PART 153 🎭

60 9 7
                                    

STELL'S POV
"Mahal, huwag kang mag-skip ng lunch, okay? Uuwi ako bago mag-dinner, promise." malambing na sabi ni Pablo. Naka-bihis na siya at handa nang pumasok sa trabaho. Kahit nakaayos na siya at nakahanda nang umalis, ang higpit pa rin ng yakap niya sa akin, parang ayaw pa akong bitiwan.

"Opo, hindi po. I'll send you pictures while eating, para sure." nakangiti kong sagot sa kanya.

Humigpit pa lalo ang yakap niya sa bewang ko, ramdam ko ang pag-aalala sa bawat himas ng kamay niya. Kahit gusto ko pa siyang yakapin ng matagal, alam kong kailangan na niyang umalis. Kanina pa naghihintay ang sundo niya sa baba.

"Mahal, bitaw na. Okay lang ako, promise. Nakakahiya na kay Kuya Mike, kanina pa siya naghihintay." malumanay kong bulong sa kanya.

"Hmm... Uuwi din ako agad after ng mall tour ko. I love you," sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. "Yung gamot at vitamins mo, huwag mong kalimutan inumin ha? Tapos huwag ka na ring mag-ayos dito sa bahay, ako na bahala mamaya. Yung pinagkainan mo sa dishwasher mo nalang ilagay. Magpahinga ka, kumain ka ng marami, ipainit mo na lang sa air fryer o sa microwave yung mga niluto ko na nasa ref, okay?"

"Opo, love. Sige na, I love you." sabi ko habang hinahaplos ang pisngi niya, sabay halik para makakalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

"Ugh! I love you too," sagot niya, halatang ayaw pa rin umalis. "Update mo ako ha? Every seconds, every minute, every hour. Kung may nararamdaman ka, message mo agad ako. Kahit nasa kalagitnaan ako ng performance, uuwi agad ako."

"Super protective naman ng person" natatawa kong sabi. "Opo, don't worry. Sige na, malelate ka na."

Dahan-dahan ko siyang itinulak palabas ng pinto, hinayaan ko siyang umalis kahit ayaw niya pa akong bitawan. Alam kong kailangan niyang pumasok sa trabaho, at hindi ko rin gustong ma-delay ang mall tour niya dahil sa akin.

Nang tuluyan nang umalis si Pablo, napaupo ako sa sofa. Ramdam ko pa rin ang bigat ng pag-aalala niya. Ilang araw din akong na-confine sa ospital dahil sa gastroenteritis. Noong nagising ako sa ospital, nakita kong nasa tabi ko siya, hawak ang kamay ko. Mugto ang mga mata niya, halatang ilang gabi na siyang hindi nakatulog. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging epekto sa kanya nang itago ko ang sakit ko. Akala ko kasi kapag hindi niya nalaman na may iniinda ako, magiging okay lang ang lahat. Pero mas lalo pala siyang nag-alala, at mas matindi ang guilt na naramdaman niya dahil, hindi niya agad napansin na meron akong iniinda.

I had to go to a therapist weekly, para sa trauma ko. Medyo okay na rin naman ako, pero kailangan ko pa ng oras para tuluyan akong mag-heal. Buti na lang at naka-leave ako para makapag-recover nang husto.

Sa mga linggong wala ako sa trabaho, halos si Pablo na ang gumagawa ng lahat dito sa bahay. Hindi niya ako pinapakilos kahit konti. Kahit hindi siya marunong magluto, sinisikap niya pa rin. Halos araw-araw na siyang nanonood ng YouTube para matuto ng mga healthy recipes. Ang cute nga niya, parang naging best friend niya na ang mga cooking tutorials sa internet.

Kapag nasa trabaho siya, madalas kaming mag-chat. Laging humihingi siya ng update sa akin, na parang oras-oras gusto niyang malaman kung okay ako. Pero ayoko namang makaapektohan ang trabaho niya, nang dahil sa akin. At alam kong gusto niya akong bantayan, pero kailangan ko ring ipakita sa kanya na kaya ko namang alagaan ang sarili ko. Gusto ko na ring tuluyang gumaling para mawala na ang guilt niya at makabalik na kami sa normal naming routine.

Habang nakaupo ako at nagmumuni-muni, napangiti ako. Kahit na dumaan kami sa ganitong pagsubok, mas naramdaman ko ang pagmamahal at pag-aalaga ni Pablo. Ramdam ko kung gaano siya ka-sincere sa bawat pag-aalala niya. Siguro nga, parte ito ng proseso ng pag-heal ko.. Hindi lang sa pisikal na sakit, kundi pati na rin sa trauma na pinagdaanan ko. At sa bawat araw na dumadaan, mas lalo kong na-realize na kahit ano pang pagsubok ang dumating, kakayanin namin dahil sa pagmamahal at suporta na binibigay namin sa isa't isa.

 At sa bawat araw na dumadaan, mas lalo kong na-realize na kahit ano pang pagsubok ang dumating, kakayanin namin dahil sa pagmamahal at suporta na binibigay namin sa isa't isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon