JANINE's POV
"Halika dito, sumabay kana. Bilis." -Janine " Halika na!" .. Habang tinatawag ko si Jose. Nakatingin lang sya sakin. Walang imik. Halatang nagulat sya. Bumaba ako sa tricycle na sinasakyan ko. Sinabayan ko nalang si Jose maglakad since ayaw nyang sumakay sa tricycle.
"Hoy bakit hindi ka sumasabay sakin? Sabi ko sumabay ka ah! Nakita mo ba ako sa tricycle kanina? Tinatawag kita! Meaning nun, sumabay ka! Same school naman tayo e. Alam mo, lagi kitang napapansin dun e. Lagi kitang nakikita pag lunch time, pag dissmisal. Ako napapansin mo ba ako? Oo nga pala. JANINE. I am Janine." Tahimik pa din sya. Ako salita pa din ng salita. Hay! Ano ba naman to..
"Alam mo parang may connection tayo? Bakit hindi pa tayo palaging magsama? Alam mo kasi parang nakikita ko na magiging TAYO in the future e. As in ganto ah, kukwentuhan kita." Umakbay ako sa kanya. Napakamot lang sya sa ulo. "Ako gusto ko sa relationship yung walang iyakan, di masyado sweet, gusto ko yung parang ganto lang, magkaibigan lang tayo. tsaka parang gusto kitang makasama palagi. As in palagi. Pero ayoko sa loob ng school, gusto ko sa labas lang. Tpos gusto ko mag karoon ako ng limang anak, pwedeng 3 babae, 2 lalaki. Or basta kahit ano. Pero gusto ko, pagkatapos na yun ng kasal, kasi importante sakin yung kasal."- Janine... Nahihilo na ata si Jose sakin kasi ang dami kong kwento. Napahawak na siya sa ulo nya. Tahimik lang sya.
"Hoy! Nakikinig ka ba sakin? Di ka ba marunong magreact? Alam mo ba salita ako ng salita dito. (Habang si Jose nagkikilos parin ng parang nabibingi na sya or what) ...o ano yang ginagawa mo? (Binatukan ko si Jose. Ano siya pipe para magSign language.)
"Aray! Ano na naman?" - Jose... Sa wakas nagsalita na din sya. :)
"Nagsasalita ka naman diba? Ang ingay-ingay mo nga sa school diba? Tara na nga! Maghanap tayo ng tambayan." - Janine... Hinila ko na si Jose. Siya nagtataka pa din. Hay Ewan!
--
Si Janine yung tipo ng tao na masasabi mo talagang kakaiba. Saan ka ba naman makakakita na ang babae ang unang magpapakilala. Ito namang si Jose, sumama agad. Aba, kita mo nga naman. Dinala ni Janine si Jose sa isang lugar na malayo sa sibilisasyon.
--
"Alam mo pag malugkot ako dito ako dumideretso. Pero mas masaya ngayon kasi may kasama na ako. " - Janine.
--
Pagkatapos sa eskwelahan, lagi na silang nagsasama. Hindi mo nga maintindihan si Jose, na kahit hindi nya naiintindihan si Janine, sunod lang siya ng sunod. Dahan-dahang nagiging komportable sila sa isat-isa.
Para bang nahawa na din si Jose sa kaibahan ni Janine. Kasama na siya sa pagliban sa klase. Teka, teka, teka! Wag nyong gagawin to ha? 3:)
Ramdam na nila ang kasiyahan twing magkasama sila. Ang dating hindi nagkakaintindihan ay nagkakasundo na.