[Prologue]

59 2 0
                                    

-_-

__________

Mayaman kami. Lahat kayang kaya naming bilhin. Ganon kami ka-yaman at kasagana... noon

Nang bumalik si Papa. 

Galit na galit ako nung mga panahon na yun, natatandaan ko pa lahat ng detalye kung pano kami iniwan at pinagpalit ni Papa sa kabit nya. Sa loob ng 11 na taon, ni' ha ni' ho wala kaming narinig at wala kaming natanggap na kahit kaka-onting pera man lang para sa pagtustos sa pag aaral ko. Di ko maiwasang di isipin na kaya sya bumalik dahil nalaman nyang mayaman na kami. 

Mahal na mahal pa ni Mama si Papa. Kaya walang kahirap hirap na napaikot nanaman nito si Mama. Napaka walang hiya at walang kwentang ama nya para sakin! Nakuha pa nyang tumira sa bahay namin ni Mama, eto naman si Mama, ayun pinatira ang walang hiya. Nakakainis na nakakadugo na ng utak ang sobrang panggagalaiti ko sa galit. Ganon lang ba kadali yon? Ni' hindi man lang nag isip si Mama kung ano ang pwedeng mangyari kung sakaling nanatili pa dito ang amain ko.

Dakilang sugarol ang ama ko. Bata palang ako, alam ko na 'yon. Lahat ng hinihingi ni Papa, sya namang bigay ni Mama. Dahil sa sobrang pagmamahal nya, mauubos ang pera na pinaghirapan ni Mama sa isang iglap lang! Naiisip ko na yan dati pa. Pero di naniwala si Mama.

Ayun umuwing lasing ang tatay ko. Nanghihingi ng pera. Naghanap ng pera si Mama. Nag withdraw, pero nakita nyang kakaonti nalang ang pera na nakalagay doon. Hindi nya namalayang naghihirap na kami. Anong klaseng ama ba ang meron ako? Mukang pera! Hanggang sa yun nga, balik nanaman kami sa basic, mahirap at baon nanaman kami. Hindi ako nakatiis dahil ang Papa ko nakahilata lang at lasing. Hindi man lang magawang kumayod! Sya na nga tong namerwisyo, sya pa tong may ganang magpakasarap sa buhay, king amang yan. Ako ang naghanap ng paraan, lahat ng pwedeng trabaho inapplyan ko. Kayod 'don, kayod dito.

Pero akalain mo ba naman. Natanggap ako sa isang sikat na kompanya. Which is akala ko okay na dahil mataas naman ang sahod. Until na nalaman kong, yung kompanya na pinagtatrabahuhan ko is yung kompanya na pinagkakautangan ng malaking halaga ni Papa. Nakakawala na dangal sa totoo lang. Umabot ng halos lagpas ng 5 million ang utang. Paano ko mababayaran yun?

Ngayon , ako ang sinisingil ng may-ari ng kompanya. Bawat sahod, sya namang bawas sa utang ko. In short, hindi ako nakakatanggap ni katiting na pera sa kamay ko nang dahil sa utang na 'yon. Nang makilala ko ang anak ng may-ari ng kompanya. At first, gwapong-gwapo ako sakanya. Type na type ko sya. Pero ng dahil lang sa hindi ko natapos ang pinagagawa nya, sinigawan nya ko at pinahiya. Napakasungit nya! Ang akala ko pa naman mabait sya.

Hanggang nung isang araw may inooffer sya sakin. Alam nya na ako yung may utang na malaki sa kanila. Kung kakagatin ko yung inoffer nya, in just one snap, mawawala na ang utang namin. Hindi ako nagdalawang isip na pumayag pero ng sabihin nya ang consequence, dun ay parang gusto ko ng umatras.

"Deal with me or I will make your family suffer?" He smirks. I wiped my tears and I looked him with very much anger."Okay. I'll do it. Just don't tell them all about this. You jerk." I shouted in tears.

Asshole right? How dare he? Kaya walang akong nagawa kundi ang umoo nalang. I don't want my family suffer again. 





____________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dealing with the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon