III.

18 0 0
                                    

Pagpasok ko ng room. May sumalubong sakin at nag abot ng bouquet. Wow. Favorite ko tong bulaklak na to. Ang ganda. Napangiti ako. Tinignan ko ang nakasulat sa card. 

Jill my love, 

Sana magustuhan mo. Alam kong favorite flower mo yan. :") Goodmorning. 

Cloud.

Nawala ngiti ko sa mukha nang makita ko kung kanino galing yung mga bulaklak. Sayang naman. Hmm. Nakita ko si Mara papasok palang ng room namin. Sinalubong ko siya..

"Mara! Para daw sayo oh." Sabi ko. 

"Kanino galing? Kay patrick ba? Wala akong panah--" Naputol ang pagsasalita niya at..

"No, galing kay Cloud. Peace Offering niya siguro. Yiie." 

Nakita ko ang saya sa kanyang mga mata. Alam kong tuwang tuwa ito. Sakto naman at dadaan sa room namin si Cloud. Dahil sa kabila lang  ng room namin yung room nila. 

"Goodmorning. Nagustuhan mo ba?" Nakangiti ito. Ang presko talaga!! Sakin siya nakatingin pero si Mara yung sumagot.

"Yeah, nagustuhan ko. Cloud, thank you dito ha. Ang ganda. I love it. <3" Sabat ni Mara.

Nanlaki mata ni Cloud sakin. Nagulat siya at binigyan ako ng bakit-mo-binigay-sa-kanya look. Ngumit ako ng nakakalokong ngiti. Nakita kong bumuntong hininga siya at nagsalita uli.

"U-ur welcome. Hey, may pupuntahan ka ba mamayang lunch time?" Pag iiba nya ng topic. Sakin padin siya nakatingin. Pero si Mara nanaman ang sumagot.

"Wala naman Cloud, bakit? Yayayain mo ba ko?" Nagbeautiful eyes pa ang gaga. Yuck! Natatawa ako. Napapasubo si Cloud sa kalokohan niya. Hahaha.

"Ye-yeah? Kung isasama mo si Jill." Tumingin naman silang dalawa sakin.

"Ha? Ah eh. Hind-" Naputol kong sabi dahil sumabat nanaman si Mara.

"Oo naman no. Sasama yan si Jill. Diba, friend?" Pinandilatan ako ng mata ni Mara. At napaOO ako. Tumingin ako kay Cloud. Aba? Ngiting tagumpay ang loko. Tss. Nabawian niya ako don a!

"Okay, see you later girls." Kinindatan niya ako at nagsimula na syang maglakad. 

"Nakita mo yon Jill? Kinindatan niya pa ko. Tapos niyayaya pa niya ko maglunch. Magkakabalikan ata kami ah. Siguro tinamaan siya sakin talaga." Kinikilig na sabi ni Mara.

"Hehe. Go-good for you.." Kahit papano, nakkonsensya padin ako. Kasi alam ko namang hindi si Mara talaga yung pakay ni Cloud. Hay nako Jill! Andami mo ng dinadamay sa kalokohan mo! BAD! 

Ilang oras pa ang lumipas at TING! Lunch na. Nagmamadali si Mara lumabas.. 

"Pwede ba Mara? Maghihintay naman yon. Kalma. Wag masyado magmadali." Irita kong pagkakasabi.

"Baka kasi magbago isip niya e. Tara na Jill. Please. Tara na?" Pagpupumilit nito. 

Tumakbo kami palabas at pinuntahan si Cloud. Wala pa ito. Lalo akong nainis. Minadali niya ko tapos wala pa pala dito. Ang init init e. Hanggang sa maya maya may humintong sasakyan sa harap namin. Aba, si mayabang na Cloud nga. Kasama ang kaibigan nito. Classmate ko dati, si BJ.

"Hi Cloud!" Malanding bati ni Mara.

"Hi Jill! Kanina pa ba kayo? Sorry ha." Inirapan ko siya at sumakay na kami ng sasakyan niya. Ang daldal ni Mara sa sasakyan. Naglalandian sila ni Titus. Ang sakit nila sa mata. Haha. Hanggang sa nasa restaurant na kami. Buti nalang at pinansin na ako nitong classmate ko dati. Dahil sobrang OP ako kay Mara at Cloud.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni BJ sakin.

"Oo naman. Hehe. Buti nakakatagal ka sa ugali ng kaibigan mong Bagyo no?" 

"Mabait naman yun. Babaero lang talaga. Pagpasensyahan mo na."

---

Cloud POV

Nakakairita naman tong si Mara. Panira ng diskarte. Isa pa tong si BJ. Sabi ko sakanya, aliwin si Mara. Hindi si Jill. Nakakainis! Nagtatawanan sila ngayon. Parang ang saya saya nila. Sira yung plano ko ah! Tsk. 

