1

9 1 0
                                    


"Teh pasensya ka na kay kuya Anthon ah? Hindi naman 'yon masungit, baka naiihi lang kaya iniwan na tayo agad." Mark explained.

I nod again and also introduced myself. May oras din 'yang kapatid mo, kung makaiwan ay akala mo mukha akong unggoy na sasakmalin ang kamay niya. Antipatiko.

"I'm Patricia Lionelle." I smiled a bit, hindi ipinapahalata ang inis.

"A-Ano teh? Linel?" kumamot siya sa ulo.

Kaunti pa ay iisipin kong may kuto 'to.

"It's Lionelle. Le-yo-nel." I laughed at him.

Ang cute ng batang ito.

"Oh sige, ate Lionelle." he smiled.

"Uwi na 'ko, teh. Diyan pala 'yong bahay namin," itinuro niya ang malaking bahay na may pinturang puti.

Tumango ako at pumasok na sa bahay para magprepare na for dinner. Ang bwisit na lalaki 'yon! Hindi ako immature para mainis sa kaniya pero ang bastos niya kanina. Hindi ko naman siya type para umasta siya nang gano'n, ipinapakilala lang siya ng kapatid niya.

I just put everything on the dining table at hindi nagtagal ay dumating na rin sina Mama at Papa. When Papa saw me, he immediately come to me for a hug and say, "sorry, 'nak."

"I understand, Pa. Besides, Mama's hurting because of Lola. Kailangan talaga nating lumayo." I comforted him sa halip na ako.

Umiiyak na siya, e.

"The adobo and tinola's from kapitbahay," aniko nang makita si Mama na itinuturo iyong dalawang ulam.

"Kila Hilda, 'nak?" she asked.

"I don't know," nagkibit balikat ako.

"Two guys ang naghatid niyan dito, alam daw kasi ng mama nila na ngayon ka umuwi. Iyong isa ay Mark, iyong isa naman is Anthon." I added.

Anthon, what a basic and boring name.

"Si Hilda nga, mga anak niya 'yan." she smiled at me before joining us.

"Mabuti at may nakilala ka na agad, 'nak." Papa said.

Lumingon ako sa kaniya at nagrolyo ng mata, "mabait 'yong isa, antipatiko 'yong isa."

Pareho silang tumawa at nagtinginan.

What's with these two? Porque nakaalis sila kay Lola ay kinikili-kilig na naman sa isa't isa. Parang teens lang ulit.

Kinaumagahan ay umalis si Papa for work at si Mama naman ay sumama sa kaniya para magpaschool at aasikasuhin ang pagtransfer ko.

"What will I do here?" I asked myself after cleaning the entire house.

Ang boring pero ang alam ko ay may batis malapit dito, nakuwento ni Mama kagabi. I just don't know exactly where. Maganda sana maligo.

I just decided to take a bath dahil ang lagkit ko na. I wore a floral off-shoulder dress. I took a mirror shot and uploaded some of it on my Instagram. I smiled when I saw Riza's comment.

rizazarel: hoy mas nakakapaputi pala lalo diyan sa el salvador girl????? samaa

I just react heart on her comment. They always compliment my skin. Parang gatas daw, kaunting kamot ay namumula na agad.

After browsing, I went outside to roam around our house. I saw Mark outside their house too, nagsasampay ng mga damit.

He waved his hands. "Good morning ate, Pat!" bati niya, pasigaw na naman.

"Good morning, Mark." I greeted back pero hindi ko alam kung narinig niya o hindi.

"Mag-isa ka lang, ate Pat?" he asked me.

FallingWhere stories live. Discover now