Jill's POV
Ilang araw ganun ang set up namin. Magllunch sabay sabay. Kaming apat nila Mara, BJ at Cloud. Masaya naman silang kasama. Pero mas masayang makipagsiraan ng araw kay Cloud. Lagi siyang nababara sakin e. Nasa cafeteria kami ngayon ni Mara, iniwan niya ko saglit dahil may aasikasuhin siya e. Hanggang sa dumating nanaman tong si Cloud. Siya lang mag-isa.
"Hi babe!" Bati nya. Di ko siya pinapansin. Wala ako sa mood makipag asaran sa kanya ngayon kasi e. :))
"Babe, hukay ka ba?" Tanong niya sakin..
"O bakit?" Walang gana kong sagot.
"Gusto ko kasing mahulog ng todo sayo. :">" Para siyang tanga. Kinikilig siya sa sarili niyang banat.
"Korni mo. O, Cloud, hukay ka ba?" Pagbabalik ko ng tanong nya sakanya.
"Bakit?" Pagtataka niya. Pero excited siyang marinig yung isasagot ko.
"Gusto kasi kitang tabunan ng lupa e." At natawa naman ako sa itsura ng mukha niya ng ibanat ko yon. Biglang dumating si BJ at Mara.
"Kanina pa kayo dito?" Tanong ni BJ.
"Hindi naman." Tipid na sagot ni Cloud. Babanat ka pa ha. Ayan, tameme ka tuloy.
"Oh, bakit naman malungkot yang Hon ko?" Hinawakan ni Mara si Titus sa mukha. Sweet-sweetan nanaman ang mga gaga. Lalandi!
"Nasa hell na ba tayo?" Out of nowhere na tanong ni Cloud. Napatingin kaming tatlo sa kanya at nagtataka kami sa tanong niya.
"Bakit naman, Hon?" Tanong ni Mara.
"Mukhang demon kasi yang katabi mo e. Este DEMONYO kasi yang katabi mo e." Ako lang naman katabi ni Mara. Duhh? Aba. Gumaganti tong Kumag na to a. Nagtawanan sila.
"Demonyo ka pala friend e." Pang aasar pa ni Mara. Natututo ng gumanti tong si Cloud a!
"Oo naman. Demonyo ako. Kaya humanda kana. Dahil gagawin kong MAS IMPYERNO buhay mo pag di ka pa tumigil." Nagtawanan nanaman sila. Nakabawi ako don! Haha. Pero ngumiti lang si Cloud at tumayo. Naglalakad na ito ng palayo samin. Hala? Napikon ata. Lumingon ulit ito.
"Jill. Simbahan ka ba?" Sigaw ni Cloud. Nako eto nanaman kami. Nasamin nanaman ang atensyon ng lahat. Nakakahiya. Di ako sumagot.. Baka ipahiya din ako neto e.
"Gusto ko kasi lumuhod. Para makuha ko na ang matamis mong OO." Nanlaki mata ko. Napatingin si Mara sakin. Ang init ng mukha ko. Naku, nagbblush ata ako ah.
"Yiie. Maloko talaga tong si Cloud no." Pag iiba ni Mara. Alam ko, kahit siya, nagulat. Nahihiya ako.
---
Lahat ng makakasalubong ko, inaasar ako. Loko talaga yung Cloud na yun. At ayun, buti nalang di padin kami nagkikita. Baka mapatay ko siya. Habang naglalakad.. dahil sa lutang ako. May nakabungguan ako. Natulala ako ng makita kung sino.
Si zack. </3 Ang dahilan kung bakit ako galit talaga sa mga lalaking manloloko. Ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Bakit nagkita nanaman kami? Diba, handa na ko dito? Anong nangyayari sakin? Para akong nakakita ng multo. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanya.
"Hey. Jill. Sorry. Hehe." Ngumiti ito. Yang mga ngiti nyang ako ang dahilan. Parang nagflashback lahat ng nangyari sakin a. Ang tagal din bago ako nakasagot.
