entry 5

50 0 0
                                    

Ezekiel Bradford's POV

"Kiel, let's go." sigaw ni Clyde mula sa ibaba.

Nag-iimpake kasi kami ng mga gamit. Pinalayas kasi kami ni Daddy.

(<<>>)

"Anong kahihiyan nanaman ba ang ginawa niyo?." sigaw ni dad. Nasa office kami ng school, napaaway nanaman kasi kami.

"Sila ang nauna, lumaban lang ako at tinulungan lang ako nila Kiel." mahinahong sabi ni Clyde. Nakayuko lang siya. Hindi ko alam kung bakit siya natatakot kay daddy. Hindi niya sinasagot ng pabalang si Daddy kabaliktaran sa ginagawa ko.

"It doesn't matter who started. Ang gusto kong malaman kung bakit niyo ako binibigyan ng kahihiyan. Nagpunta ako dito with the investors pero ang naabutan nila yang away niyo. And the worst is mismong mga anak ko ang sangkot." sagot ni Daddy, hindi na ako nakapagpigil at tumayo.

"Yun na nga eh, mga anak mo yung nadamay. Hindi mo man lang ba naisip na tanungin kung okay lang kami. At hindi kami ang nagsimula ng gulo we just fouhgt for ourselves."  pagkasabi ko nun lumabas na ako.

Dumiretso ako sa parking lot at sinundan ako ni daddy.

"Wala kang karapatang sagut-sagutin ako sa harap ng maraming tao." hinarap ko siya.

"Bakit ba lagi nalang ang ibang tao ang iniisip niyo, kailan mo ba maiisip ang mga anak mo."

"Pareho talaga kayo ng nanay mo, madrama. Alam mo ba na hindi ko pinagsisihan na hiniwalayan ko siya, dahil nagkaroon ako ng anak na katulad mo." hindi ko napigilan at bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

"Sana nga naging anak na lang ako ng ibang tao, dahil nagkaroon ako ng tatay na katulad mo." alam kong napakabastos ng ginawa ko pero wala din siyang karapatang bastusin ang nanay ko.

"Pagkatapos ng ibinigay ko sayo, ng lahat-lahat ito ang isusukli mo sa akin."

"Kung pwede ko lang ibalik ang mga ibinigay mo gagawin ko, at huwag kang mag-alala hindi mo na ako kaylangan pang bigyan, dahil aalis na ako sa bahay mo."

"Sige, umalis ka. Hindi kita kaylangan." 

"Mas lalong hindi kita kaylangan." napakadiin ng pagkakasabi ko nun. Itinaas niya ang kamay niya. Pumikit ako at hinintay na dumampi yun sa mukha ko.

Sa sobrang lakas ng pagkakasampal ni daddy ay rinig-rinig, pero bakit wala akong naramdaman na sakit. Iminulat ko yung mga mata ko at nakita ko si Clyde na nakatayo sa harap ko. Teka, sinalo niya yung sampal na dapat ay para sa akin.

"I won't let you to hurt Kiel just because he stating the truth." sabi ni Clyde

"Marunong ka nang lumaban ngayon, bakit may maipagmamalaki ka na ba sa akin.?"

"Siguro nga wala, pero dapat matagal ko nang ginawa 'to, dapat matagal ko ng ipinagtanggol ang mga kapatid ko mula sayo, dapat ako mismong kuya nila ang nagturo sa kanila kung paano manindigan sa tama at sabihin ang hinaing ng isang anak sa kanilang ama. Pero si Kiel pa ang mismong nagturo nun at laging nagtatanggol sa akin, ngayon it's my turn."

First time in history sinigawan ni Clyde si daddy. Natutuwa ako sa ginagawa ng kuya ko, atleast ngayon may lakas na siya ng loob na sabihin ang gusto niyang sabihin at ipagtanggol ang sarili niya mula sa mga walang kwentang sinasabi ni Daddy.

"Then go with him. I don't have a bastard son's." 

(<<>>)

Bumaba na ako at sinalubong ako ni Iona.

Living with 5 boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon