Kahit magang maga yung mata ko, pumasok parin ako. Sayang din matututunan no. Wow, parang totoo eno? Pagpasok ko, dumiretso na muna ako ng Library. Nagbasa basa. Gusto ko munang mapag-isa. Basa. Basa. Ilang sandali lang ay.. dumating nanaman si Cloud. Salubong na mga kilay ko. Pero naalala ko na magiging mabait na pala ako sakanya.

"Hi Cloud!" Bati ko. 

"Wow. Ano nakain mo? Binati mo ko? Hahaha. Siguro narealized mo na gusto mo na ko no? Ano nangyari sa mata mo? Kinagat ng ipis?" Pang aasar pa nito. Kahit kailan talaga! Di na talaga sguro ako magiging mabait pa sa Monggoloid na to. 

"Ikaw, bwiset ka eno? Kahapon lang, ang bait mo." Tumayo ako at kukuha ng libro. Sinundan naman niya ko. 

"Utang yon ha. May kapalit yon Jill!" 

"O ano namang kapalit?" Pagtataray ko.

"Papayag kang maging date ko sa Party." Nakangiti ito at nagpapacute.

"What?! Maging date mo?! NEVER!" Sinita kami ng bantay sa library. Napalakas ata kasi yung pagsabi ko. 

"Sorry. Hehe. Ikaw naman. Wag ka maingay Jill! Please naman o?"

"Ayoko.."

"Ah basta. Pumayag kana. Thank you babe!" Kiniss niya ko sa pisngi. At naglakad ng mabilis palayo. Nagulat ako sa ginawa niya. Bago siya lumabas ng library..

"Jilleel Uy. May titulo ka ba?" 

Napatingin sa kanya yung mga tao sa loob ng library. Nako. Eto nanaman siya. Pag-uusapan nnaman ako neto.

"Tingin ko kasi, pagmamay-ari kita. :">" Nakangiti padin ito. NagAyiiee yung mga tao. Iniinis mo nanaman ako Cloud!! 

"How sweet. Alam mo ba para kang yung librong hawak ko.." Ngumiti siya. Alam ko. Gumagawa nanaman kami ng eksena. Nakakahiya. Buti nalang at hindi kami sinita uli. Naglalandian kasi kami e. OMG. Ano nga uli term ko? Naglalandian? Parang inamin ko na din ah! NOOOO!

"Bakit babe?!" Pagtataka nito.

"Kasi singKAPAL nitong librong hawak ko yung pagmumukha mo!" Nagpout si Cloud. Pacute amp! Epal talaga kahit kailan. 

----

Akala niya ha! Ayan. Basag tuloy siya sakin kanina. Hahaha. Andito kami ngayon sa Gym. PE namin. Classmate ko siya sa subj na to e. Wala pading prof. Nakakatamad. Nahalata ata ni Cloud na bored ako. 

"Laro tayo, babe?" Nabuhayan ako ng loob sa tanong niya. Wala kasing magawa e.

"Ano?" 

"Kahit ano. Wag lang tago-taguan." Sabi niya.

"Malamang. Hahaha. Baka bigla ding dumating si sir tapos di mo pa ko nahahana---"

"Yeah, because a girl like you is impossible to find. <3" Natameme ako sa sinabi nya. Eto nanaman siya sa banat niya. Bwiset talaga. Hanggang sa dumating na prof namin. Buti nalang. Kasi di ko alam irereact ko sa banat na yun ni Kumag.

Pagtapos ng klase namin, nagmall muna kami. Maaga pa kasi. At ayaw pa namin umuwi. Dalawa lang kami. OO. Di naman nako naiilang sa kanya. Actually, komportable nakong kasama siya. Masaya naman kasi syang kasama. Walang oras na hindi ka tatawa. Pagmumukha kasi niya e..POGI. LOL. Andito kami ngayon sa Timezone. Para siyang bata. Cute. Naglaro kami ng kung ano ano. Para kaming tanga. Pinagtitinginan na nga kami e. Nagbilliards pa kami. Syempre, talo nya ko. Galing pala niya. -.- Nagpicture din kami sa Photobooth. Para kaming tanga sa mga pose namin. Ang saya saya. 

Gumagabi na kaya napagpasyhan na naming umuwi. Syempre, ihahatid nya ko. Chicks kaya ako. LOL. Pagdating sa bahay, pinapasok ko na muna siya.. 

"Pasok ka. Pasensya na sa bahay ha. Ano gusto mo kainin?"

"No. Wag na. Uuwi na ko. Hehe." 

"Hindi bagay sayo Cloud. Dali na. Teka, ikuha lang kita ng Juice."  Nagpunta muna ako ng kusina. Nagluto nadin muna ako ng makakain namin. Ilang minuto pa ay natapos na ko. Hala? Uhaw na siguro yon si Cloud, nakalimutan ko. Haha. Pagbalik ko ng Living room. Andun siya, pati parents ko. Hala? Nkakahiya naman. Tsk. Napatingin si Cloud sakin.

"Una na ko Jill. Tinext na ko ng Mom ko e." Paalam niya sakin. Hinatid ko siya hanggang labas.

"Thank you ha? Nag enjoy ako ngayong araw na to. Sobra. Di ka muna kumain kasi dito."

"Bakit? Mamimiss mo ba ko agad? Hahaha." Lumapit siya at bumulong.. "Saka nalang kita titikman. Este yung luto mo." Nagwink siya. Nanlaki mata ko. 

"Bastos! Umalis ka na nga!!!" 

At umuwi na nga si Cloud. Ako? Pumasok nadin. Iba yung tingin nila Momi sakin. Ano kayang problema nila. Baka papagalitan ako? Di ko naman boyfriend si Cloud e. Pagtapos kumain ay nagpahinga nadin ako..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inseparable.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon