Chapter 1

2 1 0
                                    

CHAPTER 1

Nagising ako, hindi dahil sa alarm clock ko, kundi dahil sa sigawan nina Mama at Papa sa ibaba.

Ganito na lang palagi. Walang bago. Siguro nga, sila na ang naging "alarm clock" namin tuwing umaga.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa orasan. Alas-kwatro y medya pa lang ng umaga, pero heto na naman sila.

Wala na bang katapusan 'to?

Wala akong ganang bumangon, pero kailangan. Tumayo ako at nagpunta sa banyo para maligo. Pagkatapos, nagbihis agad ako.

Nakaputing blusa ako ngayon at pulang pantalon. Habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin, napabuntong-hininga ulit ako.

May hugis naman ang katawan ko, pero hindi ko maitanggi—hindi ako maganda.

Hindi katulad ng ilong ni Papa ang ilong ko. Ilong ni mama ang namana ko. Matangos naman pero hindi gaano. Medyo makapal ang kilay ko at mahaba ang pilikmata, pero hindi ko sila gusto. Hindi rin manipis o mapula ang mga labi ko. Kung hindi nga ako maglalagay ng lipstick, masasabihan pa akong namumutla.

Sabi nila, maganda raw ako. Pero hindi ako naniniwala. Iba kasi ang nakikita ko.

Marami akong namana kay Mama. Samantalang si Kuya, hati sa kanila ni Papa. Gwapo si Kuya—sobrang tangos ng ilong, mahaba ang pilikmata, makapal ang kilay, mapupula ang labi, at perpekto ang hugis ng mukha.

Laging sinasabi ng iba na maganda raw ako, pero hindi ko mapigilan ang ibang tao na magtanong, 'Bakit ang layo ng itsura niyo ng Kuya mo?' Gwapo talaga kasi si Kuya. Isa siya sa mga crush ng campus namin. Samantalang ako? Normal lang. Hindi ako sikat, wala akong talent.

Siya rin ang paborito ng mga kamag-anak namin.

Nakakainggit ba? Siguro sa iba, oo. Pero ako, hindi. Proud ako kay Kuya. Kahit mas maraming pumapansin sa kanya at mas maraming may gusto sa kanya sa pamilya namin, wala akong nararamdamang selos.

Pero naputol ang mga iniisip ko nang biglang may narinig akong nabasag mula sa ibaba.

The hck?!

Dali-dali akong tumakbo pababa, at sa hagdan pa lang, nakasalubong ko si Kuya na nagmamadali rin.

"Ano ka ba naman, Lena! Ilang ulit ko nang sinabi sa’yo, kaibigan ko lang 'yun! Wala ka bang utak?!" sigaw ni Papa kay Mama.

May basag na vase sa pagitan nila. Siguro si Papa ang nakabasag.

"Kaibigan? Talaga? May kaibigan bang laging magkasama, ha?!" ganting sigaw ni Mama.

Hindi kami makagalaw ni Kuya. Nanatili lang kaming nakatingin sa kanila.

"Malamang! Kaibigan nga!" balik ni Papa.

"May kaibigan bang binibigyan ng bulaklak? Ka-holding hands? Kumain sa mamahaling restaurant?" halos sigaw na ni Mama. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Napahilamos si Papa sa mukha niya. "Business lang 'yun, Lena. Trabaho lang! Trabahador ako ng Daddy niya. She gave me money para bumili ng bulaklak—hindi ko pera 'yun! Holding hands? Oo, pero dahil may gusto siyang pagselosin. At 'yung kumain sa restaurant? Meeting 'yun! Siya ang nagyaya, para pag-usapan ang bagong gagawing tulay!"

Unti-unting bumaba ang boses ni Papa, halatang huminahon na siya. "Ginagawa ko lahat ng 'to para sa inyo, Lena. Para sa’yo. Para sa mga anak natin. Dahil mahal ko kayo."

Ngayon ko lang narinig si Papa magsalita ng ganito. Dati kasi, laging tungkol sa pera ang inaawayan nila.

Hindi nakaimik si Mama. Yumuko siya, tila nahihiya.

The Ties that Beyond UsWhere stories live. Discover now