Ezekiel Bradford's POV
Naglalakad ako kasama ang mga kabarkada ko ng may sumigaw mula sa likod namin at napalingon kami.
"Hoy, anong ginagawa niyo dito?." tanong ng unggoy na lalaking 'to sa akin at itinulak ako.
Itinulak ko din siya "Tanga ka ba, nasa mall tayo, natural nagma-mall alangan namang tumatae." sarkastik na sagot ko sa kanya.
Hinatak niya ang kwelyo ko, at inilapit sa mukha niya ang mukha ko. "Huwag mo akong pipilosopohin, baka nakakalimutan mo may atraso pa kayong lima sa akin." ang baho ng hininga.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal ang pagkakahawak sa kwelyo ko. "Sa susunod na magsalita ka sa mukha ko, siguraduhin mong nagtoothbrush ka. Ang baho ng hininga mo." nagtawanan kaming lima at tinalikuran sila.
Hinatak niya ako at sinapak sa mukha. Hinawakan ako ni Clyde at itinayo. Hinatak ko yung unggoy na 'to at sinapak ng dalawang beses. Nagsimula na ang rambol kasama silang lima nang may pumito na guard. Nagsitakbuhan kami palabas, ako yung nahuli nang malapit na akong makalabas ay nabangga ko ang isang babae. Hindi ko na siya binalikan, bahala siya diyan, hindi kasi tumitingin sa dinadaanan.
Nang makarating kami sa isang eskinita, nagpahinga muna kami.
"Langya, yung mga yun hah!. Humanda sila pagnagkita kami." sabi ni Aidan, ang pinakababaero sa aming lima at siya din ang pinakabata.
"Dumugo pa yung labi ko, pagbabayaran talaga nila 'to." at pinunasan ni Sly o mas kilala sa palayaw na S ang dumugo niyang labi. Siya ang pinakamatanda sa amin pero medyo isip bata.
"Langya ka, Kiel, dapat di mo na pinatulan, nasa loob pa tayo ng mall." siya naman si Trace ang pinsan kong pinakamabait at matured kaya lang pagkasama kami, lumalabas ang masamang ugali.
"Ayos, ka lang ba." tanong nang half brother ko, si Clyde, close kami at mas matanda siya sa akin.
Tumango lang ako at kinapa ang bulsa ko. "Langya yung cellphone ko." kinapa kapa ko yung iba kong bulsa pero wala talaga.
"Tawagan mo, dali." ibinato ni S yung cellphone niya sa akin.
Agad kong idenial yung no. ko at nagring. Humanda talaga sakin 'tong magnanakaw na 'to.
Nang sagutin niya ay sumigaw agad ako. "Hoy, magnanakaw ka ibalik mo yong cellphone ko."
"Hoy kadin, sinong tinatawag mong magnanakaw at sino ka ba.?" bakit boses babae?.
"Ikaw! at hindi ako nakikipagkilala sa magnanakaw. Ibalik mo na yong cellphone ko." sigaw ko ulit sa kanya.
"Ang kapal ng mukha mong tawagin akong magnanakaw. Meron akong sariling cellphone at hindi ko kaylangang magnakaw." ang tapang ng babaeng 'to ha.
"Bakit may manipis bang mukha?. Kung hindi ka magnanakaw bakit nasa sayo ang cellphone ko."
"Oo, yung mukha ko. Sandali nga muna may titingnan ako."
"Tanga ka ba, eh di kapag sinampal yang mukha mo mabilis lang mabutas." sinigawan ko siya ulit pero hindi na siya sumagot.
"Hoy, bakit hindi ka nagsasalita hoy." paulit-ulit kong sigaw sa kanya.
"Hindi ka ba makaintindi ng sandali. Ikaw ba yong nakabangga sa akin kanina sa mall" ah siya yung babae kanina. Baka sinadya niya akong banggain para manakaw yung cellphone ko.