Karma's POV
***************************************
"Suotin mo na 'yan kung ayaw mong malintikan sa akin!"
Si Tombs na ngayon ay nakamulagat ang mata, nakapamewang ang isang kamay, at ang isa nama'y inaabot sa akin ang isang t-shirt na kulay pula.
"Hah! I will not! Corny-corny naman niyan." Pagrereklamo ko at pilit na itinatanggi ang sarili ko sa kanya.
"Alam mo?! —"
"Hindi ko alam."
Inirapan niya ako ng pagkatalim-talim. "Ang arte-arte mo!"
"Ano naman?" Panghahamon ko pa. "Atsaka 'wag mo nang ipilit pa sa akin 'yan. Maayos ang damit ko, malinis at mabango." Pinagpagan ko pa ang imaginary alikabok.
"It's Valentine's Day! Common sense naman na magsusuot ka ng pula."
Ako naman ang napairap. Anong Valentine's-Valentine's ang sinasabi niya riyan? Gawa-gawa lang naman ng mga masasamang loob 'yan eh.
"Wala akong pakialam. Kayo lang naman ang nagpapasok sa akin ngayon. Kung hindi niyo lang sana ako kinulit, edi sana nasa talyer ako at gumagawa ng pera," naaasar na pahayag ko.
"C'mon! Don't be such an old-naggy-dude! Let yourself have some fun naman kahit ngayon lang."
Nag-tagisan pa kami ng tingin, nag-sukatan, at sabay ring umirap bago umiwas.
Ano ba naman kasing gagawin ko sa lintik na Valentine's Day na 'yan? Inaabala lang ako eh. Kung hindi lang dahil sa mga gunggong na 'yon, hindi naman dapat ako papasok. Although required naman, pero kahit na! Ayaw ko pa rin magsayang ng oras dito. Hindi naman 'to graded, so bakit pa ako magsasayang ng oras, 'di ba?
"Sige na kasi! Suotin mo na," panghihimok pa ni Tombs.
BINABASA MO ANG
MHC-007: KARMA
Roman pour AdolescentsWhatever you do, there are always a consequnces, and that is what you called KARMA. They say, "Life is full of aesthetics, it is just a matter of appreciation, and contentment." But, the series of nothingness puts me in the abyss of darkness. Tatan...