MIYERKULES AT DUMATING na rin ang isa sa mga pinakaayaw kong araw. Hindi muna ako pumasok sa trabaho at sabay kaming lahat nina mama, papa, at ni Ate Lorna nang ihatid namin si kuya sa airport. Aalis na nga siya at ang bigat ng ere.
No'ng nakababa kami sa sasakyan ay bumuhos na ang luha ni mama. Grabe ang bilis! Habang ako naman ay pinipigilan lang ang luha. Hindi ako halos makatingin nang diretso kay kuya dahil paniguradong iiyak na ako.
Aaminin kong naging mas malapit kami ni kuya nitong mga nagdaang taon. Noon, siya yung pinakakinaiinisan ko. Nabubwisit talaga ako sa kaniya. Pero naglaon ay naging kumportable na ako sa kaniya; naiintindihan ko na yung pang-aasar niya at pambubwisit ay panlalambing niya pala.
Nagyakapan sila ni mama habang ako naman ay tinitignan ang mga taong dumadaan. Ang sikip ng dibdib ko. Hindi ko na ata kayang pigilan pa 'tong mga luha ko.
"Mag-ingat ka ro'n, ha. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Tumawag ka lang kung gusto mo ng kausap, kung may problema ka, o nami-miss mo kami. Magsaya ka rin do'n. Huwag kang trabaho nang trabaho."
"Opo, ma."
Bumuwag na sa pagkakayakap si mama at yumakap na rin si papa. "Pasalubong, ha. Yung tsokolate. Damihan mo," walang kaemo-emosyong sabi ni papa. Pero ramdam kong pinipigilan lang niya na maiyak.
Natawa naman si kuya. "Opo, pa!"
Nang bumuwag si papa ay yumakap na rin ako kasi ako na yung sunod na nilapitan ni kuya.
"Okay lang na umiyak ka."
"Shh! Bahala ka diyan," angal ko habang hinahayaan nang bumuhos luha ko, "Ingat ka do'n kuys, ah."
"Oo naman. Pero sabihan mo 'ko 'pag guguluhin ka ni Jake, ha. Uuwi talaga ako para basagin mukha niya."
"Sus."
"Seryoso."
"Basta bunso...ingatan mo sarili mo. Hindi man ako palaging nandiyan sa tabi mo pero isang tawag mo lang, sasagutin ko kaagad. Huwag kana masyadong mag-emote, ha. Humanap ka na ng guwapo. Mag Siargao ka na lang para makahanap ka ng foreigner. Mas seryoso yun. Papadalhan kita ng pera pang Siargao mo!" At tumawa pa ito.
"Weh?" Bumuwag na kami sa yakapan.
"Oo. Magkano ba?"
"Mamaya na 'pag may sweldo ka! Magse-send ako ng budget breakdown!"
"Okay!"
At dumiretso na siya kay Ate Lorna. Nagyakapan sila at ayun nga, humagulhol na rin si ate. Nabaling ang tingin ko kila mama at mas lalong naiyak si mama, samantalang si papa naman ay umiiwas ng tingin. Napayuko lang ako habang pinapahid ng panyo ang luha kong walang-tigil sa pagbuhos. Hindi ko masyadong narinig usapan nila ate kasi halos bulungan naman ito. Nang bumitiw na sila sa yakapan ay naghalikan sila.
"Ew!" Napangiwi ako.
"Inggit ka lang kasi wala kang jowa!"
"Aray."
Nang magpaalam na si kuya sa 'ming lahat ay muli na namang bumuhos ang luha ko. Matagal-tagal din bago kami magkakasama ulit ni kuya. Pero para rin naman ito sa ikabubuti niya. Do'n nga siya nakatadhana sa Japan. Tutuparin niya rin ang pangarap na pagagaanin ang buhay at babawi na rin kila mama.
LUMIPAS ANG ILANG araw at sumapit na rin ang biyernes. Sa wakas! Sa nagdaang mga araw, naging maganda naman ang takbo sa 'ming opisina. Hindi na ako nao-awkward kay Rayven at naging mas malapit at mas produktibo kaming tatlo na magkakasama. At natagpuan ko rin ang nawawala kong wallet.
No'ng muli kong hinalughog ang mga drawers ko ay napansin ko ito na nakasiksik pala sa dulo at natakpan din ng iilang mga papel. Tuwang-tuwa ako kasi akala ko na talaga nawala na yung mga valid ID ko. Marked safe na naman tayo sa machine gun na bunganga ni mama.
Sa kabilang dako naman, naging mapayapa naman ang buhay ko na hindi na ako ginagambala ni Jake. Gano'n pa rin. Hirap pa rin sa pagtanggap sa katotohanan na wala na kami. Hirap din ako sa pagkukunwari sa opisina na ayos lang ako.
