Five

50 3 0
                                    

Pumunta kaming tatlo nina Hani at Karen sa dating bar kung saan kami nagpeperform.

Wala na akong magagawa, kung walang tatanggap sa akin sa kahit anong trabaho kailangan kong bumalik dito. This is my only shot.

"Ahm, chelsea? Sure ka na ba?" -Karen.

I let out a sighed . "Kailangan ko ng pera." Ang tangi ko na lang nasabi.

Lubog na ang araw kaya siguradong madami ng tao pero bahala na. Kung kailangan kong lunukin ang pride ko, gagawin ko na.

Huminto ako sa harap ng pinto ng office nung... sino nga ulit? Basta yung babaeng nakapula yun na yun!

Binuksan ko ang pintuan at agad na nakita namin ang babaeng nakapula na naman ang suot. Tumayo siya at ewan ko pero kitang kita sa mukha niya ang .. saya na makita kami?

Napakunot ang noo ko dahil sa bigla niyang pagyakap sa akin. Agad na napatingin ako kila Karen at Hani para tulungan nila ako pero halatang gulat din sila sa mga nangyayari.

Lumayo ang babae sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Salamat at bumalik kayong tatlo sa akin.." sabi niya at nagsimula na siyang maiyak.

"Geez what is she saying?" Bulong ko kay Hani at siniko niya ako.

"This is your chance mukhang kailangan niya tayo." bulong naman ni Karen. Napatingi ako sa kanya ang she raised her brows to prove her point.

At Boom, something light beside my head and I mentally laugh.

I cleared my throat at tumayong tuwid kasabay ng pag alis ko ng kamay niya sa kamay ko.

"Actually, wala kaming balak bumalik. Tinitgnan lang namin ang kalagayan mo." Maarte kong sagot habang pinaglalaruan ko ang dulo ng kulot kong buhok.

"Please bumalik na kayo. Simula ng mawala kayo, humina na ang kita ko. Please please. Gagawin ko kahit ano.. anything. Basta bumalik lang kayo.." she promised. Okey ito na 'yon.

"Anything?" I repeated.

"Oo, kahit ano..please?"

Nagkatinginan kaming tatlo and there I saw playful grin plastered on their faces.

Nagkaroon kami ng kasunduan tungkol sa pagtataas ng sweldo namin para sa mabilis na pag-iipon.

Lumabas kami ng office ni madam red daw ang pangalan na tuwang-tuwa.

Napatingin ako sa loob ng bar ng daanan namin iyon palabas. Ngayon ko lang napansin na kaunti na lang pala ang taong nagpupunta dito ngayon.

"Chelsea! Galing mo!" Hani shouted.

"Shhh. Easy. Hindi pa tayo nakakalayo" -Karen.

"Oh. Okey. " sabi ni Hani at inakto pang iziniper ang bibig and then smiled.

"So, tara na't magshopping!" Sigaw ni Karen. Binigyan kasi kami ni Madam Red ng allowance na 1k pambili daw ng isusuot.

"Hold it, 1k? Anong mabibili natin dyan?" Tanong ko sa kanilang dalawa na nagpatigil sa kanila sa paglalakad.

Nagkatinginan muna silang dalawa bago mas lumapit sa akin.

"Chelsea, ganon ba talaga katindi ang amnesia mo at nalimutan mo na ang favorite place natin?" Hani pouted. Oh, cute.

"Favorite place?"

"Yeah. Tara na! Ipapaalala namin sa'yo." Hinila na ako ni karen at bago pa man ako makareklamo ay nasa gera na kami. Este nakikipagbalyahan na kami sa mga nagsisiksikang tao.

"So this is our.. favorite.. place?" Tanong ko habang pinipilit na hindi ko mabangga ang mga taong papunta sa opposit direction wearing haggard faces. Ineexpect kong sa isang mall kami pupunta pero dito?

Hindi nila narinig ang tanong ko, dahil nadaan kami sa isang lalaking naka shades habang nag dadrums at kumakanta. Hindi ko alam kung totoo ba siyang bulag pero ni hindi ko nga rin alam kung saan kami magshoshopping ?