"Hon, huy!" Pang gugulat ni Mara sakin. Napansin ata nito na tulala ako at hindi nakikinig sa kanya. Para siyang linta! Nakakaturn off talaga yung mga babaeng parang linta.

"Ha? Sorry." Sabi ko. Aba. Di matinag tong si Jill at BJ ah. Dumating na yung inorder namin at kumain na kami. Sinusubuan pa ako ni Mara. Kainis. Di na ko bata. Ano ba. Natapos na kami kumain at lahat di ko pa nasosolo si Jill. Nagpaalam itong magc-CR. Okay. Pati ako nag Cr din. Para sundan si Jill. Binigyan ko ng ikaw-na-bahala-kay-Mara look si BJ. Alam niya na yun.

"Finally! Hi Jill." 

"Ginagawa mo dito? Umalis ka nga diyan. Ang sakit sa mata ng pagmumukha mo. Tabi dyan." Hinaharangan ko lahat ng daanan ni Jill.

"Oh? Masyado ka na bang nasisilaw sa kapogian ko? Sorry.." pang aasar ko sa kanya. Alam ko, maiinis nanaman to.

"Grabe. Ang hangin talaga dito no? Grabe!"

May nagsipag datingan na mga chicks. Nakaharang kami dito sa tapat ng pinto ng cr ng girls e. Napatingin naman ako sa mga girls at nag-hi sa kanila. Kinilig sila. Hinihingi nila number ko.. Ibibigay ko palang sana nang..

"Sis. Nagpapanggap ka nnaman dyan porket andiyan sila Daddy ha. Eto na yung two piece na susuotin mo sa swimming nyo mamaya ng boyfriend mo. Tara na, naghihintay na boylet mo sa labas oh." Ngumiti ng malapad si Jill. Shit? Ginawa niya kong bakla sa harap ng maraming chicks? Fuck.

"Ay bakla? Sayang naman. Ang pogi pa naman niya oh." -Girl 1.

"Baka pogi din yung boylet niya ano? Hahaha." Girl2.

Grabe. Napahiya ako don ah. Sumosobra na talaga tong babaeng to sakin. Ang lakas niyang makapahiya. Kakaiba talaga tong babaeng to. Badtrip. Wala tuloy akong chicks ngayon. Bumalik na kami sa table namin. 

"Ang tagal nyo naman. Namiss ko tong si Hon e." Sabi ni Mara. Tumayo na si Jill at..

"I have to go na. May class pa ko e. Di ka pa ba sasabay Mara? Lets go na." Nakasmile padin ito ng nakakaloko. Tumango lang ako sa kanila. At umalis na nga sila.

"Ano nangyare pre?" Tanong ni BJ.

"Kakaiba talaga yung babaeng yon. Grabe pre." Nakakunot padin noo ko. At knwento ko nga sa kanya yung ginawa ni Jill sakin sa CR kanina. Tumawa ng walang humpay si BJ. 

"Hahahahah! Talaga pre? Nakahanap ka na ata talaga ng katapat mo ha." Tumatawa padin ito. Kainis. 

"No. Hindi pa siya. Hindi pa siya katapat ko. Humanda siya." 

"Pakita mo naman kasing sincere ka sa panliligaw sa kanya.."

"Alam mong hindi ako marunong manligaw, BJ. Saka gaganti lang ako sa kanya kaya ko ginagawa to. Wala akong balak seryosohin yung panliligaw ko. So bakit kailangan kong mag effort?"

"Para magmukhang katotohanan yung panliligaw mo? Paano maniniwala yon kung kasama mo siya tapos lumalandi ka kung kani-kaninong babae. Teka nga, ano ba kasing mapapala mo sa ginagawa mong yan sa kanya?"

"Gusto kong kainin niya yung sinabi niyang hindi siya magkakagusto sakin. Andaming bses na niya kong pinapahiya. It's my turn now." 

"Kaya din laging nababadtrip sayo yun e. Nagyayabang ka padin sakanya. Alam mo namang ayaw niya sa ganun. Pero grabe talaga siya pre ha. HAHAHAHAHA!" 

Palabas na kami ni BJ ng restaurant ng makita ko uli yung mga chicks kanina sa CR.

"Ayy. Totoo pala no? Gay nga siya. Look oh. Kasama niya boyfiee nya." Girl 1.

Narinig ni BJ yung sinabi ng mga babae. Kaya inakbayan niya naman ako at umarteng mag jowa nga kami. Kadiri. Tinanggal din naman agad niya yung pagkaka-akbay niya. 

Inseparable.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon