Clyde Bradford's POV
"Hoy anong ginagawa mo." sigaw ng isang babae. Nasa school ako ngayon, yung apat nandun sa vacant room,hindi kasi kami pumapasok sa klase, nakakatamad kaya. Pumunta ako dito sa likod ng building para magyosi at gusto ko ng tahimik kaya lang nakita ako ng babaeng 'to.
"Naninigarilyo." walang gana kong sagot sa kanya. Sino ba 'to, masyadong pakialamera.
"Alam ko, ang ibig kong sabihin, diba bawal yan at nasa loob ka pa ng school." ang ingay ng babaeng 'to.
"Bakit ba masyado kang concerned?. May gusto ka ba sa akin.?" nagsmirk ako sa kanya pero bigla nalang siyang tumawa.
"Hahaha, ang lakas ng tama mo, concerned ako kay mother earth, hindi sayo. Wala akong pakialam kong magkaroon ka man ng sakit sa baga, kakasigarilyo 'no. Ang feeling nito." napahiya ako dun ha. Babawiin mo din yang sinabi mo.
Tinapon ko ung sigarilyo at inapakan. Tiningnan ko siya with a seducing eyes. Lumapit ako sa kanya at unti-unti siyang umatras, nang macorner ko siya sa sulok ay nagsalita siya.
"Anong ginagawa mo, kung may binabalak ka, huwag mo ng ituloy." nanginginig na siya sa sobrang takot. HIndi ko na kayang pigilan 'to. Tumawa ako ng malakas, grabe sobrang nakakatuwa yung mukha niya.
"Siya ba, siya ba yung ipinalit mo sa akin?." napalingon ako ng may nagsalita mula sa likuran, anim na lalake. Anong pinagsasabi nito.
"Pwede ba, wala siyang kinalaman dito." sabi nung babae dun sa lalake.
"Eh, ano yung nakita ko?. Huwag mo nga akong gawing tanga." hinila ng lalake yung babae at hinila ko din yung babae sa kabilang kamay niya.
" Nasasaktan siya." walang gana kong sabi dun sa lalake.
"Huwag kang mangingialam, o baka gusto mo ikaw ang masaktan." binitawan niya yung babae at binitawan ko din ang isang kamay niya. Mapapaaway nanaman yata ako.
Lumapit sa akin yung dalawa at hinawakan ako sa kamay, sinikmuraan nila ako, pero nang makabangon ako ay sinikmuraan ko din silang dalawa, pero napuruhan nila ako, pano anim sila isa lang ako. "Hoy, tigilan niyo yung kapatid ko." sigaw ni Kiel, ang half brother ko kasama yung tatlo at nagsimula na silang magsapakan. Tumayo ako at tinulungan sila.
"Stop.!!!" nagsitigil kami ng may sumigaw. Si Dad.
Pumunta kaming lahat sa office. Minsan lang pumunta si daddy dito at sakto pa na napaaway kami. And i know this is a serious matter.
Naupo kaming lima sa isang mahabang upuan at kaharap namin ung anim pati yung babae.
"Anong kahihiyan nanaman ba ang ginawa niyo?." galit na nakatingin sa amin si daddy. Dahil sa ako ang may kinalaman dito at nadamay lang silang apat. I spoke up.
"Sila ang nauna, lumaban lang ako at tinulungan lang ako nila Kiel." nakayuko lang ako.
"It doesn't matter who started. Ang gusto kong malaman kung bakit niyo ako binibigyan ng kahihiyan. Nagpunta ako dito with the investors pero ang naabutan nila yang away niyo. And the worst is mismong mga anak ko ang sangkot." sobrang galit talaga si Daddy.
Napatingin kaming lahat ng tumayo si Kiel. Si dad at si Kiel ay hindi magkasundo, lagi silang nag-aaway, at sa aming dalawa siya lang may kayang sagot-sagutin si Daddy.
"Yun na nga eh, mga anak mo yung nadamay. Hindi mo man lang ba naisip na tanungin kung okay lang kami. At hindi kami ang nagsimula ng gulo we just fouhgt for ourselves." lumabas si Kiel at hinabol siya ni Dad.
Si Kiel, kaya niyang ipaglaban ang sarili niya kay daddy, pero ako. Natatakot ako. Pero bakit nga ba ako natatakot?. Dahil baka itakwil ako ni Daddy, na baka si mommy ang balingan niya ng galit. Siguro nga dapat ipagtanggol ko na ang sarili ko, kahit na ano pa ang maging bunga nito.
Tumayo ako at hinabol sila. Nagpunta ako sa parking lot at nakita ko sila.
"Sige, umalis ka. Hindi kita kaylangan." sabi ni dad.
"Mas lalong hindi kita kaylangan." napakadiin na pagkakasabi ni Kiel. Itinaas niya yung mga kamay niya at sasampalin si Kiel pero tumakbo ako at sinalo ang sampal.
"I won't let you to hurt Kiel just because he stating the truth."
"Marunong ka nang lumaban ngayon, bakit may maipagmamalaki ka na ba sa akin.?"
"Siguro nga wala, pero dapat matagal ko nang ginawa 'to, dapat matagal ko ng ipinagtanggol ang mga kapatid ko mula sayo, dapat ako mismong kuya nila ang nagturo sa kanila kung paano manindigan sa tama at sabihin ang hinaing ng isang anak sa kanilang ama. Pero si Kiel pa ang mismong nagturo nun at laging nagtatanggol sa akin, ngayon it's my turn." ang sarap sa pakiramdam.
"Then go with him. I don't a bastard son's." sabi ni daddy at galit na umalis.
I looked at Kiel and he's still cying.
"Are you okay?." i asked.
"Bakit mo ginawa yun, pati tuloy ikaw nadamay." para talagang bata ang kapatid ko.
"Kapatid kita kaya walang iwanan." Kiel hug me. Parang bakla talaga 'tong kapatid ko.
"Kiel, thanks." humiwalay si Kiel sa pagkakayakap sa akin.
"For what?."
"Dahil tinuruan mo akong magsalita at idepensa ang sarili ko kay Daddy, sa pagturo sa akin kung pano manindigan at sa pagtulong sa akin kanina. Thank you for everything." Kiel hug me again. Kung may makakakita siguro sa amin pag-iisipan kami na bakla.
"Anong bromance yan, kadiri." napalingon kaming dalawa ni Kiel sa nagsalita at nakita namin silang tatlo. Lumapit sila sa amin.
Sabay-sabay kaming naglakad. Hindi namin alam kung saan kami pupunta basta ang alam namin magiging ligtas kami dahil walang iwanan sa rambulan.