Hello guys, it's me. As what I'd said sa huling chapter, eto na 'yung pinakahuli sa unang book ng CH. Iba ito kesa sa nakaraan, ang corny kasi. I edited and rewrite this chapter, at mas humaba pa. Naisip ko kasi na ganto na lang ang gawin kong ending, para may thrill. HAHAHAHA. Pero, maiintindihan niyo kung bakit ganto yung twist na dinagdag ko.
This story was written 3 years ago, and salamat po sa mga nagbabasa. I apologize for anything, for over 5 months of revision at kahihintay... at eto ang kinahantungan. Hehe, Enjoy this last catch! -kyung <3
-------------------x
© something_kyish, 2015-2018 (Edited 11-10-2018)
TRUST. PARA sa akin, iyan ang pinakamalaking bagay na binibigay ng isang tao sa isang taong mapagkakatiwalaan niya, yet ito ang bagay na pinakamahirap na bawiin mula sa isang tao, at sa isang relasyon. Even you lied once, or twice, or many times, pabawas nang pabawas ang capacity ng trust ng isang tao mula sa nagkasala. And that is very hard to get it again. Kahit pa ilang years ang pinagsamahan, basta nasira ang tiwala...maraming bagay ang mawawala.
For the record, bibihira lang akong magsinungaling. Siguro yung kapag mga biruan lang sa school na kasabwat ako. Pinakamabigat na sa lahat ay yung pagsisinungaling ko to my parents, dahil lang sa mababaw na dahilan. Because of patience, mabilis lang iyon maresolba; however, dapat hindi ko na iyon mauulit pa sa kanila para hindi na lumala.
And I love a person who tells the truth.
And on this case, sino ang paniniwalaan ko? The one I hate pero ngayong nagfi-feeling on bended knees? O yung isang I love pero may something na hindi ko ma-keri?
Overthinking man itong ginagawa ko, pero until now, lunch break, yung incident kaninang umaga is still giving me shits and doubts. Are they hiding something from me?
"I feel na nagulat ka mula sa insidente kaninang umaga... let me help you," I looked at Elize. Siya ang kasama ko ngayong lunch. Kina Abby, Lianne, at Vhin sana ako sasama pero ayun daw, may iba daw silang commitments. Meanwhile, Gab is not with me at this time dahil sa activity nila sa scouting. Sa katunayan, sumama pa ako sa kanya sa court kanina para daw sa short meeting, may mga usapan kasi na may seminar sila sa Pagsanjan sa third week of March. Eh di pa daw sure yun. Well, napatunayan naman na meeting yun dahil nandon sina Andrei pati yung ibang mga kaklase ko, pati yung nasa higher year. Nakita ko rin doon si Ma'am Guarana na Scouting Adviser nila... baka na nga.
Now, umaasa ako sa sinabi ni Gab na hahabol siya right after ng meeting nila dito at makikisabay sa amin ni Elize.
"Tanong ko lang Elize, alam mo ba yung sinasabi ni Hanna kanina? Nandon ka hindi ba?"
"Sa totoo lang, hindi eh. May mga naririnig ako about doon... pero panatag ang loob kong hindi gagawin ni Gab yun no?" sagot ni Elize. "Wait nga lang pala... Ally. Yung about kasi sa AI, yung escort thingy na dapat—"
"Dapat si Gab ang e-escort sakin pero may offer sila ng nanay ni Hanna kaya ganun? Ayun ba?" I continued. "Alam ko yun, si Gaboo mismo yung nagsabi sakin."
"Talaga? Kalian lang?"
"Matagal na. Day after AI, kinabukasan. He talked to me," I sighed. "Sa totoo nga lang nag-sorry pa siya sakin ng paulit-ulit dahil doon. Nainis pa nga ako sa kanya nun, naging gold digger yung tingin ko sa kanya eh."
"Pasaway naman kasi siya... basta pera eh... pero hindi ako makapaniwalang magagawa niya yun? Grabe siya."
"Sinabi mo pa! Buti nga siya ang nagsabi sakin nun," I sip my juice. "I appreciate his being straight-forward naman Elize. Buti nalang at nagsabi siya sakin, and I forgive him naman. Hindi ko na lang siyang ginawang big deal."
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Novela JuvenilSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...