CHAPTER EIGHT: DARLENE's POINT OF VIEW ★
Medyo napahimbing ang tulog ko magdamag, naalala ko lang na may pasok si Beya kaya kahit gusto ko pang matulog ay bumangon na ako.
Habang nag-aayos ako ng higaan ay napatingin ako sa higaan ni Miguel, wala na siya at maayos na ang tulugan niya. Ang aga niya yatang gumising ngayon.
Alas singko na, naghilamos lang ako at bababa na, medyo kumakalam na ang sikmura ko, naghahanap na ng kape.
Nasa hagdan pa lang ako ay naririnig ko na si Beya sa kusina, ang aga niya ring nagising ngayon.
"Hindi na po ako inaantok e. Thank you po Papa, I love you po Papa." Narinig kong sabi niya, dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan, curious ako sa mga pinag-uusapan nila kapag wala ako.
"I love you anak. Ubusin mo 'yan ha, magluluto lang ako ng soup para hindi tuyong-tuyo ang kakainin mo."
Talagang nagpapaka-tatay siya, siguro kung ibang tao ang nakuha namin, baka pahiga-higa lang 'yon dahil pero lang ang gusto. Medyo curious na rin ako sa totoong pagkatao ni Miguel, aminado naman akong napasobra ako kagabi, napapaisip na rin ako ngayon dahil may mga kakaiba akong naramdaman sa katawan ko.
"Papa?"
"Yes anak?"
Nakasilip lang ako sa kusina. "Mahal po ba ako ni Mama? Ano po'ng sinasabi niya sa inyo tungkol sa akin?"
Napalunok ako, hindi ko akalaing maririnig ko 'yon ngayon sa anak ko, hindi na talaga bata si Beya.
"Mahal ka niya, mahal ka namin. Kapag malaki ka na, maiintindihan mo rin ang Mama D mo. Mahal na mahal ka niya, 'yon ang palagi mong iisipin."
Napangiti ako habang tumutulo ang luha.
"Malaki na po ako Papa, birthday ko na po sa isang araw–" Oo nga pala, birthday na niya– pero hindi ko alam kung ano ang gusto niya. "Pero hindi ko pa rin po siya maintindihan. Kayo Papa, mahal ni'yo po ba si Mama kahit palagi siyang galit sa inyo?"
Nagpunas ako ng luha at napakunot noo. "Papa?" Sambit ni Beya dahil ang tagal ni Miguel sumagot.
Naglakad ako palapit sa kanila.
"H-Ha? O-Oo..." Napasinghap ako, "Kahit hindi 'yong ngumingiti, kahit palagi 'yong sumisigaw, kahit palaging mainit ang ulo at halos hindi mo na makausap ng maayos, mahal ko 'yon. Mahal ko ang Mama Darlene mo." Lumingon siya kay Beya, nakangiti pero nagulat siya nang makita akong nakatayo sa likuran ni Beya.
"D-Darlene.. k-kanina ka pa ba d'yan?" Nauutal niyang tanong
Tumango ako, "Good morning." Bati ko, napalunok siya.
"G-Good m-morning." Hindi siya makatingin sa akin ng deretso, "M-Maupo ka na, ipagtitimpla kita ng kape, pakukuluin ko lang 'to."
"Tapusin mo na 'yan, ako na lang ang magtitimpla ng kape ko." Sabi ko at tumingin kay Beya, "Good morning baby."
"G-Good morning po Mama D." Mahina niyang sambit at tila naiilang pang tumingin sa akin.
"Kakain na ba tayo?" Tanong ko
"Kung nagugutom ka na, maghahain na ako. Dadalhan ko na lang si Yaya Belen mamaya, natutulog pa siya e." Sabi ni Miguel at nag-umpisa ng maghain.
"Tutulungan na kita." Sabi ko
"Hindi na, ako na." Nakangiti niyang sagot
Inilagay niya lahat sa mesa ang mga niluto niyang ulam, nilagyan niya na rin ng kanin ang plato ni Beya, nilagyan niya rin ng itlog at soup.
YOU ARE READING
I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART
Любовные романы"Sa mundong magulo at walang sigurado, makakahanap rin tayo ng taong pipili sa atin kahit sa mata ng iba ay hindi tayo kapili-pili." Sobrang suwerte ni Darlene sa kanyang matalik na kaibigan na si Tonette, tinutulungan siya nitong mag-alaga sa anak...