May mga sandaling gusto ko na lang umiyak. Kasi nga halos lahat ng bagay ay nagpapaalala sa kaniya. Pero ayokong makita ako nina Jana na magkakagano'n. Nangako kasi siya kay kuya na kung magda-drama na naman ako ay susuntukin niya ako. Ang harsh ng barkada ko, 'di ba? T'saka ayokong magmukhang kawawa at mahina. Hangga't makakaya ay magkukunwari ako na matatag.
Ang hirap masaktan. Wala akong gana sa lahat. Gusto ko lang humilata buong araw at matulala. Mabuti na lang at marami kaming pinag-aabalahan at nagawa kong lunurin ang sarili ko sa trabaho. Sa paraang gano'n ay panandalian ko siyang malilimutan, at panandaliang hindi ko maalala ang sakit na dinulot niya.
May pagkakataon nga na nami-miss ko siya at hinahanap presensya niya. Pero pinapaalalahanan ko lang ang sarili ko sa ginawa niya. Ang hirap. Gustuhin ko mang magluksa pero hindi puwedeng ganito na lang palagi. Hindi ko na naman iniiyakan si Jake, iniiyakan ko lang yung mga panahong nasayang dahil sa kaniya.
Sampung taon din yun. Kung alam ko lang na dito rin hahantong ang lahat, edi sana hindi ko na siya sinagot pa noon. Pero nasayang nga ba ang lahat? Kahit papano ay masasabi kong may natutuhan din ako sa kaniya. Natuwa rin naman ako sa mga alaala namin. Pero yun nga lang...dinungisan na niya ang mga ito.
Siguro kung mabibigyan ako ng pagkakataon na babalik sa nakaraan, kakausapin ko talaga ang sarili ko at sasabihing huwag na tumuloy kasi ganito pala kasakit.
Hindi ko rin inaakalang ako ang magiging unang "test subject" nitong kalokohan kong Project: Healing. Ginawa ko lang 'to noon kasi panay reklamo yung tatlo kong bestfriends sa mga nobyo nila na mga red flags daw.
Binigyan ko sila ng taning na hindi nga magtatagal yung relasyon nila at kailangang i-activate ang Project: Healing. Isang programa kung saan ang "broken-hearted" ay dadaan sa mga aktibidad hanggang sa magawa na rin nitong tanggapin ang katotohanan at kalimutan ang taong nagwasak sa puso nito.
Alam na alam ko ang proseso. Ako mismo ang nagplano nito no'ng bored na bored ako...at no'ng naisip ko rin na paano kung maghihiwalay na kami ni Jake. Kahit na sino ay mapapaisip sa posibilidad na paano kung magkakahiwalay kayo ng minamahal mo sa buhay? Pero confident kasi ako noon kasi mahal na mahal namin ang isa't isa. Jusko, lolokohin lang pala ako. Hindi ko lang inaasahan na ako pa talaga ang mauuna. Sana nga lang ay epektibo ito.
Nang biglang tumunog ang phone ko ay nagising ako sa pagkatulala at tinignan ito agad. Nang malamang tumatawag pala si Jana ay agad ko itong sinagot at umupo muna sa tabi ng higaan ko.
"Oh. Ano?"
"Ready ka na?"
"Nag-eempake pa lang," pagsisinungaling.
"Ang bagal mo naman, besh. Aalis na tayo maya-maya. Dapat ready ka na. Nag breakdown ka na naman, 'no? Ready na kamao ko rito."
"Hoy. Anong breakdown? 'Di ba puwedeng tinamad munang kumilos?"
"Bilisan mo na! Ready na kami lahat. Dadaan na kami diya ngayon."
"Oo na. Eto na!"
Pinatay ko kaagad ang tawag at hinagis sa tabi ang phone ko. Napabuntong-hininga na lang ako at napailing-iling sa rami ng ililigpit ko pang gamit. Pagpipilian ko pa ang mga damit kung alin lang yung puwede kong ilagay sa backpack.
Ayokong magdala ng maraming damit kasi ako rin naman ang mababaliw sa bigat nito. At lalong ayoko ring magkulang ito kasi nakakahiya roon kung wala na akong isusuot o ibabalik ko yung damit ko. Ew! Kaya kailangan ko ng isang oras na pagninilay-nilay upang siguraduhing hindi ako magsisisi.
Sorry mga besties!
BINABASA MO ANG
the second time around
RomanceAfter a devastating heartbreak, Tristan never expected to cross paths with his first love from high school again. As sparks reignite, he's willing to risk everything for a second chance. But will rekindling old flames lead to a brighter future or wi...