"Oh hi. :> Di-dito ka na pala uli nag-aaral? Nice." Nauutal ako. Shit. Ano ba naman tong nararamdaman ko.
"Ah. No. Di ako nag-aaral dito." Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman.
"O, anong ginaga-gawa mo dito?"
"Yung girlfriend ko kasi. May laban ng volleyball ngayon dito." </3 Durog ako sa sinabi nyang yon a. May girlfriend na talaga siya.
"A-ahh. A-ang su-supportive mo namang boyfriend. :)" Never niyang ginawa sakin yan. Twing napapalaban ako sa ibang school, ni hindi nya ko sinasamahan. :(
"Syempre naman. Proud e. Hehe. Ang sweet ng suitor mo kanina ha." Pag-iiba nya ng topic. Napansin nya siguro na nadudurog ako sa mga sinasabi nya. Maluha luha na ko. Konti nalang iiyak nako.
"Ha? Suitor?" Pagtataka ko. Don't tell me, andun siya nung bumanat si Cloud? Nakakahiya. :O Biglang may umakbay sakin..
"Hi babe. :) Kanina pa kita hinahanap, Oh hi. I'm Cloud, Jill's boyfriend." Lutang ako. Di ako makapagsalita. Nabblanko utak ko. Nakangiti padin si Cloud. Anong ginagawa niya dito. Pero salamat padin andito siya. Kung hindi, iiyak nanaman ako.
"Oh hi. Zack pare." Nakikipagkamay naman si Zack. Pero hindi nakipagkamay si Cloud.
"Oh. I have to go. Hinihintay na ko ng girlfriend ko e.. Its nice to see you again, Jilleel." At umalis na ito. Hinila ako ni Cloud papuntang parking lot. Pumasok kami sa car niya. At niyakap niya ko.. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hagulgol. Iyak ng iyak. Wala akong narinig kay Cloud. Hindi nya ako inaasar. Inabot niya sakin ang panyo niya at hinawak hawakan yung ulo ko.
"O, tapos ka na umiyak? Okay ka naba?" Tanong sakin ni Cloud . Iba yung aura nito ngayon. Parang ang bait bait. Tumango lang ako.
"Uwi na muna ako Cloud. Gusto ko magpahinga.." Mahina kong sabi. At hinatid na nga niya ako samin. Tinuro ko sa kanya ang daan.
--
Sa bahay.
"Salamat ha?" nakangiti na ako.
"Utang yon Babe! Hahaha!" Nang-aasar nanaman ang loko.
"Tse. Sige na, uwi kana. Ingat ka ha."
Pumasok na ko agad sa kwarto ko. Humiga ako agad. Iniisip ko padin si Zack. Grabe. Andito padin yung sakit. Di padin nawawala. </3 Kala ko, nakapag move on nako. Nag eemo emo pa ko. Nang biglang tumunog cellphone ko. Unregistered number. Sino naman kaya to?
"Hello? Who's this?"
"Magpahinga ka na Jill. Wag mo na isipin yon. Okay? Kung gusto mong makalimot kahit saglit, andito lang ako. Aaliwin kita. Hehe."
"Cloud? Hey. San mo nakuha number ko?"
"Secret. Hahahaha. Sige na sunget. Pahinga kana. Okay?"
"Thank you talaga ha! Bye.."
Grabe. Nakakakonsensya mga pangpapahiya ko kay Cloud. Akalain mo yon? Siya pa pala yung tutulong sakin, siya pa pala yung dadamay sakin sa oras ng kalungkutan ko. Sige na nga, hindi ko na siya aawayin bukas. ;) Makikipagkaibigan na ko ng maayos sa kaniya. :)
BINABASA MO ANG
Inseparable.
RomansaBakit ganun ang tao? Malalaman lang yung halaga ng isang tao sa kanya pag nawala na ito. Bakit hinintay pa niyang mawala yung taong yon bago niya malaman na mahalaga pala ito sa kanya? Gaano ba talaga kahirap mag pahalaga ng taong MAHALAGA SAYO? Ika...