Hila-hila ni Hani ang kamay ko kaso nga lang may biglang dumaan sa gitna ng kamay namin kaya napabitaw siya sa akin.

"Hani?Karen?" Sinubukan kong hanapin sila sa pagitan ng mga nagsisiksikang tao pero wala sila?

Agad akong nakaramdam ng takot. Nawawala ako! "Hani!? Karen?!" Tawag ko ulit sa kanila pero wala akong ibang nakita kundi mga matang nakatitig sa akin.

Biglang kumulog at biglang bumuhos ang ulan. "This is sh-it?!" Sigaw ko bago tumakbo sa kung saang may masisilungan.

Basang-basa na ako ng makahanap ako ng masisilungan sa loob ng isang .. tiangge ata ang tawag dito. Or mini mall?

Puro mga damit , sapatos at kung ano-ano pa ang makikita dito na nasa bagsak presyo.

I just continued to walked trying to escape. The'yre watching me. Lahat ng mga tao napapatingin sa akin.

Hani? Karen nasaan na ba kayo? Ng maramdaman 'kong may tumulong luha sa mata ko ay agad ko 'yung pinunasan.

Nagulat na lang ako ng may biglang naglagay ng jacket sa balikat ko mula sa likod. Agad akong napalingon sa kanya at nakita ko ang likod ng isang lalaking naglalakad na palayo. Nakasuot siya ng black cap, black jeans, converse at white tshirt. Parang pamilyar ah?

"Wait!" Sigaw ko pero hindi niya 'yon pinansin at tuloy tuloy parin siya sa paglalakad.

Lumiko siya sa isang stall ng nagtitinda ng mga bagpack kaya lumiko ako sa likod ng stall na 'yon para makita ko yung kung sino siya .

Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya nakita ko abg sideview niyang mukha. Halos matisod ako pero agad din naman akong nakarecover ng bigla siyang tumakbo palayo.

"Wait!" Sigaw ko pero hindi siya tumitigil.

"Chelsea!" Narinig ko ang boses nina Hani at Karen kaya napalingon agad ako sa kanila.

"Gosh! Kanina ka pa namin hinahanap!" -Karen

"Ayos ka lang ba? Anong nangyari?" Tanong ni Hani pero hindi ko siya sinagot. Binalik ko ang tingin ko sa direksyon kung saan ko siya nakitang huling tumatakbo.

Napangiti na lang ako. "Umuwi na tayo." Aya ko sa kanila.

Habang pauwi na kami, ikinuwento nila sa aking baclaran pala yung pinuntahan naming lugar. Binilhan na lang din daw nila ako ng damit. At syempre kulay pink na naman.

"Chelsea, si paul may sasabihin daw. " binigay sa akin ni Karen ang cellphone niya at nilapit ko yun sa tenga ko.

"Hello?"

"Chelsea kailangan mong pumunta dito. Ang mama mo." Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ni paul at binalik ko agad iyon kay Karen.

Pumunta agad kami sa hospital at agad naming nakita si Paul sa may pintuan ng ICU.

"Paul!" Sigaw ko at napalingon siya sa amin. Kitang kita ko agad ang pamumugto ng mata niya .

"Paul, anong nangyari?"

"Kailangan na daw ma operahan agad ng mama mo. Wala na tayong oras. "

Napatingin ako sa nanay ni chelsea na nakikita mula sa maliit na salamin sa pinto.

Nakaramdam ako ng lungkot. Bakit ganon? Kung kelan naransan ko ng magkaroon ng magulang kahit sandali lang, kukunin din naman agad sa akin?

Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko at agad ko yung pinunasan. Humarap ako sa kanila.

" Gagawa ako ng paraan. Kahit ano gagawin ko.. kahit ibigay ko pa ang sarili ko. "

---
A/N : Thanks for adding this stories to your reading list !!! . Yung mga taong ito ang dahilan kung bakit ako nag update ngayon.

Update? Pilitin niyo ako.. bwahahaha

The Other Side Of The DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon