Off-limits 3 (Last)

964 51 17
                                    

                                                         Off-limits 3 (Last)

 

"I love you."

Pinilit kong kumawala sa yakap niya. Ngunit hindi ako nagtagumpay na tuluyang makaalis. Masyadong mahigpit ang yakap nito. Nagkaroon lang nang kaunting pagitan saming dalawa.

Pinagsusuntok ko ang dibdib nito na tinanggap lang nito. Pinagsusuntok at hampas ko lang siya habang pinipilit siya.

Mahal ko siya. Mahal na mahal.

Pero hindi pwede. Hindi pa pwede.

"BAWIIN MO YUN!"

"BAWIIN MO YUN JULIAN!"

"Ayoko." matatag na sagot nito.

"JULIAN BAWIIN MO SABI E!"

Hinuli nito ang dalawang kamay ko.

"Aiko."

"Julian. Please. Bawiin mo yun."

Tears escape from my eyes. They run as fast as they could in my cheeks.

"Wala akong babawiin Aiko. Mahal kita. Anong kailangang bawiin dun?"

"Lahat. Lahat-lahat." Napayuko ako at hiyaang maglaglagan ang mga luha mula sa mga mata ko.

Syet! Ang sakit lang!

Ang sakit sakit lang talaga lalo na pag andun ka na sa moment of truth. Kase yun wala nang what if's, lahat totoo na. Ang kailangan mo nalang gawin. Tanggapin at magtiis sa sakit.

Natahimik ito. Ngunit nagsalita rin pagkatapos ng ilang sandali.

"Why...why would I?"

Nag angat ako ng paningin. I gathered all my strength to look at his eyes. His eyes full of pain.

"Because it's the right thing to do. Wala kang maasahan saken. Hindi ako pwede. Sa...sa iba nalang. Sa iba ka nalang Julian."

Off-limitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon