First day
Jade Pov:
Hay huhuhu ngayon na!! Magtatrabaho na rin ako sana lang hindi ako imudmud sa inedoro nang magiging amo heheheh!!! Ay teka bakit parang natatae ako..ano ba yan
Humakbang ako nang ilang metro bago ko nakita ang insaktong numerong nakatatak sa tapat nang malaking gate ito kasi yung binigay sa akin nong ale.. nagtanong kasi ako sa kanya kung may alam ba siyang pwede pagtrabahoan na may malaking sahud kaya itinuro niya sa akin.
Medyo kinabahan nga ako nung tinanung niya ako na interasado ba ako dahil baka pagsisihan ko sa huli ang pagpasok ko bilang kasambahay masama kasi ugali nang amo ....kaya lang malaki kasi sahod 50,000 per month may christmas bonus pa asan kapa!!
Wa epek yang ugaling yan basta maganda ang sahod laban!!
Muka ka kasing pera!!Goodluck nalang sa sampal at palo nang amo mo hahaha
Pinindut ko na yung door bell nila medyo hindi ko nga abut eh sa subrang taas paano ba yan 4'11 lang height ko hehhehe
Pagbukas nang gate bumungad sa akin ang katulong na nakauniporme nang kasambahay..
Medyo may edad na siya mga nasa 40 plus na siya
Magandang araw po --- bati ko sa kanya
Magandang araw din iha ....ikaw ba yung sinabi ni sonya na papalit sa kanya?--- tanong niya sa akin
Opo
Halika pumasok ka muna ihahatid kita sa kwarto mo para mapakain mo na yung dragon--este yung amo natin--- sabi niya na parang natatawa sabihin pa naman na parang dragon
Hala!!
Teka!!
Wait!!
Ito na ba yong sinasabi ni ate sonya na baka pagsisihan ko ..........wag naman sana
Ano nga palang pangalan mo iha ?--- tanong niya na nakagising sa akin sa realidad nandito na kami sa pintuan nang kwarto
Jairel Dane Mendoza po ..jade nalng for short --- sagut ko habang nakangiti
Ahhhh ako nga pala si Wilma....pwede mo kong tawaging ate,ali o kahit ano wla akong paki--- siryuso niyang sagut
Ate wilma na lang po-- nagnod lang naman siya at umalis
Ipinasok ko na yung mga kayamanan ko charr!! Mga bag ko na saksakan ng bigat hindi ko alam kong anong nilagay ko dito at bakit parang ang bigat..... Inilagay ko na sa drawer ang mga damit ko at nagbihis na sa uniporme ko na binigay ni ate
Habang naghahanda para sasabak sa laban--este para sa trabahong to na pinakakaba ako sa bawat salita nila ..
Si ate sonya kasi ehh hasttttt!! Kaya to.. desisyon ko to kaya papanindigan ko itoHuminga ako nang malalim at pumunta sa kusina mayroong nag luluto nang pagkain ... Ang nakapagtataka ko lang kung bakit parang kaunti lang ang mga kasambay kahit na sasakan nang laki tung mansion
Ngayon ko lang napagmasdan nang mabuti itong bahay nila dahil nasa labas kasi yung mga kwarto nang kasambahay kaya ganun nalng ang pagkamangha ko......habang tinitingala ko ang paligid
Hoyyy!!-- sigaw nang kung sino...isang babaeng nasa 30 plus ang bumungad sa akin na may dalang tray
Ano pang tinitingin mo dyan kunin mo na to-habang iniabut sa akin ang tray -anong oras na baka magalit si mam kapag nalaman niyang lumagpas sa oras na hindi nakakain ang anak niya baka bugbugin ka