ko ang kamay ko sa bulsa ko para hindi nila mahalata. Pinabili ko na lang ng band aid si Lucas ang dami niya pang tinanong sa akin bago siya bumili. Tinanong niya kong ano daw gagawin ko dun sabi ko na lang ilalahok ko sa spaghetti para tumigil na siya.
Maya-maya ay prepared na ang lahat- decorations and foods.
Ang bango!
Spaghetti, Fried chicken, Cake, and some drinks.
Simple yet appetizing!
I hope she likes it.
Habang naghihintay ako sa kaniya ay gumawa muna ako ng birthday card to expresa how much I appreciate her existence. I never thought na may mabi-build kami na friendship dito sa province.
Friendship lang ba?
Eme talaga nitong iniisip ko, Mygosh.
Tumingin ako sa may labas dahil sa pagtunog ng gate senyales na may papasok dito sa bahay.