Chapter 18

20 8 12
                                    

Andito pa rin kami sa loob ng library at panay ang pagbubuklat ko ng libro para ituon ang pansin ko sa iba kesa naman sa ituon ko ang pansin ko rito sa katabi kong seryosong seryosong nagbabasa ng libro pero hindi ako katulad niya na seryosong nagbabasa kasi tinitigan ko lang siya, ganda kasi.

"Stealing stares would be illegal, Karssev, you should read this." sabi niya habang itinulak yung libro gamit ang daliri niya sa table at seryoso pa ring nagbabasa.

Seryoso, may mata ba siya sa tenga? bakit niya alam na tinitignan ko siya? and pasulyap lang naman yung ginagawa ko at hindi ko naman siya tinititigan ng matagal.

"Get me arrested if that was illegal but it's all your fault at the first place tho," sabi ko kaya napatigil naman siya sa pagbabasa ng libro at napatingin saakin habang nakataas ang isang kilay.

"What do you mean it's my fault?" sabi niya habang masungit na nakataas ang kilay.

"You're so pretty that I can't focus on my book because you're stealing my attention, ma'am."

Sa sinabi ko ay mas lalong tumaas ang kilay niya, "Oh? so i'm too pretty that I stole your attention? that's what you're pointing?"

"Yeah," tipid na tugon ko.

"Whatever," sabi niya at itinuon ulit ang atensyon sa binabasa niyang libro na hindi naman ako pamilyar pero ang pamagat ng kwento ay Gap Between You and I, kaya dahil sa kuryosidad ay tinanong ko siya kung tungkol saan yung binabasa niyang libro.

"Tungkol san 'yan?"

"This book is all about the two persons; having the same feelings but afraid of saying it because of consequences that they will face if they'll say their feelings for each other but even though something's trying to separate the both of them giving a gap between them they're fighting it for each other. Even though they can't even tell each other that they love each other but they make each other feel it."

"Ganda ah, pahiram nga muna pabasa ako," sabi ko habang kukunin sana ang libro pero agad niya namang binawi ito.

"Can't you see that i'm reading?"

"Tch, damot," bulong ko.

"Are you saying something?" taas kilay niyang sabi.

"Wala sabi ko bungol ka," nagpigil pa ako ng tawa hoping na hindi niya alam yung meaning no'n.

"What's bungol?"

"Maganda, ang ganda mo." sabi ko habang nagpipigil ng tawa.

"Bolera"

"Eh? i'm telling the truth." sinabi niya nanaman yung signature 'whatever' niya at bumalik nanaman sa pagbabasa ng libro na binabasa niya.

Binuksan ko naman ang phone ko at tinawagan yung number nila Sheena at Jamaica pero ang dalawang hayop ay out of coverage at tinakasan nga talaga ako.

"Where's your friends? aren't they coming back? what kind of shit are they shitting right now? a massive one?" tanong niya kaya napatawa naman ako.

"Hahahahaha siraulo, tinakasan siguro ako ewan ko sa mga 'yon."

"Well if that's the case, don't you have a class after this? let's go to the museum, I wanted to go there yesterday but your aunt are very busy with the field trip planning so I haven't go there."

"Wala naman akong class mamaya tsaka vacant namin sa tatlong subject siguro pwede naman akong sumama sa'yo." sumilay naman ang ngiti niya sa labi ng masabi ko iyon.

"Let's go then?"

"Tara," ibinalik na namin yung libro na kinuha namin sa shelf at umalis na sa library, wala kaming masyadong nakikitang estudyante rito sa hallway dahil yung iba ay busy sa paghahanda para sa field trip planning at yung iba naman ay naghahanda para sa foundation day at yung iba naman ay nagkaklase.

The Gap Between Us (On Going)Where stories live. Discover now